ONSWTC: Chapter 6

1.8K 26 0
                                    

WARNING: TOO MUCH BAD WORDS!!!

GREYSON LUCAS


Halos hindi ako nakatulog ng maayos kaiintay na dumating ang araw na 'to. Finally Lunes na!!!

Sinuot ko ang bagong suit na inorder ko online 2 days ago at nagpahid din ako ng paborito kong strawberry lipstick pero konti lang, hindi tulad nung pumunta ako sa condo ni Deymus. Maaga akong umalis ng bahay, siguro mga 6:30 am sa awa naman ng Diyos e hindi naman trapik kaya bago mag 7 o'clock e nakarating ako sa Lucas Enterprise. Pagdating ko sa building mga security at janitor pa lang ang nandito, kaya no choice mag iintay ako.... 30 minutes ang lumipas at nagsidatingan na din ang mga tao. Habang patuloy ang pagpasok ng tao patuloy din sa paghuhurumintado ang isip ko, hanggang ngayon kasi hindi pa din nawawala sa isip ko ang isiping baka prank lang lahat ng ito. Tutok ang isip ko sa pag iisip ng biglang isang magandang babae ang lumapit sakin, nakangiti sya kaya nginitian ko din sya.

"Good Morning Miss Sarmiento" aniya at saka inabot ang kamay. Nakikipag shake hands

"Good Morning din ho!"

"Nice to meet you Miss Sarmiento. I'm Miss Bartolome but you can call me Reece. I'm Mr. Lucas's Assistant."

"Nice meeting you din po and please feel free to call me Zeph po."

"Okay Zeph. Let me show you your office" aniya at saka kami umalis at sumakay sa elevator at bumaba sa ika apat na palapag ng building. Marami kaming nadaanan na mga office table at tumigil kami sa isang pinto at binuksan nya ito.

"Ito ang office mo at yung sa kabila naman e kay Mr. Lucas" aniya habang nakaturo sa isa pang office na nasa loob ng office ko. Gets mo ba??? May office sa loob ng office ko, basta ganon ikaw na mag adjust tamad mag explain si author.

"O-okay. So ibig sabihin po ba si boss e dito din dadaan sa pintong 'to?" turo ko sa pintong pinasukan namin.

"Oo, yun ay KUNG gusto nya."

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"May sariling pinto si Mr. Lucas, pero kung gusto nya tong gamitin e pwede din naman building nya 'to e diba?"

"Ahhh HEHEHE. Y-yes naman po." aniya ko. Oo nga naman di ko naisip agad yun ah. Hehehe.

"So, ito nga pala ang schedule ni Mr. Lucas this week and for the next week." sabi nya at saka inabot sakin ang ilang mga files na kanina pa nya dala dala.

Kinuha ko ito.

"Okay po."

"Sige maiwan na kita, una na ko. Have a nice day Zeph!"

"Salamat Reece, ikaw din."

Nang makalabas nasi Reece ay mabilis kong inikot ang buong office ko. Malambot at mukhang komportable ang leather chair na uupuan ko habang naka duty. Saka ko naisipang tawagan si Summer para ibalita sakanya na mukhang totoo na para sakin ang work na 'to. Dalawang beses kong dinial ang number ni Summer pero hindi nya naman ito sinasagot kaya tinext ko na lang sya.

SENT TO: SUMMER

Hindi prank bes pero di ko pa din naiintindihan ang nangyayare. Kwento ko sayo lahat mamaya kapag okay na ko dito. okay?

Mabilis kong sinilid sa bag ko ang cellphone at saka ko sinimulang basahin ang mga files na binigay sakin ni Reece kanina. Hanngang sa makaramdam ako ng gutom.

Oo nga pala kanina pa ako walang kain. Kaya naman naisipan kong lumabas muna saglit para sana bumili ng makakain medyo nagugutom na din ako e.

Hindi pa man ako nakakalimang hakbang sa pagtapak ng tuluyan sa labas ng office ko'y mabilis din agad akong pumasok at bumalik sa loob ng office ko at hinarangan ang pinto para walang makapasok. Tsss napalakas tuloy bagsak ng pinto.

"Kingina. Ano ginagawa non dito! Bakit nandito sya! Jusko naman bakit dito pa!!! Anong gagawin ko???? Shit! How am I going to survive this?" paghuhurumintado ko sa loob.

Tok! Tok! Tok!
may kumatok kingina!

