KABANATA 35

2.9K 64 5
                                    

Kabanata 35

Anger

--

"Oh my gosh! Mabuti naman dahil ang dami nang naghihintay sayo rito!" Johanna said after I told her I'm coming home tomorrow.

"Yeah. Pumayag si Daddy dahil ang sabi niya kailangan na rin siya ni tito Rolando sa kumpanya," sabi ko habang nagjo-jogging sa kalakhan ng the highline dito sa New York.

Nasa tenga ko ang airpods habang kinakausap siya.

"Hindi sinabi ni tita but I'm happy. I'll tell them you're coming home and I'm sure they'll be happy too. We miss you already and the people here are excited to meet you na!"

I smiled. "I miss you too."

"Uh-huh. Including Brandon, right?" I can already see her smirk.

Umirap ako. "I don't."

"Oh, come on, Van! Don't lie anymore. Even if you're angry I know you still have feelings for him."

"Paano mo naman nalaman? Nakakabasa ka ng isip?"

"Van... alam nating lahat na wala siyang kasalanan sa nangyari--"

"Stop it. He's a playboy. Bakit ba pinapaniwalaan niyo iyon?" iritado kong tanong.

"Well... mukha naman siyang sincere, eh..."

"He's not. Let's stop talking about him."

Tumigil ako sa pagtakbo at uminom ng tubig. Medyo sumama ang pakiramdam ko dahil naalala ko na naman ang nangyari. Umaasim ang pakiramdam ko kapag naaalala ko iyon. Parang mas lalo lang nadadagdagan ang galit ko sa kanya.

Johan sighed. "Fine. Hindi ko na sisirain ang araw mo. See you soon nalang, Van!"

"See you."

We said goodbye to each other and I dropped the call. I sighed and sat down on the bench nearby. Ilang sandali akong nagpahinga roon at kahit hindi ko na gustong balikan, parang movie na nagplay sa utak ko ang lahat ng nangyari.

Later that day, when the Agravantes found out the truth, when they heard what Amelia and Elizabeth said on my phone, pinakulong agad nila si Amelia at si Elizabeth, dahil nakiusap si Amelia at dahil medor edad pa, hindi nila pinakulong.

It was also painful for the Agravantes to let Elizabeth go but they knew they had to do that. Lalo na dahil sa mga sinabi ni Elizabeth sa phone ko. Galit na galit si Daddy at si lolo.

"Lumayas ka sa pamamahay ko. Lumayas ka!" sigaw ni Marvino Agravante kay Elizabeth.

"Dad! Don't you love me? I am your daughter--"

"Shut up! You are not my daughter!"

"Marvin..." Theodore Agravante said.

"Lolo... please... I know you love me. Mahal niyo ako, diba?" nagmamaka awang sinabi ni Elizabeth.

Lumapit sa kanya si Theodore Agravante. Nakatitig ito sa kanya at kahit nakikitaan ko ng galit ang kanyang mga mata, may pagmamahal pa rin roon para sa tinuring niyang apo ng napaka habang panahon.

"Mahal ka namin, Elizabeth... pero sa narinig ko roon, hindi ganon ang pagmamahal na meron ka sa amin..."

Humagulgol si Elizabeth at muling nagmaka awa. Lumuhod si Amelia sa harap ng mga Agravante at paulit ulit na humingi ng tawad.

"Patawarin mo ako, Pauline. Patawarin niyo ako! Ako nalang... Ako nalang at wag na ang anak ko! Tutal ako naman ang may kasalanan ng lahat... Ako nalang!" she cried.

Door of Happiness (Agravante Series #1)Where stories live. Discover now