ONSWTC: Chapter 34

1.1K 14 2
                                    

BFF TIME
    
     
    
   
“Babe, may tumatawag sa phone mo” nagising ako sa boses ni Greyson.

“Give it to me” aniya ko.

Inabot naman ni Greyson ang cellphone ko at mabilis ko itong sinagot ng hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.

“Hello, sino ’to?” inaantok na tanong ko sa tumawag.

“It’s your forgotten bestfriend!!!” sigaw ni Summer sa kabilang linya. Dahil sa lakas ng boses nya’y talaga namang nagising ang buong diwa ko.

“Summer?.... Hello! what’s up?” tanong ko kay Summer sa kabilang linya habang umuupo sa kama.

"Ha! Hello Summer what’s up! Tsk what’s up with you lumayas ng walang paalam!” panggagaya nya sa tono ng boses ko.

“I'm sorry Summer”

“Tsk! Kung talagang nagsosorry ka makipag kita ka sakin mamayang hapon. Whether you like it or not magkikita tayo! at isa pa maghanda ka na ng magandang dahilan na sasabihin mo sakin dahil kung hindi masasktan lang kita!”

“Grabe ganyan ka ba kainis sakin at pati ako sasaktan mo na pisikal?”

“Oo. Sobrang inis na inis ako sayo! Alam mo ba kung gaano kabagsak ang mundo ng super hot CEO boyfriend mo dahil umalis ka? Si Liah din. Araw araw na lang umiiyak! Ni hindi mo man lang nagawang sabihin sakin kung ano ang plano mo bago mo gawin ang katarantaduhang paglalayas!  Tsss sinong hindi magagalit non Zephaniah  Sarmiento?”

“Alam ko. Alam kong mali ako Summer. Kaya nga nagsosorry na ko sayo hindi ba? I’m sorry for everything”

“Siguraduhin mo lang na may maganda kang rason mamaya ha. Kung hindi bubungian talaga kita.”

“Oo. Sige magkita tayo mamayang hapon”

“Okay. See you”

“See you too.”

Pagbaba ni Summer ng tawag ay basta ko na lang hinagis ang cellphone ko sa kama at tumingin kay Greyson na nagbibihis na.

“Good Morning” bati ko kay Greyson.

“Good Morning” bati nya pabalik sakin.

“How was your night?

“Hmmm yon na yata ang pinaka masaya at magandang gabi na nangyare sakin ngayong linggo” sagot nya.

“Bakit di mo ko ginising, kung alam mo naman na may trabaho din ako ngayon.

“Hindi ko kasi alam kung ready ka na ba pumasok ngayon.”

“Edi sana tinanong mo muna ako.” inis na namang sabi ko.

Ngayon ko lang napagtanto na nagiging moody na ako, ito siguro ang isa sa mga pregnancy symptoms ko. Moody.

“Sorry.”

“It’s okay Boss!” aniya ko habang pinapakalma ang sarili sa inis.

“Next week na lang siguro ako papasok sa LE.”

“Okay. So sige aalis na muna ako. I’ll see you later. Tawagan mo na lang si Tanner pag may kailangan ka ha. Sinave ko na ang number nya sa cellphone mo kanina.”  aniya bago lumuhod at  hinalikan ang tiyan ko.

“Bye, cutie, daddy is going out”

Hindi nagtagal at umalis na si Greyson para pumasok sa LE. Binigyan ko sya ng isang mahabang halik bago ako bumalik sa kama para ayusin ito.

——
  

Alas tres ng hapon ng pumunta si Summer sa bahay ni Greyson. Maaga daw syang nag out today para lang makita ako. At isa pa din sa dahilan nya kung bakit gusto nyang dito magusap dahil gusto daw nyang makita kung ano ang itsura ng mansyon ng isang bilyonaryo. Hindi nga agad nakapasok si Summer dahil hinarang daw sya ni Tanner sa labas 

ONE NIGHT STAND WITH THE CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon