KABANATA 2

2.8K 93 11
                                    

Kabanata 2

Money

--

Nasa field kami ni Arjun habang nagkukwentuhan. Maaga pa kaya hindi muna siya pumunta sa klase niya. Sinamahan niya muna akong tumambay sa isang table sa napaka laking field.

"Nasaan ang kaibigan na sinasabi mo?" tanong ni Arjun pagka upo namin.

"Baka nandoon na sa classroom," sagot ko.

"What's her name?"

"Audrey."

Tumango siya. "Is she kind?"

Nagkibit ako ng balikat. "Nagkasama na kami kahapon at masasabi ko namang mabait siya."

I saw a familiar man. His serious eyes immediately found my eyes. He was at the other table with his friends not far from our table. It was a bit noisy in the field because there were already quite a few people. Mahangin rin dahilan ng paglipad ng itim kong buhok.

It's Brandon.

"How about your classmates? Wala bang umaway sayo?" tanong ni Arjun.

"Wala naman. Wag ka nang mag alala."

He sighed. I know he's really worried. I can handle myself, though. I never let other people just oppress me.

"Kailan mo makukuha ang school uniform mo?" tanong ni Arjun.

Inalis ko ang tingin kay Brandon at bumaling kay Arjun na kanina pa tanong nang tanong.

"Baka bukas? I don't know. Sabi sasabihan nalang ako."

Tumango siya. Napatingin ulit ako sa harapan ko, lagpas kay Arjun na tahimik na binuklat ang notes niya. Brandon was still staring at me. Alam kong kahit papaano dapat ko siyang batiin ng kahit na ngiti lang lalo na at nakatitig siya tapos magkakilala na kami. But... that's not my thing.

"Sabi ni Mama ikaw ang maglalaba ng mga damit namin sa weekend. I'll help you," sambit ni Arjun.

Tumingin ulit ako sa kanya. "No need. Trabaho ko iyon at may ibabayad naman sila sa akin."

"Alam ko. I just want to help."

"Hindi na talaga. Mag aral ka nalang sa weekend."

Hindi naman na siya nagpumilit pa. Hinayaan niya nalang ako at nagpatuloy sa pagbabasa. Binuklat ko nalang rin ang aklat ko at nagbasa nalang rin ng tahimik. Hindi ko nga lang napigilang sumulyap ulit sa mga lalaki sa harapan.

Brandon is not looking at me anymore. Nakikipag tawanan na siya sa mga kaibigan niya. Pero iniwas ko agad ang tingin ko nang muli siyang tumingin. Kinunot ko ang aking noo.

Naghiwalay na rin kami ni Arjun pagkatapos ng ilang sandali. Magsisimula na rin kasi ang klase. He went to the far building while I went to my building.

Ngayon nagsimula na talaga ang klase. Nakinig ako nang mabuti. Kailangan kong pagbutihin dahil ito ang palaging sinasabi ng Mama ko. To study hard for a good future. I will fulfill that for her and for myself as well.

Naka uniform na ang lahat sa klase. Isang araw lang pala ang binigay para makapag suot kami ng kahit ano. Pero ako wala pa ang uniform ko kaya ayos lang na naka pantalon pa rin ako.

Nakilala ko ang iba sa mga kaklase ko. Friendly naman ang iba pero masyadong maarte at mataray ang karamihan. I just ignored it. I'm fine with the classmates who introduced themselves.

"Hi! Are you Cassandra Juarez?" isang babae ang lumapit sa akin habang naglalakad kami ni Audrey papunta sa cafeteria. Lunch na.

May hawak ang babae na papel, listahan siguro ng mga pangalan ng transferee. Tinignan niya iyon sandali bago nag angat ng tingin sa akin.

Door of Happiness (Agravante Series #1)Where stories live. Discover now