ONSWTC: Chapter 39

1.1K 21 0
                                    

MY FRIEND
 
ZEPHANIAH’S POV
   
   
 
Nagising akong nakaupo at nakatali ang dalawang kamay sa bangko sa isang gusaling sira-sira. Pinilit ko kalasin ang tali sa kamay ko pero masyadong madig-in ang pagkakapulupot nito sa braso ko.

“Sa wakas gising ka na din!” aniya ng isang babaeng payat sa harapan ko.

“Tulungan mo ko please.” pagmamakaawa ko sakanya.

“Eh??? mali yata ang hinihingan mo ng tulong HAHAHAHA!”

“Please, where am I?”

“Ahmmm... nasa dulo ng impyerno? HAHAHA!” aniya at tumawa.

“Ito ang lugar kung saan nababagay ang mga taong katulad mo!”

“Hindi ako masamang tao” sabi ko habang pilit na kumakawala sa pagkakatali sa bangko.

“You are!”

“I’m not”

“Masama kang tao para sakin. Dahil simula ng ginulo mo ang buhay ng mga taong malapit sakin, ginulo mo na rin ang buhay ko! ”

“Anong ginulo? Anong sinasabi mo? Ni hindi nga kita kilala e”

“Weeew! that means you've not regain your memory yet” aniya bago kunin ang cellphone sa bulsa ng pantalon nyang suot at may tinawagan.

“Hello”  bungad nya sa kausap.

“Gising na ang kaibigan mo” aniya.

Sinong kaibigan? Nagtataka ako kung sinong kaibigan ko ang kausap nya, mahirap para sakin ang isipin kung sino ang kinakausap nya dahil wala naman ako gaanong kaibigan.

“Okay.” aniya bago patayin ang tawag at ibaba ang cellphone sa upuan na katabi nya. Tumingin pa muna sya sakin bago ngumiti.

“Dinig mo ba usapan namin? HEHEHE kaibigan mo yung kausap ko.”

“Hindi ako kayang saktan ng kaibigan kong sinasabi mo. My friend will never hurt me”

“Paano kung kaya nya?”

“Alam kong hindi. Hindi ako kahit kelan sasaktan ni Summer.”

“HAHAHAHA! Tingnan mo ang paligid mo, Asan ka ba ngayon?? Kung inaakala mong hindi ka nya kayang saktan nagkakamali ka, dahil kayang kaya nya.  Baka nga ito na ang katapusan mo at ng salot na yan!!!” sigaw nya sa akin habang nakaturo sa tiyan ko.

“Hindi salot ang baby ko!” galit na sigaw ko sakanya.

Mabilis syang lumapit sakin at sinampal ako ng dalawang beses sa magkabilang pisngi. Dahil sa lakas ng pagkakasampal nya ay halos mahilo ako at magdilim ang paningin ko.

“Sa mga oras na ’to wala kang karapatang itama ako sa sinasabi ko!” galit nyang sabi at sinabunutan ako pataas.

“Open your eyes and look at me”

Iminulat ko ang mata ko tulad ng inutos nya pero di ko sya kayang tingnan sa mata dahil nakakatakot ang apoy ng galit na nagliliyab sa mata nya.

“Ang sabi ko tingnan mo ako!” malakas na sigaw nya sa may tenga ko kaya naman kahit hilo ay pinilit ko syang tingnan deretso sa mata.

“Madali ka naman pala kausap e. HEHEHEHE good girl!” aniya bago ako bitawan.

“Please... wag... mo kong sasaktan.” pagmamaka awa ko pero parang wala syang narinig at nagderetso lamang palayo sa akin.

“Tanggapin mo na lang kasi ang katotohanang mamamatay ka na ngayon.”

“Magkano ba ang kelangan mo? Kaya kong ibigay sayo yon basta wag mo lang kami sasaktan ng baby ko.... Pleaseee!”

ONE NIGHT STAND WITH THE CEOWhere stories live. Discover now