KABANATA 12

2.4K 61 10
                                    

Kabanata 12

Plan

--

Nanliit ang mga mata ko kay Audrey na kanina pa nagbubuntong hininga. Paulit ulit siyang bumubuntong hininga bawat subo niya ng matigas niyang tinapay. Nakanguso siya at nakabusangot. Maybe until now she still can't move on from what happened the other day. Well, I guess... ganito talaga iyon?

"Wag ka na ngang malungkot. Ang dami dami pa kayang lalaki sa mundo," hindi ko na napigilan.

Malakas ang hangin sa field. Hinahangin noon ang buhok ko papunta sa aking likod. Audrey's hair is in half ponytail so it doesn't bother her too much.

"Pero nag iisa lang siya sa mundo..." nakanguso niyang sambit.

Is this really how it affects you when you fall in love? Nakakatakot palang magkagusto. Parang ayoko nang i-try. But I don't think I would be like that when I liked someone and then I saw him with another girl. When that happens to me, I will just let him be with other girl because he's not my priority, but my education and family.

"Alam mo kasi ikaw, hindi mo pa nararanasang magkagusto. Kapag ikaw na-in love, magiging ganito ka rin," si Audrey.

Halos mandiri ako sa sinabi niya. Ako? Magiging ganyan? Busangot at nakanguso? No way. Hinding hindi ko gagawin ang ganyang mukha kapag nasaktan ako. Masyadong matayog ang pride ko, noh.

She groaned when she saw my face. "Nevermind! Sigurado namang mararanasan mo rin ito."

I smirked and continued with my food. Ang aga aga kumakain kami. Ni hindi pa nga kami nakakapag klase dahil sobrang aga pa. I already had breakfast but because Audrey wanted to emote, I gave in, I accompanied her to eat here.

Ngunit unti unting nawala ang ngisi ko nang may natanaw ako sa di kalayuan. Nandoon na naman sila sa isang batong table malapit sa amin. Nasa likod sila ni Audrey kaya lumagpas ang tingin ko kay Audrey. Parang tinambol na naman ang puso ko sa kaba at sa hindi maipaliwanag na nararamdaman.

Brandon's serious eyes immediately found my eyes. He was with his friends and Franz was also there but he was no longer with the girl Audrey was jealous of. Nakahinga ako ng maluwag roon. Pero bumalik ang kaba ko nang unti unti ay napalitan ng mapaglarong mukha ang seryosong mga mata ni Brandon.

Ngumisi siya sa akin. Kinunot ko ang aking noo dahil hindi ako makapaniwalang umaangat rin ang sulok ng labi ko. Nag iwas ako ng tingin sa kanya at nagbaba nalang ng tingin sa pagkain.

I still can't forget what we talked about last night. Pagkagising ko ay nasa tabi ko na ang cellphone, hindi ko namalayan na nakatulog ako habang nag uusap kami. Pero ang natatandaan ko ay nagpaalam na kami sa isa't isa non. Kaya ayos lang naman siguro na nakatulog ako, diba?

Siya kaya? Nakatulog din kaya siya agad?

"Cassandra!" I heard Arjun's voice.

Lumingon ako sa papalapit na si Arjun at bahagyang ngumiti. Doon ko naalala na sinabi ko nga pala kay Brandon na ngingiti na ako sa kanya kapag makikita ko siya. Kanina hindi ako ngumiti sa kanya! Kinabahan ako. Magtatampo na naman ba ang isang iyon?

"Hi," marahang bati ni Arjun kay Audrey.

"Hi," halos umirap si Audrey.

Of course she hates Arjun. Wala siyang dahilan roon. Minsan talaga napaka sama ng ugali ng babaeng ito. Kinaiinisan ang tao nang walang dahilan.

Nilingon ko si Brandon. Nakatingin pa rin siya sa akin pero wala nang ngisi sa kanyang labi. Seryoso na ulit siya ngayon. I tried to smile at him but he immediately tore his eyes off me. Nakita niyang ngumiti ako pero nag iwas siya ng tingin, hindi manlang natuwa na ngumiti na ako sa kanya. Akala ko ba iyon ang gusto niya? O baka ganito siya dahil hindi ko siya nginitian kanina?

Door of Happiness (Agravante Series #1)Where stories live. Discover now