ONSWTC: Chapter 25

1.1K 13 0
                                    

THREATENED
  
    

“M—Mahal mo ko??”hindi makapaniwalang tanong nya habang hinahampas ang sariling dibdib.

“Ofcourse, I do. Mahal kita.” pag ulit ko.

“As in mahal mo talaga ako? Totoong mahal mo ako?”

“Oo nga! Mahal ko ang  mayabang at pabebe kong amo na si Mr. Greyson Lucas.!”

Pagtapos kong ideklarang mahal ko sya’y mabilis nya akong binuhat at saka inikot, matapos nang mga anim na ikot saka sya tumigil at bago ako tuluyang ibaba’y binigyan nya ako ng isang mainit na halik sa labi.

“I love you too” aniya bago tumigil sa paghalik.

Pagtapos nya kong halikan ganon din kabilis syang tumakbo sa labas ng office at nagtungo sa hallway kung saan nakaharap ang napakaraming empleyado ng LE at saka sya sumigaw.

“Zephaniah is now my girlfriend! I’m her boyfriend!” malakas na sigaw nya.

Mabilis nagsitayuan ang mga empleyado at ang iba naman ay naglabasan pa sa kani-kanilang office room para makiusyoso.

“I love her! And she loves me!” malakas na namang sigaw nya.

Nakangisi lamang akong nakatayo sa likod ni Greyson dahil nahihiya ako sa inasal nya parang bata pero cute. Hehehe. Wala naman na akong nagawa kundi ang ngumiti at kumaway sa mga empleyadong ngumingiti at kumakaway sakin. Hindi ko napansin ang mabilis na paglapit sakin ni Greyson at bago pa ko makapag react naramdaman ko na lang ang labi nyang lumapat sa aking labi.

Yup! he kissed me in front of everyone. Narinig ko ang hiyawan at palakpakan ng mga tao sa palgid, ramdam ko din ang pag init ng sarili kong pisnge. Hindi ko man nakikita ang sarili ko ngayon sigurado naman akong namumula ako at maaring kasing pula na ng kamatis ang pisnge ko dahil sa saya at hiyang nararamdaman.

“Zephaniah Sarmiento is my girlfriend!!!!” sigaw nya pang muli bago kami bumalik sa office.

Naririnig ko ang ibang nagsasabi ng ’congratulations’ kay Greyson. I was speechless. Wala talaga akong masabi ngayon dahil  hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na nagawa ni Greyson yon.

“What was that all about?”  tanong ko nang makapasok kami sa loob.

“ I was claiming you as mine, marking my territory. No man shall come near Zephaniah Sarmiento because she belongs to me”

“Hindi ako bagay”

“Syempre hindi ka bagay. Tao ka! pero bagay tayo at sakin ka lang. Grabe ako na yata ang pinaka masayang tao sa buong Puerto Prinsesa ngayon” aniya sabay hubad ng suot na suit.

“Grabe ang init ng panahon no?”

“Naiinitan ka pa e may aircon na. Tsssk! ako nga di naiinitan e”

“Syempre hindi mo talaga mararamdaman ang init na nararamdaman ko coz only men can feel this type of heat. Sa tingin ko dapat natin ’tong icelebrate kung wala ka sanang lakad tonight.”

“But I have so maybe next time.”

“Baka naman pwede  pang mabago ang  isip mo” aniya habang nagpapacute.

“Asa kang magbabago.”

“Bakit hindi????”

“Becauseeee... I have a friend who will be waiting for me at the club”

“Tssss. Fine.” aniya. Nagiinarte pa din.

“Ah alam ko na hatid na lang kita, kunin ko lang yung susi, wait for me here.” dagdag nya

ONE NIGHT STAND WITH THE CEOWhere stories live. Discover now