ONSWTC: Chapter 27

1K 18 0
                                    

BRIBED




Labag man sa kalooban ni Greyson na umalis ako sa bahay nya ngayong araw ay inihatid pa din nya ko sa bahay ni Ate Liah.

Pagdating ko sa bahay mabilis kong kinuha ang PT na binili ko nung isang araw at agad binasa ng mabuti ang instruction na nakalagay kung paano ito gamitin.

Limang minuto ang lumipas matapos kong gawin ang procedure na nakalagay sa box ng PT. Halos limang minuto din akong tulala at nag intay ng result. And after that longest five fucking minutes of my life eto na ang result.

Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

BUNTIS AKO!

Sigurado akong buntis ako dahil kitang kita at malinaw na malinaw ang dalawang guhit na lumabas sa PT

May part sa puso ko ang natatakot at nalulungkot dahil alam kong hindi gaano matutuwa si Ate Liah kapag nalaman nyang buntis ako, Si Ate Liah kasi ang kauna-unahang sobrang naging masaya kapag pinag uusapan kung gaano kabongga ang magiging kasal ko kapag kinasal ako. Palagi nya sakin sinasabing kasal muna bago baby, pero ano itong nangyare ngayon? At paano na lang kung hindi pa handa maging daddy si Greyson?

Syempre meron din naman part ng puso ko ang masaya. Masaya ako kasi magkaka-baby na ako. Masaya ako dahil may munting anghel na nabubuhay sa sinapupunan ko. Masaya ako dahil gusto ko din ito. Gusto ko dahil ginawa namin ito ni Greyson.

Matapos kong makita ang result ay mabilis akong pumunta sa harap ng salamin para tingnan ang tiyan ko. Itinaas ko ang suot kong top at hinawakan ng maingat ang flat tummy ko at sinimulang kausapin ito sa harap ng salamin.

"Hi cutie, kumusta ka jan?" sabi ko

"Hello mommy I'm fine" sagot ko. Iniimagine ko kasing sumasagot si baby e. hehehehe.

"Ofcourse, I know you are. Nicee meeting you anak!"

"Nandito na ko sa tummy mo isang buwan na po mommy." sagot ng baby ko.

"Pero ngayon lang tayo nagkakilala"

"We met officially the day daddy finalized my coming" sagot ni baby.

"Hays pati sa daddy mo namana mo pa yata ang pag eenglish anak. Hehehe"

Natawa ako sa naisip ko. Ano na lang kaya kung mamana talaga nang anak ko ang spokening dollar ng daddy nya? hays nose bleed ang mommy for sure.

" Baby sa tingin mo ba magiging masaya si Daddy pag nakilala ka nya?"

"Oo naman po mommy. Sigurado po yon."

"Sana nga anak"

Matapos kong kausapin ang anak ko'y naisipan kong tawagan si Greyson. Pero bago ko pa madial ang number nya'y naisip kong mas mabuti siguro kung sa personal ko na lang sabihin kay Greyson ang tungkol sa pagbubuntis ko.

Kaya imbis na si Greyson ang tawagan ko'y mas minabuti kong si Summer na lang muna.

"Hey! wazup kumusta ka?" bungad ni Summer sa tawag ko.

"Okay lang ako. Busy ka ba?"

"Hindi naman. Nanonood lang ako ng 365 DNI ikaw?"

365 DNI yun yung title ng bagong movie na pinapanood namin ni Greyson ganon din si Summer. Sabay kasi naming natapos yung DOTS ni SJK kaya sabay din kaming nanood ng 365 DNI ni Summer.

"Wala akong ginagawa today. Boring nga e."

Bakit boring? Ano ginagawa ng super hot boyfriend mo?"

"Hindi naman kami magkasama ngayon e"

"Nasan ka pala today?"

"Dito sa bahay"

ONE NIGHT STAND WITH THE CEOHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin