ONSWTC: Chapter 7

1.7K 29 0
                                    

MR. SOMERA
  
    
   
   
Ilang oras ang lumipas at halos malunod ako sa kakaisip sa nangyayare ngayon. Pilit kong ikinukumpara sa isip ko ang lalaking nakasama ko noong nakaraang linggo sa lalaking kasama ko ngayon dito sa trabaho.  Ibang iba ang ugali nitong lalaking ’to sa ugali nya noong nakaraang linggo. Parang hindi nya man lang ako kilala. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Summer.

SENT TO: SUMMER

I’m in trouble, Sum!

Mabilis naman nagreply si Summer. Babasahin ko na sana ang text message nya ng isang lalaki ang biglang pumasok sa office ko.  Mabilis akong tumayo.

“Magandang umaga po.” bati ko.

“Good Morning. Ikaw ba ang bago ni Greyson?” aniya ng lalaki sa harap ko

Ako ang bago ni Mr. Lucas?? anong ibig nyang sabihin? tsss.

“A—ah I’m Zephaniah sir but you can call me Zeph. I’m the new SECRETARY of Mr. Lucas, iniintay nya na po kayo sa loob.”

“Okay” aniya at saka sya lumapit muna sakin at tinitigan akong mabuti sabay kagat nya sa ibabang bahagi ng labi.

O_O <<<<<<<

Nang makapasok na si Mr. Somera sa loob ay bumalik na din  ako sa pagbabasa ng mga ilang files sa table ko at binasa na din ang mga text messages mula kay Summer.

FROM: SUMMER
RECEIVED: 8:47 AM

Anong problema? jusko sana naman wala ka sa prisinto ngayon ha!”

FROM: SUMMER:
RECEIVED: 8:56 AM

Zeph ano na? kumusta ka jan? okay ka lang ba hoy!

nireplyan ko agad sya.

SENT TO: SUMMER

Sana nga maging okay din ang lahat Sum, sige na usap na lang tayo mamaya.

Matapos kong isend kay Summer ang reply ko’y agad ko ding tinago sa bag ko ang aking cellphone dahil sa yabag ng mga paang narinig ko. Hindi nga ako nagkamali, mukhang papalabas na mula sa office ni Mr. Lucas si Mr. Somera kasama sya. Tumayo ako at iniintay  lamang silang dalawa.

“Kelan sya nag start?” mahinang sabi ni Mr. Somera pero dinig ko naman.

“Ngayon lang.” sagot ni Mr. Lucas.

Hindi lang don natapos ang tanong ni Mr. Somera, kung ano ano pa ang sinasabi nito, hindi ko lang masyado naririnig kasi medyo malayo  sila sa table ko. Ayaw ko namang lumapit sakanila para lang pakinggan ang pinag uusapan nila. Tsss ano ako chismosa?  Well yes .. pero hindi naman pwede dito yon tsss.

“Wag ka na nga maraming tanong” malakas na boses ni Mr. Lucas at saka ko sila nakita ng tuluyan dahil lumabas na sila sa pinto ng office ni Mr. Lucas.

Muli na naman akong tiningnan ni Mr. Somera at eto na naman ang pakagat labi epek nya. Tssss. Gwapo naman ’to kaso bakit ganito naman sya makatingin. Tss may pakindat pa. At saka sya tuluyang sumunod kay Mr. Lucas.

>_<

Lunch break.
Tutal lunchbreak naman naisipan kong pumunta sa malapit na fastfood sa office. Umorder ako ng isang burger at drinks, susubo pa lamang ako ng biglang isang magandang babae ang lumapit sakin, may dala syang tray.

“Pwede ba ko maki upo?” tanong nya.

“Yeah sure.”

“Thanks. Ako pala si Pheneluffy, jan din ako nagtatrabaho sa LE from marketing department. ”

“Hi Pheneluffy! Zephaniah bagong secretary ni Mr. Lucas. You can call me Zeph!”

“Nice to meet you Zeph! Luffy na lang din itawag mo sakin.”

Sa maikling paliwanag, sabay nga kaming kumain, nag usap at nagtawanan. Nagpalitan din kami ng cellphone number pagtapos namin kumain.

Bumalik na ako sa office at tulad ng ginagawa ko kanina , nagbasa basa lamang ako ng mga files na nasa table ko. Nang biglang tumunog ang telepono sa table ko... pero hindi galing sa office ni Mr. Lucas. Iba kasi ang tunog pag sa office ni Mr. Lucas galing ang tawag...

Kring! Kring! Kring! Kring! ganyan tunog pag kay Mr. Lucas galing ang tawag...

Kiriring! Kiriring! Kiriring! Ganyan naman ang tunog pag sa iba.... gets mo ba?? Basta ikaw na ulit mag adjust, tamad talaga mag explain author neto.

Sinagot ko naman agad ang tawag.

“Hello, This is Zephaniah from Lucas Enterprise. What can I do for you?”

“Direct my call to Greyson!” naguutos at mataray na ani ng babae sa kabilang linya.

“Who will I say speaking, Mam? ”

“Ang sabi ko IDIRECT mo ang tawag ko kay Greyson!”

“Pasensya na po kayo pero kailangan ko po muna malaman kung sino ang tumatawag bago ko ipasa ang tawag kay Mr. Lucas.”

“Huh... Tell him it’s Veronica!”

“Okay.Hold on a second Mam.”  aniya ko at tinawagan agad ang office ni Mr. Lucas

“Hello Sir. Miss Veronica wants to talk to you in the phone.”

“Tell her to make an appointment.”

“Okay S—..” binabaan na naman ako ng loko! Tss.

Binalikan ko ang tawag ni Veronica at sinabi sakanya ang sinabi ni Mr. Lucas.

“Tell him it’s urgent!” aniya

“Sorry mam but Mr. Lucas is unavailable for more calls. Would you like to make an appointment?”

“Tsss... Okay sige! Kelan sya available?” si Veronica.

“Wala naman pong special schedule si Mr. Lucas sa mga susunod na araw at sa susunod pang linggo. ”

“Okay I see. Ilagay mo ko sa schedule nya sa Hwebes. Twelve o’clock sharp! ”

“Ye—..” pucha putol na naman ang sasabihin ko ng bigla din akong babaan ng tawag ni Veronica.

Uso ba ang bagsakan ng tawag sa kompanyang ’to? Tssss!


  ****THANK YOU!!****

FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS AND LIKE MY PAGE:

FB PAGE: MOONCAKE
IG: MOONCAKE.1998
TIKTOK: MOONCAKE.1998
TWITTER: MOONCAKE98
SNAPCHAT: MOONCAKE1998

GOD BLESS US ALL!!

ENJOY READING AND SPREAD LOVE CAKES ❤

****THANK YOU!!****

ONE NIGHT STAND WITH THE CEOWhere stories live. Discover now