ONSWTC: Chapter 3

3.2K 43 0
                                    

SPG!!!
SPG!!!
SPG!!!
SPG!!!
SPG!!!
   
   
I’M HAPPY TODAY
  
  
Kring! Kring! Kring!
tunog ng alarm ng cellphone ko yan na kanina pa alarm ng alarm every 5 minutes sa loob ng 30 minutos kong nakahiga sa kama. Dahil sa paulit ulit na ginagawa kong pagpatay sa alarm na ’to e napag desisyonan ko na ding tumayo pero bago yon e tiningnan ko muna kung anong oras na ba at nainis lang lalo ako nang makitang ala-sais pa lang. tsssk!

Tutal nawala na din naman ang antok ko e mas pinili ko na ding tumayo sa pagkakahiga at naglakad papuntang restroom nang bigla kong maalala ang napaka gandang pangyayare kagabi. Mabilis akong umikot at tumingin muli sa kama at makitang wala na don si nameless guy.

“Tsk malamang .. ano pa nga ba ang aasahan ko don tsss!” aniya ko sa aking sarili at saka dumeretso na sa C.R at nag ayos na nang katawan. Mabilis naman akong nakapag bihis kaya naman lumabas na ako at nag abang na lang ng taxi sa labas para makauwe na sa bahay, mag co-commute sana ako kaso pakiramdam ko e parang lutang pa ko kaya Go na sa taxi....

Nang makasakay na ako sa taxi ay kinuha ko din agad ang phone kong kagabi pa nakapatay at paniguradong sandamakmak na naman ang mga text sakin nito. haysss!

Ting!

Ting!

Ting!

Ting!

oh kitam... tunog ng notification ko yan sa text messages. hehehehe Ting!

FROM: SIS ZHANTALIAH
RECEIVED: 9:02 PM

Hoy asan ka bang babae ka!

FROM: SIS ZHANTALIAH
RECEIVED: 9:31 PM

I’m about to go. Ano ba iintayin pa ba kita?

FROM: SIS ZHANTALIAH
RECEIVED: 9:45 PM

Tinawagan ko si Deymus sabi nya di naman daw kayo magkasama.

FROM: LOVE ❤
RECEIVED: 9:47 PM

Love, tumawag sakin si Liah. Where are you??

FROM: SUMMER
RECEIVED: 9:54 PM

Hoy, tumawag sakin jowa mo hinahanap ka, sabi ko magkasama tayo. Bwiseet ka nasan ka ??? call me asap.

FROM: SIS ZHANTALIAH
RECEIVED: 9:58 PM

Tumawag na sakin si Deymus, walangya ka mamamatay ako sa pag aalala sayo magkasama lang pala kayo ni Summer.!

Pagtapos ko basahin ang marami-raming message na iyon ay agad kong tinawagan si Summer na agad din naman sumagot pagtapos nang mga limang ring...

“Hey”

“Hello Summer good morning”

“What’s good in the morning u bitch!”

“Chill Sum. whew!”

“Asan ka ba kagabi?”

“May kasama akong ibang lalaki kagabi. Hehehe!”

“Ha??? may kasama kang ano?.. Oh wait, you mean you finally did it.”

“Yes I did. Pero sandali nga, anong sinabi ni Deymus sayo kagabi? galit ba sya sakin?”

“Pwede ba Zeph ... bigyan mo muna ako ng magandang ekaplenasyon sa kung ano ba talaga ang nangyare kagabi.” aniya ni Summer, pilit iniiwas ang sagot sa tanong ko.

“Pwede ba mamaya na lang natin pag usapan yan, magkita tayo mamayang gabi pwede ka?

“Alangan! jusko pagdating sa chismis na ganyan go ako bes!”

ONE NIGHT STAND WITH THE CEOKde žijí příběhy. Začni objevovat