KABANATA 9

2.5K 70 2
                                    

Kabanata 9

Eat

--

"Oh? Bakit natagalan ka yata? At bakit busangot ang mukha mo dyan?" tanong ni Audrey nang nakarating ako sa cafeteria. Umupo ako sa harapan niya.

Humalukipkip ako at kunot noong tinignan ang mga Agravante. Siguro naiinis lang ako dahil sa babaeng iyon. Palagi naman akong naiinis sa kanya kaya siguro nga dahil lang sa kanya kaya ako nagkakaganito.

Nagtama ang tingin namin ni Louissa Agravante kaya mabilis akong nag iwas ng tingin. Baka mamaya nang dahil sa busangot kong mukha akalain niya pang tinitignan ko siya ng masama. Hindi ako takot sa kanya pero ayokong isipin nila na hindi ganon kagandahan ang ugali ko.

"Ayos ka lang? Anong nangyari?" sabay sulyap rin ni Audrey sa mga Agravante.

I took a deep breath and told her what happened. She listened carefully to me. I haven't bought my food yet but I can't feel hungry because I'm so annoyed. Paulit ulit na pumapasok sa isip ko ang paghawak ni Elizabeth sa braso ni Brandon para pigilan sa pagsunod sa akin. Hindi ko alam kung kay Elizabeth ba talaga ako naiinis o sa ginawa niya. O baka pareho.

But why would I be annoyed just because of that?

Tss. Stop it, Cassandra. You're just really annoyed because of that girl.

"Talaga? Bruha talaga yang babae na yan, noh?" umirap si Audrey. "Kaya masama na talaga ang pakiramdam ko dyan unang kita ko palang."

"Hayaan na natin. Bibili na ako ng pagkain ko," sabi ko sabay tayo para bumili na.

I don't want to think about what happened anymore. Iinisin ko lang ang sarili ko. It's better to just relax than to think about useless things.

Nang nakabalik ako sa table namin dala ang pagkain ko ay siyang pagpasok ni Elizabeth sa cafeteria. Busangot ang kanyang mukha at nagawa pa akong irapan habang naglalakad papunta sa table ng mga Agravante. Hindi ko nalang siya tinignan ulit at nagsimula na sa pagkain.

"Pero oo nga pala. Nakalimutan kong sabihin sayo!" si Audrey na nanlaki ang mga mata.

"Ano?" nagtataka akong nag angat ng tingin sa kanya.

"Usap usapan nga pala rito na matagal nang nililigawan ni Brandon Monteza si Elizabeth Agravante. Maraming kinikilig at sumusuporta sa kanila!"

Oh...

Pero wala naman akong pakialam. Umiling ako kay Audrey at nagpatuloy na sa pagkain. Nasulyapan ko ang panliliit ng mga mata niya sa akin kaya muli ko siyang tinignan.

"What?"

"Talaga bang wala kang pakialam?" nagdududa niyang tanong na may halong panunukso.

"I told you we're just friends, Audrey. It's not a big deal for me..." nagbaba ako ng tingin sa pagkain.

"Talaga ba?" ngayon may panunukso na talaga sa boses niya.

Matalim ko siyang tinignan. "Tumigil ka nga, Audrey. Wala akong pakialam sa kanila."

Humalakhak siya. "Okay, fine. Easy ka lang. Hindi na..." anya at nagpatuloy sa pagkain pero kita ko pa rin ang nanunuksong tingin.

Inirapan ko siya at hindi nalang siya pinansin. Bahala siyang mag isip ng kung ano ano. Basta ako wala talaga akong pakialam. Ano naman kasing magiging pakialam ko, diba? We're just friends. At kaibigan lang rin ang turing ko sa kanya.

Pero... matagal nang usap usapan na nililigawan niya si Elizabeth, huh? Kung ganon matagal na pala silang may gusto sa isa't isa? Good for them, then. Wala akong pakialam.

Door of Happiness (Agravante Series #1)Where stories live. Discover now