ONSWTC: Chapter 35

1.1K 17 4
                                    

BLOOD 
   
    
      
  
Nagising ako Sabado ng umaga dahil sa ingay na nagmula sa sala. Gusto ko malaman kung ano ang nangyayare kaya naman mabilis akong tumayo, nagsuot ng damit at lumabas ng kwarto.

Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa mismong sala ay tumigil na ako at nagtago sa gilid ng pinto. Nakinig muna ako sa usapan para sana malaman kung dapat ba kong tumuloy o hindi na, at napagdesisyunan kong wag na lang.

“So, you're going for the seminar?” Tanong ng Daddy ni Greyson sakanya.

“Yes, I will be going” sagot ni Greyson

“And I'm really happy that you're back to yourself” dagdag ng Mommy ni Greyson.

“Yes, I'm back to myself, because of her”

“Sino?” nagtatakang tanong ng Daddy nya.

Dahan dahan akong umalis sa may pinto para sana bumalik na sa kwarto ng biglang nagsalita si Greyson na syang nakapag patigil sa akin.

“Alam kong gising ka na, lumabas ka na jan” si Greyson.

Lintik sa kaba ang naramdaman ko. Halos maihilamos ko ang palad ko sa mukha dahil hindi ko alam kung sasagot ba ako o hindi. Pero bigla nya ako tinawag.

“Zeph!”

“Y—yes?” kabadong sagot ko at tuluyan nang lumabas ng pinagtataguan.

“Halika” si Greyson

Binati ko muna ang mag-asawang Lucas bago ako pumunta sa tabi ni Greyson. Hindi ko alam kung anong sasabihin at dahil na din sa kabang nararamdaman ay kung saan saan na lang ako tumitingin. Nagbabakasakaling makakita ng isasagot sa paligid pag nag tanong sila.

“Hindi ako sumuko Dad.  Kahit alam kong sa tingin mo ay hindi ko na sya makikita pa. Well I’m sorry but you wrong Dad.

“Gold dig..— ” putol at galit na sigaw ng Daddy nya.

“Dad! tama na!” pagputol ni Greyson sakanya

“Alam natin parehas na hindi sya ganong uri ng babae, Bakit ba pilit mo syang gingawang masama sa paningin ko at paningin mo kahit na hindi naman talaga!”

Tumayo si Greyson at pumunta sa kwarto. Iniwan nya akong mag isa sa harap ng galit na Daddy nya at ng mommy nyang hindi alam kung magsasalita ba o hindi. Mayamaya lamang ay bumalik si Greyson dumeretso sya sa harap ng Daddy nya at binigay ang envelope.

“Kunin mo” pang iinis na boses na ani ni Greyson.

“Pwede mo nang icash out lahat ng perang yan pag uwe mo”

“Greyson!” galit na sigaw ng Daddy nya habang nakatingin sa akin.

“Diba sinabi ko na sayong wag ka nang babalik” pangduduro ng Daddy nya sakin

“Hindi sya bumalik Dad! Nahanap ko sya. At hindi namin kailangan ng pera mo!”

“Greyson” si Mrs. Lucas

“Sya lang ang nagiisang taong nakapagpapasaya sa akin tapos aayawan nyo pa? kung ayaw nyo sakanya, edi parang ayaw nyo na din sakin ganon lang yon.”

Inis na umalis si Mr. Lucas ng mansyon kasunod ng asawa nya.

“At nga pala....”

Biglang tumigil sa paglalakad ang mga magulang nya.

“Magkaka baby na kami. Wala sana kaming balak pang ipaalam sainyo ito, pero tutal nandito naman na din kayo bakit hindi ko pa sabihin diba?”

Walang lingon lingon na lumabas si Mr. Lucas ng mansyon, samantalang si Mrs. Lucas naman ay lumingon at tiningnan muna ang tiyan ko bago sumunod sa asawa.

ONE NIGHT STAND WITH THE CEOWhere stories live. Discover now