SIMULA

6.3K 138 33
                                    

WARNING: NAKAKAINIS ANG MGA EKSENA SA ISTORYANG ITO. MAS MARAMI KANG MARARAMDAMANG INIS AT FRUSTRATION KESA KILIG AT SATISFACTION. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK.

--

Simula

Fake

--

Tahimik kong pinagmasdan ang apat na babaeng magkakasama sa iisang table sa napaka lawak na field ng school. I put my one hand on the tree next to me. Malakas ang hangin at sumasabay roon ang puno na ngayon ay sumasayaw na para bang masaya at tahimik lang ang kanyang buhay.

Hindi ko pa kailanman naramdaman ang mainggit sa mga tao sa paligid ko. Palagi ay sapat na sa akin ang mga bagay na meron ako. Sapat na sa akin ang kinakain ko sa isang araw kahit hindi ito kagaya ng iba na mamahalin at masasarap. Sapat na sa akin ang mga taong nasa tabi ko. Hindi na ako humihiling ng maraming kaibigan. Sapat na rin sa akin ang lahat ng natatanggap ko kung ano man iyan, pera man o pagkain o mga taong nasa paligid.

Pero ngayon habang pinagmamasdan ko ang grupo na iyon tila naiinggit ako. I also want to join their group. I also want to be a part of them. I want to go with them wherever they go. I want to be part of their family.

I want to be in HER position.

Pero ako naman talaga dapat ang nasa posisyon niya. Ako naman talaga dapat ang nandoon.

Tinanggal ko ang aking kamay sa punto at naisip na walang mangyayari kung panonoorin ko lang sila. I’m just hurting myself and also binubuhay rin ang galit na pilit kong isinasantabi dahil alam kong hindi dapat ako magpadalos dalos. Alam kong walang magandang patutunguhan kung galit ang paiiralin ko. Kailangan kong mag isip ng paraan para makalapit sa kanila.

Natigil ako sa mga iniisip nang may tumama sa binti ko. Bahagya akong nagulat. I looked at the ball that hit me which is now on my feet. Napatingin ako sa mga naglalaro ng soccer sa di kalayuan.

"Miss! I'm sorry. Are you alright?" anang palapit na lalaki na mukhang siyang nakatama sa akin.

Kasama siya sa mga naglalaro. At mukhang siya rin ang nakatama sa akin. I watched him jogged towards me. He's sweaty and wearing their game uniform. I sighed. Yumuko ako para kuhanin ang bola na tumama sa akin.

"Yup," sagot ko nang nakuha ang bola at muli siyang tinignan.

Kunot noong lumapit sa akin ang lalaking malaki ang katawan. I could see the muscle in his arm and thigh because of the uniform he was wearing. He's serious as he looked at me. He looked at me from head to toe. Tumigil siya sa harapan ko.

"Here," abot ko sa kanya ng bola.

"Thanks. You sure you're alright? I'm sorry. Ako ang nakatama," tinignan nya ang binti kong natamaan.

"I'm fine," I smiled a bit.

He nodded and took the ball. Akala ko aalis na siya pagkatapos makuha ang bola pero nanatili siya sa harapan ko. Nag angat ako ng tingin sa kanya at nagtaas ng dalawang kilay, nagtatanong kung may kailangan pa ba siya.

"You're new here?" he asked.

"Uh, yeah," tipid kong sagot at tumango.

Naglahad siya ng kamay. "I'm Brandon. It's nice to meet you...?"

I looked at his hand for a moment. Hindi ko inasahan na magpapakilala pa siya. Tinanggap ko nalang iyon  at bahagya ulit na ngumiti.

"Cassandra. Nice to meet you too."

"Cassandra... Welcome to our school," he smiled.

"Thanks."

"Brandon! Anak ng! Tagal naman niyan! Naiinip na kami, oh!?" sigaw ng isang lalaking siguro ay kasamang naglalaro ni Brandon.

Door of Happiness (Agravante Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon