ONSWTC: Chapter 9

1.6K 26 0
                                    

HIS GILFRIEND
  
    
   
  

Maaga akong pumasok ngayon, Martes ng umaga. At isang himala naman at maaga din pumasok si Greyson na mukhang badtrip. Isa ako sa mga taong nasusungitan nya today. Daig pa ang may regla dzai!

Inis na ibinigay sakin ni Greyson ang sandamakmak na files na obligado akong tapusin sa mabilis na panahon. Ayon sa kanya ito daw yung mga files na hindi tinapos O hindi natapos ng dating sekretarya nya.

Inis nyang ipinapaliwanag sa akin ang mga gagawin ko hanggang sa napunta na ang usapan sa 'BAKIT DI KA NA NAGREPLY SAKIN' 

“Nakatulog ako. ”

“Nakatulog ka habang kinakausap ka pa ng boss mo? ”

“Sorry sir.”

“Hmm No it’s fine. You don’t have to. Mukhang seryosong seryoso ka sa trabaho e”

“Sorry po talaga sir.”

“Tsss. I said you don’t have to! Anyways tapusin mo agad lahat ng yan. Kailangan ko yan.”

“Pero sir——....”

“Walang pero pero. Sige na umalis kana.”

Wala na din naman akong nagawa kaya bagsak ang balikat akong bumalik sa aking office.

Tsss. sa dami neto kahit yata dalawang araw di ko ’to matatapos e, aniya ko sa sarili at saka sinumulan ang isang tambak ng mga papel sa harap ko.

Lunch break.

Sabay na naman kaming kumain ni Luffy sa malapit na fastfood sa office.

“Balita ko badtrip today si Mr. Lucas ah. Ano sinusungitan ka na ba?”

“Ano pa nga ba? taranta nga ko habang nagtatrabaho e. baka masigawan pa ako” -_-

“Ganon talaga yon. Masasanay ka din.”  si Luffy.

“Sana nga.”

“Ano ka ba syempre masasanay ka din, kami nga sanay na e. Lahat naman ng trabahador nya jan sa LE nakita na ang ugali nya e tssss siguro nag away na naman sila nung Veronica. ”

“Sino yon?”

“His girlfriend. Ganyan yan si sir pag nag aaway sila ng jowa nya, pati tayo dinadamay.”

“May girlfriend sya!! ” sigaw ko. Halos maluwa ko pa ang coke na iniinom ko dahil sa nalaman.

"Oh hala okay ka lang?” aniya habang inaabot ang tissue sakin.

“O—oo. Salamat. Pero may girlfriend si talaga Sir??”

“Oo nga. Jusko naman yung mukhang yon mawawalan ng girlfriend? Teka nga bakit parang gulat na gulat ka? Don’t tell me may gusto ka sakanya.”

“Ano ka ba WALA no! hehehe. Biruin mo yung gagong yon may girlfriend pala. Psshh!”

“Aba bihira ang ganong mukha sa mundo. Malamang may magkakagusto talaga don.”

“Tsssss. gwapo nga ang taray naman, daig pa ang may regla ”

“HHAHAHAHAHA!!”

Pagtapos ng Lunchbreak, halos buong hapon akong wala sa sarili, hindi ako makapag trabaho ng maayos at pakiramdam ko wala akong matatapos ngayon araw. Nakakatamad kumilos ngayon lalo na at nalaman kong may girlfriend pala si Greyson.

'May girlfriend pala sya e bakit nakikipag chukchukan sya sakin tssss. Ano bang trip nya. Niloloko nya ang girlfriend nya GAMIT AKO! Gago talaga!!! Kaya nya ba ako kinuha para magtrabaho sakanya kasi gusto nya talagang lokohin si Veronica at plinano nya ang lahat ng ’to!'

ONE NIGHT STAND WITH THE CEOWhere stories live. Discover now