ONSWTC: Chapter 23

1.2K 15 0
                                    

VERONICA
   
   

  

Kring! Kring! Kring! Kring!
tunog nang cellphone ko yan hehehe.

“Hello?” sagot ko sa unknown number na tumawag.

Tooooot**!

“Anak nang!! kanina pa ’to ah!” galit na sabi ko sa harap ng aking cellphone. Mula kasi kaninang umaga nang MAAGA e walang tigil ang pagtawag ng unknown number na ito, kapag sasagutin ko ay saka naman papatayin ng loko! Abnormal amp.

Ayoko magisip ng kung ano ano pero nacu-curious ako kung sino sya pero may hinala ako kung sino iyon pero hindi 100% sure. Sa buong buhay ko never ko pang naranasan ang ganitong uri ng kaabnormalan strange calls kung baga, to the fact na meron talagang isang tao ang gustong guluhin ako ngayon.

“Deymus!” mahinang usal ko. 

Yes. Si Deymus lang naman ang naiisip kong pwedeng gumawa nito sakin e, sino pa ba??  Sya lang naman ang nag iisang taong hindi ko kasundo ngayon. Hindi ko alam kung ano pa ba ang kailangan nya’t ginugulo pa din nya ako matapos ng nakakatakot na insidenteng nangyare between us two days ago.

Minsan ko na ding naisipang sabihin kay Greyson ang nangyare pero at the end sa isip ko lang talaga nag sstay ang ideyang yon, hindi ko na sinasabi kasi baka pag nalaman nya yon ay sugudin nya si Deymus at saktan. Ayoko mangyare yon. Mahalaga sakin si Deymus kahit na ganon ang ginawa nya sakin. Kahit na pinakita nya sakin ang bad side..... no I mean evil side nya he is still important to me. We’ve shared so many things together. We’ve made memories that I wouldn’t erase. I once loved him.  I once cared for him.... actually,  I still care for him at ayokong saktan sya ng kahit na sino kahit na hanggang ngayo’y masakit pa din sakin ang ginawa nya.

    
  
Alas onse pasado na nang tanghali ng biglang isang babaeng naka crop top at nakasuot ng pagkaikli-ikling palda na halos lumuwa na ang kuyukot sa ikli nito ang pumasok at maangas na nag lakad papasok ng office ko at saka walang habas na lumapit sa pinto ng office ni Greyson.

“Excuse me, Miss! Excuse me!” pag pigil ko sakanya bago nya tuluyang buksan ang pinto.

Lumingon naman sya sakin.

“Yes? how may I help you?” tanong nya.

Veronica??? galit na ani ko isip.

“Ah.. Hindi po kasi available si Mr. Lucas ngayon, kung gusto nyo po pwede muna kayong umupo at hayaan nyo pong ipaalam ko kay Mr. Lucas na nandito na kayo.”

“Fuck off!” sigaw nya sakin at saka marahas na binuksan ang pinto.

Kung gaano sya kabilis na nakapasok ay ganon din kabilis ang paghabol ko sakanya para sana pigilan sya, pero sadyang mas mabilis sya kesa sakin.

“Ha baby!” tawag nya kay Greyson.

“Ms. Veronica...—” putol ang sasabihin ko ng pigilan ako ni Greyson.

“Don’t worry, Zeph I can handle this, go back to your office.” aniya ni Greyson.

Pero hindi ako gumalaw. Hindi ako aalis dito. Hindi ako aalis habang nandito ang babaeng yan kasama ang boyfriend ko nang ganyan ang suot na damit.

“Zephaniah!” matigas na tawag muli sakin ni Greyson.

“Okay sir.” sagot ko. Wala na akong magagawa, utos ito ng BOSS, tumingin pa muna ako kay Greyson bago tuluyang lumabas ng office at isarado ang pinto. Pero hindi doon natapos, idinikit ko ang tenga ko sa pintong nakasara para marinig ang pinag uusapan nilang dalawa sa loob.

ONE NIGHT STAND WITH THE CEOUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum