ONSWTC: Chapter 8

1.7K 27 0
                                    

SPG!!!
SPG!!!
SPG!!!
SPG!!!
SPG!!!

 
OFFICE ROMANCE

 
  

Dumeretso ako sa bahay ni Summer pagtapos na pagtapos ng trabaho ko para ikwento sakanya lahat ng nangyare.

“So, ang ibig mo bang sabihin e si Greyson Lucas, na boss mo.... na syang CEO ng Lucas Enterprise e ang lalaking naka one night stand mo?” si Summer.

“Mismo!!!”

“Woah!!!! seryoso ka? tapos ngayon secretary ka pa kamo nya?”

“Yup, At yon nga ang di ko maintindihan e. Sure talaga ako na ang pagkakapasok ko sa kompanyang yan ay kakagawan din nya.

“Tama ka! may posibilad nga.”

“Pero ang pinagtatakahan ko lang e bakit kailangan nya pang kumilos na parang di nya ko kilala kung ganon nya pala ako kagusto na halos ibigay nya ang trabahong hindi ko naman hiningi. ”

“Malay mo naman naiilang pa sya sayo, maybe he’s trying to make feel comfortable first.” si Summer.

“Sa tingin mo?”

“Malay mo nga diba? ”

“Tssss. e ano gagawin ko?”

“Go with the flow! Play along.”

“What do you mean?”

“Slow mo talaga. ... Ganito lang yan kung umaarte syang di ka nya kilala edi ipakita mo din sakanyang di mo sya kilala, tapos kapag nagpakilala na sya edi magkakilala ka na din.”

“Hmmm. Okay!”

“But wait ... paano si Deymus?” nag aalalang tanong nya.

“Wala na kami non.”

“Ha??? Paano??? Kelan??? Bakit???”

“Nung nakaraang Hwebes lang.”

“Anong nangyare??”

“Sinabi ko sakanya kung ano talaga ang gusto ko sa isang relasyon, e jusko sa hindi nya kayang bitawan ang mga paniniwala nya kaya ayon...”

“Bakit hindi mo sakin sinabi?”

“Sorry. Hindi ko pa din kasi matanggap ng buo e. Mahal ko pa din naman sya.” malungkot na ani ko.

“Zephyyy. ” aniya at lumapit sakin saka ako niyakap.

     

Dalawang linggo pa ang lumipas at ngayon ko lang napansin na masyado pa lang mabilis ang mga araw, ngayon ang ikatlong lunes ko sa LE.

Lunch break.
Bago ako lumabas para kumain ay may idinaan muna akong mga ilang files sa office ni Greyson, may kausap sya sa phone nung pumasok ako.
Inilagay ko lamang sa lamesa nya ang mga papers at aalis na sana ng bigla syang nag hand signal na mag intay daw ako saglit.

Pinag intay ako ng mokong na ’to e ang tagal tagal naman nyang makipag usap. Kung sakaling mahabang usapan ang sasabihin nya sakin paano na lang ako makakapag break neto tsssss.

Halos isang oras yata akong nag intay sa office nya at sa wakas ay natapos din sya sa pakikipag usap. Ibinaba nya ang cellphone saka ako tinitigan ng ilang minuto.

Ano magtititigan na lang ba tayo dito? ani ko sa isip ko.

“Ah...Miss Sarmiento, sorry for taking your time”

hindi ko alam pero pakiramdam ko hindi sya sincere sa SORRY nya that sorry is “sorry not sorry” attitude.

“Okay lang sir.”

ONE NIGHT STAND WITH THE CEOWhere stories live. Discover now