ONSWTC: Chapter 18

1.3K 24 1
                                    

DECIDE

  
 
 
Sampong minuto ang lumipas at bumalik din naman si Greyson. Tahimik lamang sya buong byahe, hanggang ngayong nakarating na kami sa bahay nya. I know that something is up dahil sa biglang pag iba ng kilos nya.

“Okay ka lang ba?” tanong ko. Pang sampong tanong ko na yata ’to sakanya, pana’y kasi ang ikot nya sa kama at alam kong di sya makatulog at hindi din sya komportable sa oras na ’to. Hindi sya sumagot sa tanong ko.

“Do you care for some drink?” biglang tanong nya at saka tumayo at umalis. Hindi man lang inintay sagot ko tsk!

Wala naman akong nagawa dahil natutunugan kong may problema talaga ang lalaking ’to. Limang minuto ang lumipas at sinamahan ko na sya sa drinking bar nya sa kitchen at uminom din ng wine.

“That girl name is Zyren Ruiz” aniya bago inumin ang pangatlong tagay ng wine.

“Di ko tinatanong.”

“I know. Pero gusto ko pa din sabihin.” sagot nya habang nag lalagay ng wine sa baso.

“Magkababata kami. Kilala ko na sya bata pa lang ako. Halos kasama ko na sya buong buhay ko and... we’ve been in an on  and off relationship for some time now. ”

“Bakit sinasabi mo sakin lahat ng ’to?”

“Kasi gusto kong malaman mo. Wala ng ibang nakakaintindi sakin. Si Dad, gusto nya dapat lagi akong susunod sa mga yapak at kagustuhan nya. Sa totoo lang gusto ko maging writer hilig kong sumulat ng mga tula at aklat pero anong ginawa nya??? he turned it down. Silang dalawa ni Mom gusto nilang gawin ko ang lahat ng gusto nila. Lagi na lang ganon. LAGI KINGINA! They don’t care whether their decision is hurting me inside. Gusto nilang  lagi kong gawin ang gusto nila just because I am their son dahil para sa kanila wala ako sa posisyon kung nasan man ako ngayon at hindi ko mararating ang meron ako kung wala sila. Gusto nilang pakasalan ko si Zyren.

Sabi ko na e. Meron na akong hinala kanina pa sa bahay ng mga Lucas na yun ang balak nila, pero kahit alam ko na ay masakit pa din pala talagang marinig ko ang kompirmasyon sa hinala ko.

“Sobrang sarado ang tenga nila para pakinggan ang kwento ko. Ang kwento ng sarili nilang anak. Para sakanila laging tama si Zyren. Ha! Bakit??? dahil mas mayaman ang pamilya niya kesa sa pamilya ko?. My dad wants more connection, he wants more power at wala syang pakealam kung masaktan ako, magdusa ako, mahirapan ako, o baka nga kahit mamatay ako e tss!. That Sofia is a real bitch. But my dad will never listen. Nung una akala ko magbabago sya.. Alam mo yon as in hindi ako sapat para sakanya. Magloloko sya. Mahuhuli ko. Maghihiwalay kami. Makikipag balikan sya sakin, nagmamakaawa. Tatanggapin ko. Magloloko ulit sya. Mahuhuli ko. Maghihiwalay kami. Makikipag balikan sya, nagmamakaawa ulit. At tatanggapin ko na naman ulit! And we would repeat that goddamn process again! Again! and Again! Pinagmumukha nya kong tanga! Pinaparamdam nya sakin na masyado akong mahina para magdesisyon sa sarili ko kasi alam nyang di ko masusuway ang magulang ko. At kaya malakas ang loob nyang gawin iyon dahil para sakanya hindi kayang tumayo sa sariling paa ng mga magulang ko kung hindi dahil sakanya at sa pamilya nya!.

Zyren dito, Zyren don. Laging pangalan nya ang bukang bibig ni Mom pag magkikita kami na akala mo naman sya ang makakasama ni Zyren pag kinasal kami.I want to marry someone that I love not someone that my parents want me to marry. Someone that I will be proud of, not some bitches.I don't care if this is going to cause some fight between me and my parents because I'm pretty sure I'm not going to marry Zyren. Hindi ako magpapakasal kahit kanino lalo na at dahil lang sa gusto ng magulang ko. Mas mabuti pang tumanda akong akong mag isa buong buhay ko kesa magpakasal sa isang tulad nya. Matapos ng mga pang gago nya sakin. Tsss! No way!”

ONE NIGHT STAND WITH THE CEOजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें