KABANATA 25

2.5K 70 18
                                    

Kabanata 25

Anak

--

Kahit papaano bahagya akong kinabahan na narinig ni Arjun ang lahat lahat. Hindi ito ang pinlano ko sa pagsasabi sa kanya. Hindi ko nga balak sabihin sa kanya sa ngayon kaya ngayong narinig niya na ang lahat, mapipilitan akong sabihin nalang.

"Arjun..."

Tinitigan niya ako, gulat pa rin ang mga mata. I sighed and slowly walked towards the sofa. Nanatili siya sa kinatatayuan niya pero ngayon medyo nakabawi na. He pointed to the gate where Amelia Mendez came out while looking at me.

"S-Sino iyon?" tanong niya.

I sighed again and showed him my sofa. "Umupo ka muna. Ipapaliwanag ko..."

Ilang sandali siyang tumitig sa akin pero sumunod rin naman kalaunan. Nagtungo ako sa mahaba kong sofa at umupo roon. Umupo rin siya sa sofa na nilahad ko. Mukhang siya lang naman yata ang nakarinig ng lahat ng pinag usapan namin ni Amelia. Mabuti naman dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung pati si tita Mia at tita Evelyn ay nalaman ito.

"T-Totoo ba iyon? Paanong... Cassandra," hindi niya alam ang sasabihin niya.

"Yes. It's true," deretsahan kong sinabi, ayaw nang mag alinlangan pa.

Hindi siya nakapag salita.

"Wala pa akong balak sabihin sayo ang tungkol roon pero ngayong narinig mo na, sa tingin ko kailangan ko nang magpaliwanag. Kaibigan kita at pinagkakatiwalaan. Sana makinig ka lang ng mabuti sa lahat..."

Hindi ulit siya nakapag salita. Halata pa rin ang gulat sa mga mata niya at bahagya ko ring nakita ang lito roon.

"Oo, tama ang narinig mo. Isa akong... Agravante..." I said it straightforwardly.

Umiling siya, hindi makapaniwala. "Paanong...?"

I explained everything to him. Like Audrey, I also showed him my mother's letter for me. Arjun is my friend and he also has the right to know this thing about me. Hindi ko lang inasahan na ngayon niya ito malalaman dahil hindi ko naman talaga pinaplano pang sabihin sa kanya.

Arjun couldn't believe everything I told him. Now that he knows everything, I feel a little better. Hindi ko na kailangan pang maglihim sa kanya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin agad? May nakaka alam ba nito bukod sa akin?" tanong niya.

"Si Audrey. She knows..."

Umiling siya. "Hindi ako makapaniwala, Cassandra. Agravante ka?"

Dahan dahan akong tumango. Umiling siya at hindi pa rin makapaniwala. Ilang sandali siyang natahimik hanggang sa nagsalita ulit.

"Kaya ba sa Georgina University ka nag aral? Dahil sa mga Agravante?"

"Yes..."

Hindi na naman siya nakapag salita.

"Naniniwala ka ba sa akin?" tanong ko, nakatitig sa kanya.

Nagkatinginan kami. Ilang sandali siyang hindi nagsalita kaya bumuntong hininga ako.

"Alam kong mahirap paniwalaan. Ikaw na ang bahala kung maniniwala ka sa akin o hindi. Sinasabi ko lang ang totoo. Narinig mo naman kanina ang mga sinabi ni Amelia Mendez. Siya ang may kagagawan ng lahat ng ito."

"At si Elizabeth Agravante ay anak niya? Hindi Agravante si Elizabeth?”

Tumango ako.

"Matagal na namin siyang kilala bilang Agravante. Peke lang pala siya?"

Door of Happiness (Agravante Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