ONSWTC: Chapter 12

1.5K 23 0
                                    

SPG!!!
SPG!!!
SPG!!!
SPG!!!
SPG!!!
  
   
   
MINE
     
    
    
    

Simpleng dress lamang ang sinuot ko at iniintay dumating si Deymus,,, na dumating din naman agad.

Tahimik lamang ang buong byahe namin, hindi ko alam anong nangyare at ganito kami ngayon katahimik. Sa dating lugar nya ako dinala, sa lugar na madalas din namin puntahan. Malamig kasi dito at talagang matatanaw ang magandang tanawin, tulad ng dati umupo kami sa isang street bench.

“Congrats.”

“Para sa?”

“For being employed.”

“Ah, Thanks.”

“Ahm. Kunusta trabaho??”

“Okay lang naman.”

“So, Zeph...” aniya. Dinig ko pa ang paghugot nya ng malalim na hininga.

“Yes?”

“Sorry kung hindi ko kinayang ibigay sayo ang bagay na gusto mo sa relasyong ’to. Naiintindihan kita, and now naisip ko na handa na kong ibigay kung ano talaga ang gusto mo.”

Gulat akong napatingin sakanya. Totoong nagulat ako sa deretsong pagkakasabi nya pero.... wala akong nararamdamang spark or something na AKALA ko mararamdaman ko pag napagbigyan nya ang gusto ko, in other words I wasn’t feeling the spark I once felt for him.

“Really?”

“Yes Zeph, naisip ko din kasi na tama ka nga. Handa na akong gawin kahit ano para sayo. Mahal na mahal kita.”

Walang salitang lumabas sa bibig ko. Wala akong ibang alam gawin ngayon kundi ang yakapin sya. Niyakap ko sya kasi hindi ko kayang sabihin sakanya ang salitang iyon. Hindi ko kayang sabihin pabalik sakanyang MAHAL KO DIN SYA. Dahil sa tingin ko’y hindi  na. Hindi ko alam. Magulo.

“I love you so much Zeph.  Lahat gagawin ko para sayo bumalik lang tayo.”

Gustong gusto kong sabihin sakanya ang totoo ngunit hindi ko kaya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko kayang maramdaman ang sa tingin ko’y dapat kong nararamdaman sakanya ngayon. Ngayong handa na nyang ibigay ang gusto ko. Ngayong mas nararamdaman kong mahal nya talaga ako. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan sya ng deretso sa mata upang kausapin..... ngunit iba ang nging dating nito sakanya.  He took it as a sign for him to kiss me.

Naglapat ang aming mga labi. Hinalikan nya ako tulad ng paraan ng paghalik sakin ni Greyson, pero wala pa din akong nararamdaman. Pumasok sa isip ko ang tanong na 'Kung nangyare kaya ito ng mas maaga ano kaya mararamdaman ko?'
Nasa ganong sitwasyon kami ni Deymus ng biglang tumunog ang cellphone ko sa loob ng bag na dala ko and I sincerely thanked God for the interruption. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ang message galing kay Greyson.

RECEIVED FROM: GREYSON

Are you still at the grocery store?

SENT TO: GREYSON

Yes

RECEIVED FROM: GREYSON

Ok. Good night.

SENT TO: GREYSON

Good night.
  
“Sino yon?” tanong ni Deymus ng ibalik ko sa bag ang celphone ko.

“Si Ate. Need nya daw ako bahay ngayon.”

“Hnm. So ano tayo na ba ulit?”

“Pag iisipan ko muna.”

ONE NIGHT STAND WITH THE CEOWhere stories live. Discover now