Chapter 12

4.5K 143 18
                                    

Emilia

"Momma, look! Heart shaped cookie!" Napangiti ako sa ipinakita ni Rowan sa akin. Hawak-hawak kasi nito ang heart shaped cookie na siya ang gumawa. Isa 'to sa mga request niyang gawin sa araw na 'to, ang mag-bake raw kami ng cookies.

Kaya kasama ko siya ngayon dito sa kusina habang nagmamasa ng harina. Ang ama naman nito'y lumabas lang dahil tinawagan daw siya ng kaniyang boss.

"Tara, i-bake na natin?" sabi ko sa kaniya nang matapos kaming dalawa. Tumango lang ito at pinagtulungan na naming ilagay ang mga ginawa naming cookies sa isang tray para lutuin na sa oven.

Mabuti na lang dahil kompleto sa gamit itong kusina nang bahay. May iilang gamit sa pagluluto ang mayroon dito ngunit wala sa dati naming bahay. Kaya nakakatuwang magluto lalo pa't kasama ko ang anak ko. Sa dati kasi naming bahay ay hindi namin 'to nagagawa, hindi kami nabibigyan nang pagkakataon na magkasamang magluto. Dahil palagi akong nasa trabaho habang kasama naman nito ang kaniyang ama.

"Are you guys done?" tanong nang kakapasok pa lang na Roman sa kusina.

Narinig kong tumawa si Rowan sa tabi ko nang makita nito ang ama. Kumunot ang noo ko kaya naman itinuro ni si Roman na nasa tabi ng pinto. Nang makita ko ang ibig nitong sabihin ay natawa rin ako dahil sa itsura ng kaniyang ama. Bago ito lumabas kanina ay tumutulong din ito sa pagmamasa ng harina kaya ang mukha nito'y may harina.

"What? Bakit kayo tumatawa?" aniya habang papalapit sa pwesto namin kaya mas naging visible 'yung mga harinang nagkalat sa kaniyang mukha. At, mas lalong lumakas ang bungisngis ni Rowan sa tabi.

Dahan-dahan kong itinuro ang mukha niya habang pinipigilan ko ang pagngisi. Ayaw ko kasing baka magalit ito dahil tinatawanan ko siya. Gusto ko na buong maghapon ay masaya lang dapat kami. Ayaw kong masira ang araw na 'to dahil lang sa hindi maganda ang samahan naming dalawa.

"Y-You have flour on your face po, Papa." Pagkatapos sabihin iyon ni Rowan ay nagmadaling lumapit si Roman sa may salamin dito sa kusina at nang makita nito ang kaniyang mukha'y humarap siya sa amin na nakakunot ang noo.

"Why didn't you tell me, young man? Nakipag-video call ako sa boss kong may flour sa mukha."

"Eh, kasi po, Papa. You're in a hurry po kanina kaya hindi ko na po nasabi. Momma, will clean it na lang for you." Natigilan ako sa sinabi nang anak ko at napatingin kay Roman. Biglang nagtama ang mga mata naming dalawa kaya mabilis akong umiwas.

Lumapit ako sa isang cabinet na pinaglalagyan ko ng table napkin. Wala kasi akong mahanap na pamunas kaya ito na lang ipampupunas niya sa mukha niya. At, sandali, hindi ibig sabihin na kukuha ako nang pamunas ay ako na ang magpupunas sa madumi niyang mukha. Malapit lang ang puwesto ko sa cabinet kaya ako na ang kukuha para ibigay sa kaniya.

"Ito pamunas. Punasan mo na 'yang mukha mo dahil nagmumukha kang cookies," sabi ko sabay abot sa kaniya nang kinuha kong table napkin. Naglakad naman ito papalapit sa akin ngunit hindi niya kinuha ang hawak ko bagkus ay ipinuwesto niya sa harapan ko ang kaniyang mukha.

"Clean it for me. I can't see it," anito habang unti-unting gumuguhit ang ngisi sa kaniyang labi. Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko dahil sa biglang pagbilis nang tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit pumayag siya sa gusto ng anak niya. Samantalang noon ay kahit magtabi lang kaming dalawa ay masama na siyang nakatingin sa akin. "Bilisan mo na, Emilia. Our son is looking."

Bumalik ako sa reyalidad at dahan-dahan na nilapit ang pamunas sa kaniyang mukha. Wala akong nagawa kundi ang sundin ang gusto ng anak namin, ang punasan ang mukha ng ama nitong kanina pa nakangisi sa harapan ko.

WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon