Chapter 17

4K 124 24
                                    

Emilia

"Ang dami nating nabili, Momma! I can't wait to play with my toys when we got home!" Tuwang-tuwa ang anak ko habang nasa loob na kami ng kotseng sinakyan namin kanina.

Totoong marami kaming nabili at halos lahat ng iyon ay mga damit at laruan ni Rowan. Sinubukan kong 'wag na lang akong bilhan ni Roman dahil hindi naman kailangan at sino ba ako sa buhay niya? Pero hindi ito nakinig sa akin, siya na halos lahat ang kumuha ng mga damit na gusto nito.

Kaya heto, habang binabaybay namin ang daan papunta sa kung saan man. Hindi na magkamayaw sa tuwa ang anak ko habang tinitignan ang mga paper bags dito sa likod kung saan kami nakasakay. May kinuha pa nga itong laruan doon na mukhang kanina pa niya gustong laruin.

"Saan niyo gustong kumain?" Napatingin ako sa harapan nang magsalita si Roman. Nakatingin ito sa amin gamit ang rear view mirror sa harapan. Hindi ako sumagot dahil hindi ko naman alam kung sino ang tinatanong nito.

"Anywhere po, Papa. Basta po kasama ko kayo ni momma." Umiwas ako ng tingin at ibinaling iyon sa anak ko. Nakangiti itong nakatingin sa ama niya sa harapan at saka tumingin din sa akin.

Ngumiti ako at hinaplos ang pisngi nito. Alam na alam nito kung papaano makuntento sa mga bagay na mayroon siya.

Narinig kong kinausap ni Roman si Edward. Kaya hindi ko na pinansin at itinuon na lang ang sarili sa pagtingin ng anak ko. Malikot kasi ito dahil may hawak siyang laruan kaya kailangan kong tutukan at baka kung mapano pa ito.

Hindi nagtagal iyong naging byahe at muling tumigil ang sinasakyan namin sa isang restaurant. Hindi modern ang dating nito sa labas ngunit sa tingin ko pa lang ay mukhang mamahalin na ang mga pagkaing inihahain. May iilang mga turista kasi ang labas-masok sa loob kaya roon ko naisip na mahal nga siguro ang inihahanda nila.

Pero iwinaksi ko na iyon sa isipan ko. Dahil alam kong kahit tumanggi pa ako'y wala akong magagawa. Tutal, hindi naman ako ang magbabayad ng kung ano mang gagastusin namin sa loob.

Pumasok kami sa loob at sa pagkakataong ito'y sumama na sa amin si Edward. Magtatanghalian na rin naman ay mukhang kanina pa nagugutom ang anak ko. Pagpasok namin, bumungad sa amin ang magandang interior design ng restaurant. Kahit gawa ito sa kahoy, alam kong matitibay ang mga 'to. Sa dulo ay maganda pa ang tanawin dahil makikita mo ang mga bundok at iilang kagubatan dito sa Isla.

Pumuwesto kami sa isang squared wooden table, malapit sa bintana dahil ang sarap kumain kapag may magandang tanawin kang natatanaw. Magkatabi kami ng anak kong naupo at sa harapan namin ay sina Edward at si Roman na naupo sa tapat ko.

Nilapitan kami ng isang waiter. Kinuha ko ang ibinigay nitong menu at saka nagpasalamat. Nang buklatin ko ang menu ay gusto kong isarado ito at 'wag na lang kumain. Tama nga ako. Nakakalula naman kasi ang mga pagkaing niluluto nila.

Saan ba galing ang bakang niluluto nila para sa isang order ng beefsteak? Isang libro para lang sa maliit na piraso ng baka? Kung ibibili lang ng karne ng baka ang isang libro sa palengke roon sa puwesto ko, marami nang makukuha iyon.

Napatingin ako sa harapan ko at nagkasalubong ang tingin naming dalawa. Bigla akong kinabahan at hindi ko alam ang gagawin ko.

"What do you want?" tanong nito sa akin.

"M-Mahal," bigla kong nasabi.

"What?! Mahal mo 'ko?" Napapikit ako nang mariin dahil sinabi nito at ngumisi pa siya.

Mabilis kong inalis sa isipan ko iyon ngunit ang puso ko ay ayaw na niyang kalimutan. May sarili rin bang isip ang puso? Nakatatak na sa kaniya ang biglang sinabi ni Roman.

"Just pick what you want, Emilia. Edward will pay for it," anito at tumawa pa. Natigilan ako dahil narinig ko itong tumawa na tila ang saya-saya niya.

"Bro, kung wala lang akong utang sa 'yo. I'll never pay for your foods and everything. May pera ka naman, why don't you used it?"

