KABANATA 15

2.2K 56 1
                                    

Kabanata 15

Leave

--

She's wearing a red dress. Her lips are very red, her hair is loose and her high heels are also color red. May mamahalin siyang bag sa kanyang braso at mayaman na mayaman ang dating niya sa harapan ko. Para bang hindi siya bagay sa lugar na ito pero hinding hindi ko siya kakahangaan. Mamamatay muna ako bago ko siya purihin.

"Kamusta ka na?" tanong niya, nakangiti.

Hindi ako sumagot. Ano na naman ba ang kailangan niya sa akin? Bibigyan niya na naman ako ng pera? Para umalis ako? Sinabi ko nang hindi ko tatanggapin ang pera niya. Hindi iyon ang kailangan at gusto ko. I will never accept money from someone like her.

"Kung iyan lang ang pinunta mo rito, umalis ka na. Wala akong panahon sayo..." sambit ko.

She laughed a bit. Mabuti nalang walang tao sa store dahil gustong gusto ko talaga siyang sigawan. But I won’t do that. I don’t want to be fired from this job of mine.

I then remembered Elizabeth saying that this old woman had a plan for me. Does she plan to fire me just to map me out? Kaya ba siya nandito ngayon? Iyon ang gagawin niya?

Nagtiim bagang ako.

"Hindi pa rin talaga nagbabago ang isip mo, noh? You really want to enter a family that will never accept you," anya.

"Nagtatrabaho ako ng tahimik rito. Kung pwede lang ay umalis ka na at inuulit ko, wala akong panahon sayo."

She smirked. "I want to talk to you for a minute. Sinabi ko na ito sa boss mo kaya kung hindi ka susunod..." umiling siya, hindi na tinuloy ang sinabi.

I looked at her angrily. Nakakagulat na nagagawa kong magtimpi sa kanya. Kung tutuusin ay pwedeng pwede ko siyang saktan rito ngayon sa lahat ng ginawa niya sa akin. But I stopped myself. Alam kong hindi magandang gawin iyon, gaano man kalaki ang kasalanan niya.

"Follow me," may panunuya niyang sinabi at naglakad palabas ng store.

Kinuyom ko ang mga kamao ko habang sinusundan siya ng tingin. Lumabas siya ng store at nakita ko agad roon ang dalawang bodyguard na kasama niya. Parehong naka itim ang nga iyon na pinagbuksan siya ng pintuan.

Kahit labag sa loob ko ay umalis ako sa counter at sumunod sa kanya. Lumabas rin ako ng store. Nakakuyom pa rin ang kamao ko at tiim ang bagang. Ayokong sumunod sa kanya pero baka mawala pa ang trabaho kong ito kapag hindi ako sumunod. Alam kong kayang kaya niyang gawin iyon sa akin.

Of course her wallet was full of money, or her ATM cards. Pera na alam kong galing lahat sa pamilya ko.

May ilaw sa labas ng store para sa mga table na naroon. Nagtungo si Amelia Mendez sa may isang table ngunit hindi umupo roon. Naglakad ako palapit sa kanya nang punong puno ng pagtitimpi. Nakakuyom pa rin ang kamao ko.

Hinarap niya ako at ngumiti siya nang nakalapit ako. Tumigil ako sa harapan niya at taas noo siyang tinignan. Habang nagtatagal ay mas lalo lang nadadagdagan ang galit sa loob ko. Makita palang ang itsura niya ay nanggagalaiti na ako.

"So..." panimula niya at humalukipkip.

She smiled.

"What do you want?" tanong ko.

"Gusto ko lang sanang itanong kung kamusta na ang pag aaral at ang pagtatrabaho mo," malambing niyang tanong.

Hindi ako sumagot.

"O kamusta na ang... mga kaibigan mo?" nanunuya niyang tanong dahilan kung bakit mas lalo akong nairita.

Mga kaibigan ko? Bakit niya naman tinatanong ang mga kaibigan ko? Sa pag angat ng gilid ng labi niya para sa isang ngisi ay parang may napagtanto ako.

Door of Happiness (Agravante Series #1)Where stories live. Discover now