ONSWTC: END OF SEASEON 1

2.1K 30 2
                                    

SPECIAL CHAPTER
   
    
     
   
Ilang buwan ang nakalipas matapos ng isang malagim na pangyayare.

Nasa bahay ako Byernes ng umaga at nanonood ng movie ng biglang nag ring ang cellphone ko. Tumatawag si Summer.

“Hello” sagot ko sa tawag ni Summer.

“Baka pwede mong sabihan yung mga guards mo na papasukin ako aba!” galit na sabi nya sa kabilang linya

“Okay” pinatay ko ang tawag namin ni Summer at sinunod na tawagan ang cellphone ng isang guard na nagbabantay sa gate.

Matapos kasi ng insidenteng nangyare ilang buwan ang nakakaraan ay mas naghigpit si Greyson dito sa bahay, hindi nya hinahayaang may makapasok kahit na sino agad para daw sa kaligtasan namin which is reasonable naman talaga.

“Pagsabihan mo nga yung mga guards nyo sa labas pambihira parang laging bago ng bago sakin.  Bwiset!” inis na sabi sakin ni Summer ng makapasok sya sa bahay.

“Ang lalaki pa mandin ng baril na hawak, isang maling galaw ko lang sa labas sabog ulo ko panigurado. Jusko!”

“Kay Greyson mo sabihin yan HAHAHA” Tumatawang hamon ko sakanya. Alam ko kasi na hindi nya magagawang sabihin kay Greyson yon.

“Nga pala bakit nandito ka? Hindi ba dapat nasa trabaho ka aber?” tanong ko sakanya

“Excuse absent ako ngayon. Tumawag ako sa office at sinabi kong may sakit ako”  aniya habang nakaupo sa couch na nasa harapan ko.

Sa Lucas Enterprise na pala nagtatrabaho si Summer dalawang buwan na sya don at naka assign sya sa marketing department. Ayaw pa sana nyang lumipat sa LE pero nung nag offer si Greyson na babayaran sya ng doble sa kinikita nya sa dati nyang kompanya e pumayag na din sya.

“Nagpa-excuse absent ka at sinabi mo na may sakit ka... at ang lakas ng loob mong magpakita dito sa bahay ng boss mo na masigla at......”

“At ano?” tanong nya at tiningnan ang sarili

“Hot and sexy. Para kang makikipag date. Ano na naman pakana mo ngayong araw?”

“Ahhh... HAHAHA gusto kasi kitang yayain lumabas bes.”

“Ha? Umabsent ka sa trabaho at nagdahilan ka pang may sakit para lang makipag date sakin? Abnoy ka ba? Anong nangyayare sayo?

“Wala. Basta kaninang umaga nagising lang ako tapos feeling ko ayoko pumasok kaya ayon.... eto ako ngayon.”

“Ang ganda ng dahilan mo ah... hmm Thank you for remembering me Sum pero hindi ako pwedeng sumama sayo.”  pagtanggi ko sa biglaang pagyaya nya

“At bakit?”

“Una, hindi matutuwa si Greyson pag nalaman nyang umalis ako ng bahay ng hindi nya alam, magagalit yon.
Pangalawa, Hindi ko naman sya pwedeng tawagan ngayon para magpaalam na lalabas kasama ka dahil sabi mo nga e nagpa- excuse late ka dahil may sakit ka.”

“Sus easy naman ng problema mo, edi sabihin mo si Liah kasama mo”

“Pag aawayin mo pa talaga kami eh no? magagalit yon sakin pag nalaman nyang nagsinungaling ako.”

“Hindi nya malalaman kung di mo sasabihin”

“Di ka sure sis. May pagka detective Conan yon”

“Sige na try mo lang dali na... oh” aniya at inabot sakin ang cellphone ko na nakapatong sa table.

Kinuha ko ito at tinawagan si Greyson.

“Hi Sexy” bungad nya.

“Hello. How are you? How’s work?”

“Okay lang naman... hmm don’t tell me miss mo agad”  aniya at sabay tawa.

ONE NIGHT STAND WITH THE CEOΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα