ONSWTC: Chapter 28

1K 19 1
                                    

SHE’S GONE
  
   
   
   
GREYSON’S POV

 
  
“Mr. Lucas, nasa garage na po ang kotse” sabi ni Reece.

“Si Zeph?” tanong ko

“Hindi ko pa din po sya makontak sir.”

“Anong klaseng dahilan yan? Do something! hindi kita sinasahuran dito para lang sa ganyan klaseng rason.”

“Ginagawa na po namin ang best namin Mr. Lucas.” kalmadong sagot ni Reece.

Nakaramdam naman ako ng awa at hiya agad.

“Dapat kanina pang 8:00 AM sya nandito and it’s already 12 noon, apat na oras na syang late.”

“Yes sir and I’m working on it.”

“Tell me exactly what you’re doing, stop telling me you’re doing something.

“Nagpapunta na po ako ng security guard sa bahay nya para icheck kung anong nagyare sakanya at para sunduin na din po sya. ”

“Give me a tangible reason bakit security guard pa ang pinapunta mo don sa bahay nya kung pwede namang ikaw?”

“Kasi sir iniintay ko po ang pagdating ng kotseng binili nyo.”

“Fuck reasons! Get out of my office. Now!” sigaw ko.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at sinubukang tawagan ulit ang number ni Zeph, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin sya makontak.
May nagsasabi sa isip kong may masamang nangyare pero sana wala. Sana okay lang si Zeph. Ngayon ko kasi balak isurprise si Zeph at ngayon din sana ang araw na magcecelebrate kami dahil were now officially a couple. Reregaluhan ko sana sya ng kotse ngayon pero hindi naman sya sumipot, or hindi man lang sya nagpaalam na hindi pala sya makakapasok.

TWENTY MINUTES LATER...

“Sir” si Reece

“Siguraduhin mong good news ang sasabihin mo ha. ”

“Sir nakalock daw po ang pinto sa apartment ng mga Sarmiento.”

“Tapos?”

“Ayon sa security na pinadala ko wala daw pong tao sa apartment nila.”

Mabilis akong tumayo sa pagkakaupo. Kinuha ang cellphone at nagsimulang magmartsa palabas ng building.

“Ibigay nyo sakin ang number ng Ate nya”

“Sir?”

“Bingi ka ba?!”

“What’s her name sir?”

“Zhantaliah. Zhantaliah Sarmiento, ibigay mo agad sakin ang number pag nakuha nyo na maliwanag?” 

“Yes sir.”

Hindi ko alam kung paanong mabilis kong nalakad ang daan papunta sa  garage at mabilis na nakasakay sa kotse. Umalis ako ng LE habang patuloy ang pag dial sa number nya.

Mayamaya lamang ay biglang nagtext si Reece. Pinasa na nya ang number ni Liah
Malapit na ko sa bahay nila ng tawagan ko si Liah na agad naman nyang sinagot.

“Hello”

“Hello?” sagot ni Liah.

“Sino ’to?” tanong nya

“It’s Greyson Lucas... Zephaniah’s boyfriend.” Hindi ko alam kung nasabi na ba ni Zeph sa Ate nya ang tungkol samin pero wala na kong pakealam.

“Oh! Yes how may I help you?”

“Kasama mo ba si Zeph? Pwede ko ba sya makausap kanina ko pa kasi sya tinatawagan pero hindi ko sya makontak.”

ONE NIGHT STAND WITH THE CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon