KABANATA 26

2.3K 77 8
                                    

Kabanata 26

Jealous

--

Hinatid ako ng sasakyan ng mga tauhan ni Marvino Agravante pabalik sa store pagkatapos naming mag usap. Tulala ako habang nakaupo sa upuan ko sa counter. I can't forget what happened and my heart is hurting so much.

I can't blame them if they really consider Elizabeth as their daughter. Of course she was the one they had been with since she was a baby. Sino ba naman ako para sisihin sila? They are not at fault because they don't know anything. It's all Amelia Mendez's fault. She's the mastermind of everything.

Nag isip ako ng mabuting plano para mahuli siya. Hindi pwedeng magtagal pa ito. I need to act. I have to find evidence or I will find a way to get one. I can't just wait to get evidence, I have to act.

"Ayos ka lang?" hindi ko namalayan na lumapit pala si Greta sa akin.

Nag angat ako ng tingin sa kanya na nasa harapan ng counter. Tumayo ako at bahagyang ngumiti.

"Oo naman," sagot ko.

She nodded slowly and didn't ask any more questions. I know she wanted to ask why Marvino Agravante came to me but I also knew she didn't want to interfere in my life. Ayaw niyang makialam. Gusto niyang hintayin na ako na mismo ang magsabi sa kanya kung anong nangyayari.

"Tinatanong ni Ma'am Maureen kung nakabalik ka na daw ba. Pumunta ka daw sa opisina niya."

Tumango ako at naalalang alam nga pala ni Ma'am Maureen ang pagpunta ni Marvino Agravante rito at ang pakikipag usap niya sa akin. Syempre siya ang boss at kailangan may paalam sa kanya kung may isang taong gustong kumausap sa akin sa oras ng trabaho ko. I sighed and left the counter to go to Ma'am Maureen's office.

My heart is still heavy but I know I can do this. Alam kong lalabas rin ang totoo at makakasama ko na rin ang pamilya ko.

"Kinausap ka ni Marvino Agravante?" paunang tanong ni Ma'am Maureen pagkatapos akong batiin.

"Opo..."

"I don't know why so many like them are connected to you but I won't ask any more. You have a life of your own and I will not interfere. Ayos ka lang ba?"

Bahagya akong nagulat sa tanong ni Ma'am. Istrikto siya at hindi palangiti, akala ko wala siyang pakialam sa amin ni Greta. Kaya gulat ako ngayong tinatanong niya ako ng ganito.

"Gusto ko lang malaman kung ayos ka lang ba dahil mukhang matamlay ka ngayon," anya nang napansin ang pagtataka ko. "Kanina nakita kita at napansin ko namang ganado ka. Ngayon, pagkatapos mong makipag usap kay Marvino Agravante, ganito ka na. Did he do something bad to you?"

Mabilis akong umiling sa tanong niya. "W-Wala po siyang ginawang masama sa akin, Ma'am. Uh... may pinag usapan lang po kami."

Tumango siya. "Mabuti naman kung ganon. Nagtatrabaho kayo sa akin ni Greta kaya kapag may bumastos sainyo sa oras ng trabaho, sabihin niyo agad sa akin."

"Opo..."

"Sige na. Iyon lang. Bumalik ka na sa trabaho mo."

I nodded and politely said goodbye to her. Somehow I appreciate Ma'am Maureen's kindness. She's strict but she's not the type of boss who's bad and rude to her employees. I smiled a little because somehow I'm still lucky that there are people close to me like them, those who are willing to help me whenever I have a problem.

Pagod akong umuwi sa bahay pagkatapos ng trabaho. Nakatulog agad ako. Siguro dahil na rin sa lungkot na nararamdaman at sa dami ng iniisip.

I woke up the next day well and even though the sadness was still there, medyo sumigla na ako.

Door of Happiness (Agravante Series #1)Where stories live. Discover now