Chapter 8

283 30 0
                                    

Ayon sa mga librong nababasa ko, there are feelings that fleets once its not reciprocated. And there are also feelings that stays regardless if it only receive pain in return.

Para sa isang katulad kong may mababaw na nararamdaman para sa isang tao, ayokong isipin at pakomplikahin pa ito. Perhaps, I'm acting this way because after years, nagkaroon na rin ako sa wakas ng panibagong magugustuhan. At hindi ito mabuti para sa akin. Falling for someone is an equivalent of pain. Ayokong nasasaktan ako. I always save myself from stress and possible things that might hurt me.

Naalala ko ang first love ko.

My childhood crush was actually Chiyo. Maybe, I was too young back then to even make my feelings valid that time compared now that I think, I already matured a lot. Masyado ko siyang hinahanagaan noon. He's perfect in my eyes, like those prince charming in disney movies, leading men in k-drama series and fictional boys from the novels I used to spend time reading.

I think his looks is just a bonus. Marami akong kalaro noon na talagang nagkaka-crush sa kanya. Sino ba namang hindi? He's smart, friendly, approachable, smiles often, kind, charming and all the greens I knew. He's also super kind to me to the point that I already start assuming that maybe, he has a crush on me too.

Matagal rin bago ko na realized na gano'n lang pala talaga siya sa lahat. He's the opposite of his twin, my best friend, Chino. Makulit, maloko, madaldal, maingay, mahilig sa asaran. Masarap siyang kasama dahil do'n at ramdam ko ring sobrang totoo siya sa akin. Hindi siya kagaya noong iba kong nakakalaro na hindi na ako pinapansin kapag nakahanap na sila ng ibang kaibigan.

Chino is different from others at siguro, kahit magkaroon pa ako ng iba pang kaibigan sa future, siya pa rin ang number one best friend ko. Ganoon din si Chiyo na habang tumatagal, growing up from my childhood days, nawala rin ang pagka-crush ko sa kanya. Natigil iyon hanggang sa makuntento na lang ako sa pagiging magkaibigan namin. Kaya naman iyong sinabi niya sa akin noong nakaraan na liligawan niya ako, sobra talaga akong na confused. Hindi ko alam kung ano ulit ang mararamdaman. Gulong-gulo ako. Bumabalik na naman sa isipan ko ang tanong na, ganito lang ba talaga siya sa lahat?

"Vienna! I told you to get my gown! Where is it now?"

Napairap ako sa kawalan nang marinig ang nakakarinding sigaw ni Hailee. Napahinto tuloy ako sa pag-iisip para lingunin siya.

"Saglit lang naman. Sa dami ng utos mo hindi ko na alam kung alin pa ang uunahin ko," mahinahong sagot ko.

Isang matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin habang tinitignan ako mula sa salamin. Naka-upo siya sa harap ng cabinet at nagrere-touch ulit ng mukha kahit pa kakatapos lang siyang ayusan ng make-up artist niya.

"You promised me na babawi ka sa akin. So, why are you complaining, huh?" asik niya.

Napabuntong-hininga ako. Inalis ko muna sa saksakan ang plantsa saka itinabi sa gilid. Inutos niya akong plantsahin kanina itong mga damit niya pagkatapos meron na namang kasunod. Hindi niya naman ito isusuot ngayon e. Halatang pinapahirapan lang ako.

Well, dapat akong magtiis dahil sa sarili kong kagagawan.

"Kukunin ko na," sabi ko.

Tanging pag-ikot lang ng kanyang mata ang tinugon niya sa akin kaya dumiretso na ako sa pinto para maglakad palabas ng kwarto niya.

Alas kwatro na ng hapon. Mamayang 7 pm pa ang start ng party ni Hailee, pero may mangilan-ngilan na silang bisita na sa tingin ko ay mga kamag-anak nila at mga malalapit na kaibigan. Halos buong araw na akong pa ikot-ikot sa mansion dahil sa mga utos niyang kung ano-ano. Kahit pa hindi importante, wala akong magawa kundi ang gawin. Namamawis na ako at hindi na ako nagkaroon pa ng oras para maligo.

Sway Along The Waves (Bellariva Series #1) Where stories live. Discover now