Tumingin dito si Roman nang tumigil ito sa pagtawa. "Bayaran mo na lang ang utang mo. Wala ng libre ngayon," sabi niya rito.

Hindi na rin kami nag-usap pa at sinabi na namin ang oder sa naghihintay na waiter. Pagkatapos niyang makuha ang order namin ay agad itong umalis.

"Papa..." Napatingin ako kay Rowan at gano'n din ang dalawang kasama namin.

"Yes, young man?"

"That women is looking at us po. K-Kanina pa po siya nakatingin dito," sabi nito at gamit ang kaniyang nguso ay may itinuro ito. Sinundan ko naman ng tingin ang itinuro niya at nakita ko ang babaeng sinasabi ng anak ko.

Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Napagtanto kong tama nga ang sinasabi kong nandito nga siya.

Kristina Rachel Evangelista.

Bago pa man may mangyari sa aming dalawa ni Roman. Siya ang babaeng mahal nito at saksi ako roon kung papaano sila maghalikan sa bar na pinagtatrabauhan ko. Siya ang nauna at alam kong hindi magtatagal ay babalik si Roman sa kaniya.

Dahil sino ba naman ako? Ako lang iyong pinakasalan dahil nabuntis ngunit hindi ako iyong mahal. Ako lang iyong nanira ng relasyon at dapat silang dalawa ang pumirma sa isang marriage contract.

Hindi ako. Kahit baliktarin ang mundo. Wala ang pangalan ko sa kwento nilang dalawa.

"Hi." Hindi ko namalayan ang paglapit nito sa puwesto namin at nakangiting nagpalipat-lipat ang tingin. "It's nice to see you guys here," sabi pa nitong nagbigay kilabot sa buo kong katawan.

Hindi ko maintindihan at gusto ko na lang na umalis kami ng anak ko. Nandito siya at dapat ay wala ako rito, kami ng anak ko.

"Kris! Kris Aquino!" biglang sabi ni Edward na nagpabalik sa amin sa reyalidad. Biglang bumalik sa akin ang alaala noon sa bar kung saan tinawag niya itong Kris Aquino at napagtanto kong naroroon nga si Edward noon.

Malaki na ang pinagbago niya ngayon. Kaya hindi ko agad siya nakilala.

"Shut up, Ed Caluag. Umalis ka riyan at mauupo ako." Agas namang umalis si Edward at kinuha nito ang isang pang-isahang upuan sa bakanteng mesa at inilagay iyon sa tabi ni Rowan.

Habang si Kristina ay naupo sa tabi ni Roman. Ang kabang kaninang nararamdaman ko ay unti-unting naglaho at napalitan ng isang kirot sa dibdib. Nakikita ko kasi silang dalawa, magkatabi sa iisang upuan at nakatingin sa isa't isa. Nai-imagine ko ang buhay nila na wala kami roon.

Kung hindi kaya ako nabuntis noon? Siguro, kasal na silang dalawa, may mga anak na at masayang nagsasama.

"She's really pretty po, momma!" sabi ng anak ko na agad kong sinang-ayunan.

Totoo namang maganda si Kristina. May maputi siya balat, magagandang mga mata at makinis na kutis. Maganda rin ang hubog ng kaniyang katawan at galing pa siya sa isang mayamang pamilya. Kaya kahit ano ang gawin ko, walang-wala akong laban sa kaniya.

Pinakasalan lang ngunit hindi minahal.

"Thank you. You're really cute. Nagsasabi ka ng totoo," sagot nito sa bata nang ibaling niya ang tingin dito. "You must be, Rowan Emil Garces?"

"Yes po!" sagot ng anak ko matapos nitong marinig ang buo niyang pangalan. Tumawa si Kristina at ibinaling nito ang tingin sa akin. Kaya agad akong napaayos ng upo at hindi makatingin sa kaniya ng diretso.

"And you must be his mom? Emilia Palmiero Garces? Correct me if I'm wrong," aniya na tinanguan ko lang. "Oh, nice to meet you."

"I-Ikinagagalak ko rin na makilala ka, K-Kristina." Tila ba may nakabara sa lalamuna ko habang sinasabi ang mga katagang iyon. Ang sikip-sikip na rin ng dibdib ko. Gusto kong umalis ngunit ayaw namang gumalaw ng mga paa ko. Ayaw ko ring mag-eskandalo at ayaw ko ring magtanong sa akin ang anak ko ng mga bagay na hindi ko kayang sagutin.

Kaya kahit hindi ko kayang tignan ang eksena habang kumikislap ang mga mata ni Roman na nakatingin sa kaniya. Tinitiis ko dahil lang sa anak ko.

*****

Ayan na, pumasok na si Ate Girl!

WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED]Where stories live. Discover now