KABANATA 32

2.4K 64 17
                                    

Kabanata 32

Guilty

--

Hindi ako makapaniwala.

Para akong nabibingi.

Para akong lumulutang.

Totoo ba ang narinig ko? Did that really happen? Hindi ba ako nananaginip lang? Kasi kung nananaginip lang ako, parang ayoko nang magising!

I can’t believe this is happening! Hindi man nila sinabi na naniniwala na sila sa akin, ngayon palang na gusto na nilang magpa DNA test, pakiramdam ko naniniwala na sila sa akin! O baka gusto lang nila na mapa alis na ako?

Umiling ako. Inalis ko agad 'yon sa isip ko.

Ang mga sinabi ni Pauline Agravante... they never left my mind and my heart is aching with so much happiness. I didn’t know I could be this happy in my life!

Ang sabi niya magiging masaya siya kung totoo nga ang mga sinasabi ko. Sinabi niyang magaan ang loob niya sa akin at mabilis na tumitibok ang puso niya kapag nakikita ako! Ganon na pala ang nararamdaman niya sa akin noong una palang. I really can’t believe it. It feels so unreal!

Hindi ko nagawang ikwento agad kay Audrey at Arjun ang nangyari sa sobrang speechless ko. Pagdating ko sa bahay ay nakatulala pa rin ako, hindi makapaniwala at parang maiiyak na sa sobrang saya.

"DNA test..." parang langit sa akin ang banggitin iyon.

Malalaman na ng lahat ang totoo kapag ginawa namin iyon. Malalaman na nila na ako ang tunay nilang anak! Na ako ang tunay na pamilya nila. Na ako ang tunay na Agravante!

Paulit ulit na nagplay sa utak ko ang mga nangyari kanina nung gabing iyon. Naiyak pa ako sa tuwa at dahil na rin siguro hindi ako makapaniwala. This is really happening. Makakamit ko na ang pangarap na matagal ko nang pinapangarap. Ang makasama ang pamilya ko at maramdaman ang pagmamahal nila!

I bit my lower lip and wiped the tears that dripped down my cheek. Tumawa ako sa sarili at hinaplos ang picture ni Mama.

"Mama... magpapa DNA test na ang mga Agravante..." napapaos kong kwento sa kanya. "Malalaman na nila ang totoo!"

Nakatulugan ko ang pag iyak at nagising kinaumagahan sa tawag ni Brandon sa akin. I picked up my phone from the side table and answered his call.

"Hello?" medyo antok ko pang sagot at humiga sa kama.

"Good morning! Sorry. Did I wake you up?" his voice made me even more happy!

Dumilat ako at inayos ang aking buhok. "Hindi naman..."

"Pupunta ako sainyo mamaya."

"H-Huh?" gulat kong tanong at napabangon bigla sa aking kama.

"Pupunta ako sa bahay mo," ulit niya.

"A-Ano naman ang gagawin mo rito?"

"Susunduin kita. We will eat lunch together outside."

What? Pero ngayong ang...

"H-Hindi ako pwede, Brandon. Pwede bang mamayang hapon nalang? Gabi?"

The Agravantes men will pick me up here later to go to the hospital. Ngayon kami kukuhanan ng laway at kung ano ano pa para magawa ang DNA test. Saktong tanghali rin iyon kaya hindi pwede! Pero saglit lang naman siguro 'yon kaya pwedeng gabi na siya pumunta. We can have dinner together.

"Why? You have a work?" he asked.

"O-Oo..." I lied.

Pumikit ako ng mariin. Para akong hirap na hirap magsinungaling sa kanya. I also really don't want to lie to him but he doesn't know the truth yet. He still doesn't know what's happening between me and the Agravantes pero syempre... may balak naman akong sabihin sa kanya. Siguro mamaya kapag nagkita na kami? Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi sabi sa kanya.

Door of Happiness (Agravante Series #1)Where stories live. Discover now