"Miss Sarmiento! Miss Sarmiento! you in?" aniya ng isang pamilyar na boses.

Kingina Zephaniah anong ginawa mo!!!!!!! inis na sambit ko sasarili. Halos sumakit ang dibdib ko dahil sa lakas ng kabog nito sa loob pakiramdam ko dinig ng lalaki sa likod ng pintong 'to ang tibok ng kinginang pusong 'to! Halos mamatay ako sa pag papanic ngayon dito!

"Miss Sarmiento!"

Paano ako makakasurvive sa trabahong 'to kung ngayong first day ko pa lang ay halos mamatay na ko sa kaba.!

Huminga ako ng malalim at nag ipon ng lakas ng loob at saka ko dahan dahang binuksan ang pinto.

"Okay ka lang ba?" aniya ng taong nasa harap ko.

Alam kong may kumakausap sakin pero lintik naman dahil sa gutom at pagpapanic ko'y nanglalabo tuloy ang paningin ko kaya di ko makilala kung sino ba ang nasa harapan ko.

"Miss Sarmiento look at me! Can you see me? Can you hear me now?" tanong ng tao sa harap ko.

"Miss Sarmiento!!" Bumalik din sa normal ang paningin ko at saka ko lamang nakilala kung sino ang taong nasa harapan ko na kanina pa tanong ng tanong. Naririnig ko naman ang tawag at mga tanong nya pero nagkunwari na lang ako na hindi ko narinig... gagamitin ko ang oras na 'to para naman mai-digest ng utak ko ang nangyayare ngayon. At ngayon ko lang rin napansin na hindi pala ako nakatayo shit! I was lying horizontally on the ground.

Shittttt!!!!! mabilis nagtama ang mga mata namin ng lalaking nasa harapan ko. Kita sa mga mata nya na nag aalala sya. Kingina talagaaaaaa!!! Lupa kainin mo na ko ngayon na utang na loob!

"Miss Sarmiento naririnig mo ba ko?" aniya ni Nameless guy.

Yes!!!! si Nameless guy na nakasex ko nitong nakaraang linggo! Kingina talaga nandito sya ngayon sa harap ko.

"Miss Sarmiento!" aniya. Naramdaman ko naman na may gumalaw sa ilalim ng uluhan ko. Tiningnan ko kung ano iyon, at halos mamatay ako sa lakas ng tibok ng puso ko, gusto ko na lang sumigaw.

Hindi ako nakahiga sa sahig....... dahil nakahiga ako sa hita ni nameless guy!!!!! Mabilis pero maingat akong tumayo at inayos agad ang pencil skirt na suot ko.

"Thanks" I said.

"You don't have to"

"A-Anong nangyare?" tanong ko.

"I was knocking, you weren't answering, so, I came in and saw you falling" aniya. Spokening dollar talaga sya.

"Ahhhh... T-thank you"

"Like I've said earlier, you don't have to"
aniya at tumayo.

"You must be Miss Sarmiento?"

"Y-yes!"

"I'm Greyson Lucas" aniya at pumasok din agad sa office nya.

Halos lumuwa sa laki ang mata ko. Buti na lang at nakatalikod na sya. Pero Kingina talaga ..... Did he just said that he is GREYSON FUCKING LUCAS!! P-paano nangyare yon! Jusko nakipag chukchukan ako sa isang bilyonaryo. Aiiiissshhhh napaka bobo mo Zephaniah bakit di ko agad napansin yun kahit na halata naman na sa kilos at pananamit nya na mayaman talaga sya.

Kinuha ko agad ang cellphone sa bag ko at mabilis na nagtype ng text para kay Summer ng biglang nagring ang telepono sa harapan ko.

"Hello." bungad ko.

"Let Mr. Somera in as soon as he is here"

"Ok sir" sagot ko pero binaba nya din agad ang linya.

'Bastos!' nasabi ko na lang sa sarili.

****THANK YOU!!****

FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS AND LIKE MY PAGE:

FB PAGE: MOONCAKE
IG: MOONCAKE.1998
TIKTOK: MOONCAKE.1998
TWITTER: MOONCAKE98
SNAPCHAT: MOONCAKE1998

GOD BLESS US ALL!!

ENJOY READING AND SPREAD LOVE CAKES ❤

****THANK YOU!!****

ONE NIGHT STAND WITH THE CEOWhere stories live. Discover now