KABANATA 22

2.2K 59 0
                                    

Kabanata 22

Costume

--

Hindi ko tinawagan si Audrey gaya ng sinabi ko sa kanya na tatawagan ko siya sa oras na may mangyaring hindi maganda. I don't want to bother her and I also don't want her to worry about me. I don't want her to see me cry.

Sumakay ako sa tricycle at nagkulong sa loob ng aking kwarto nang nakarating sa bahay. Yakap yakap ang mga tuhod ay humagulgol ako sa aking kama. My tears never stopped and the pain in my heart never stopped as well.

Hindi ko ugaling umiyak pero hindi naman ako bato. Nasasaktan rin ako. Napapagod rin ako.

Umiyak lang ako roon sa madilim kong kwarto. Hindi ko na binuksan ang ilaw dahil gusto ko nalang talagang dumukmo at umiyak para mailabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko. Pero kahit ilang balde pa yata ang mapuno ng aking mga luha, hinding hindi na yata titigil sa pagkirot ang puso ko.

Nahihirapan na rin ako. I don't know how to prove to them that I am their family. Galit man ako kay Amelia at Elizabeth, nasasaktan rin ako sa mga ginagawa nila. Para akong nasa gitna ng dalawang pader, naiipit, hindi alam ang gagawin, parang nasa dilim.

Where is the key to happiness? The key to a door of happiness? Where can I get that? Where can I find it? I'm having a hard time. I want peace. But I wouldn’t feel that if there wasn’t a key to the only door I wanted to enter. The door of love... and happiness.

Where is it? Can't I just have it?

Umalis ako sa pagkakadukmo at pinunasan ang mga luha sa aking pisngi. Nilingon ko ang side table ng aking kama at kinuha roon ang picture naming dalawa ni Mama. Picture ito noong grumaduate ako ng elementary. I still have a lot of pictures of her but this is the only one I like the most.

Dahil proud na proud siya sa akin nung araw na ito. Hindi maalis ang kanyang ngiti habang pinapanood niya akong umakyat sa stage. She even cried when I got my diploma. Natatawa ako sa kanya noon pero naiyak rin ako.

I caressed her face in the picture. Napaka amo at ganda ng mukha ng Mama ko. Hindi kami magkamukha. Malayong malayo ang mukha namin sa isa't isa. I didn’t pay attention to that then but now I realize why that is.

"Mama... hindi naman sila naniniwala sa akin..." napapaos kong sambit, nagsimula na namang bumuhos ang mga luha ko.

Pinunasan ko iyon.

"Mama, kaya ko pa ba?"

Humikbi ako.

"Sabi mo kaya ko to. Sabi mo matapang ako. Alam ko rin na kaya ko pero napapagod na po ako..."

Napatakan ng luha ang picture na hawak ko.

"Bakit nga ba sila maniniwala sa akin, diba? Hindi naman nila ako kilala. Wala naman silang nararamdaman sa akin. Kahit pa kamukha ko si Georgina Agravante, hinding hindi sila maniniwala sa akin..."

Pinunasan ko ang mga luha ko sa pisngi.

"Ang hirap, Mama. Ang hirap hirap..."

Nakatulugan ko nalang ang pag iyak habang yakap yakap ang picture naming dalawa ni Mama. I didn't eat last night. Hindi ko rin naman alam kung makakakain ako ng maayos.

Medyo matamlay ako kinabukasan. Naninimbang ang tingin sa akin ni Audrey at alam kong pansin na niyang may mali. I tried to smile at her but I know she wouldn't buy it.

"Anong nangyari?" tanong niya.

"Ganon pa rin..." bulong ko at kinagatan ang sandwich ko.

"Did they say hurtful words to you again? Akala ko ba gusto na nilang makipag usap ng maayos?"

Door of Happiness (Agravante Series #1)Where stories live. Discover now