KABANATA 1

3.5K 92 5
                                    

Kabanata 1

Nightmare

--

Binuksan ko ang pintuan ng bahay namin nang may kumatok roon. Natigilan ako nang nakita si Aling Carlita na umiiyak.

"Sandra..." namamaos niyang pagtawag.

"Aling Carlita? Bakit po kayo umiiyak?" nag aalala kong tanong at lumapit sa kanya.

Umiling siya. Mas lalo akong nag alala. Anong nangyari? Yumuko siya at nagpunas ng mga luha.

"Bakit po kayo umiiyak, Aling Carlita?" muli kong tanong.

"Si Sophie..."

"Po? Bakit po? Ano pong nangyari kay Mama?"

Nag angat siya ng tingin sa akin. "Kanina... habang namamalengke kami... nasagasaan siya ng mabilis na truck. Sinugod namin siya sa ospital at hindi na kita natawagan dahil sa sobrang nerbyos at pag aalala ko. Kanina tatawagan na sana kita k-kaso..." bumuhos ang mga luha niya at humagulgol.

I couldn't speak. I was stunned. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga oras na iyon. Hindi ko pa masyadong mai-proseso sa utak ko ang mga sinabi niya.

"K-Kaso sabi ng doctor... sabi ng doctor..." hindi niya maipagpatuloy at mas lalo lang siyang humagulgol.

Nabitawan ko ang doorknob namin at tuluyan nang natulala. Nanlabo ang mga mata ko dahil sa pangingilid ng luha. Parang tumigil ang mundo ko.

"Patawarin mo ako, Sandra. Hindi ko manlang siya nailigtas..."

"Hindi..." umiling ako. "Nasaan si Mama?"

"Nasa ospital sa malapit. Pero wala na siyang--"

Hindi ko na siya pinatapos at mabilis na akong tumakbo palabas ng bahay. Pumara ako ng tricycle at mabilis na sinabi ang ospital sa malapit. I squeezed my hands and burst into tears even though I didn't know what was happening.

Hindi pwede. Hindi pwedeng si Mama iyon. Baka hindi iyon si Mama. Baka nagkakamali lang si Aling Carlita. Kailangan kong masiguro kung si Mama ba talaga iyon. Hindi siya pwedeng...

My tears flowed. Mabilis akong nagbayad at tumakbo palabas ng tricycle nang nakarating sa sinasabing ospital. Tumakbo ako papasok sa loob at naghanap agad ang mga mata ko.

I saw Charlotte, Aling Carlita's daughter. Umiiyak siya at nang nakita ako mabilis siyang lumapit. Hawak niya ang dalawang kamay na nasa may kanyang baba. Nakalapit na siya at lahat pero wala pa rin siyang sinasabi. She was just crying and didn’t seem to know how to tell me what happened.

"Nasaan si Mama?" mariin kong tanong kahit punong puno na rin ng mga luha ang aking mga mata.

Humikbi siya at nanginginig na tinuro ang isang kwarto sa di kalayuan. I walked quickly over there and went inside. Bumungad sa akin ang dalawang nurse na tinatakpan ng puting kumot ang isang babaeng nakahiga sa kama. Napabaling sila sa akin nang pumasok ako.

"Mama!" pagtawag ko dahil alam ko agad na siya iyon!

Tumakbo ako papunta sa nakahigang babae. Hinayaan ako ng dalawang nurse at tumabi para mabigyan ako ng privacy.

Sa nanginginig na kamay tinanggal ko ang kumot sa kanyang mukha at halos bumagsak ako sa matinding sakit at panghihinang naramdaman nang nakita ang nangingitim nang mukha ni Mama.

Parang may nalaglag sa puso ko. Kitang kita ko ang halos nangingitim nang mukha ng napaka ganda kong ina. Sigurado akong siya 'to. Sigurado akong ang Mama ko 'to!

"Mama!" humagulgol ako at niyakap ang malamig na niyang katawan.

Malakas akong umiyak at parang gusto kong magwala sa sobrang sakit. Parang nilulukot ang puso ko sa sakit at pakiramdam ko unti unting gumuguho ang lahat sa akin.

Door of Happiness (Agravante Series #1)Where stories live. Discover now