Chapter 33

188 4 0
                                    

"Pupunta kayong lahat sa graduation namin?"

Isa-isa kong tinignan ang nakahilerang sasakyan ng mga kapatid ko sa harap ng mansion. Kalalabas pa lang nila galing sa loob. Tanging si Emman na lang ang kulang sa kanila. Si Kier at ate Danielle ang pinakahuling lumabas na sinusuklay pa ang buhok ni Kiero.

"Of course. We need to be there."

Tumigil sa ere ang kamay ni Kenjie na akma sanang guguluhin ang buhok ko. My hair is styled in a spikey bun. Mahirap iyong ayusin, kaya hindi niya pwedeng guluhin.

"Two seats lang ang reserved sa mga parents. There are only four seats available for Emman and for me," I said, worrying that they'll only stand for the whole ceremony.

"Devin and Kier have their own seats on stage," sabi ni Kenjie habang ginugulo ang maayos niya pang necktie.

Umangat ang isang kilay ko. "Huh? Para sa mga guests speakers at faculties lang ang mga 'yon."

I heard Aries tsked. "They're one of the major sponsors every year of graduation at our school; that's why they have reserved seats."

Napatango-tango ako. Hindi naman na nakakagulat iyon. Sa pagkakaalam ko, marami talagang kung ano-anong event ang ini-sponsoran ng dalawa.

"Hindi ba sasama ang girlfriend mo, Kenjie?" Biglang singit na tanong naman ni ate Danielle.

"She's coming. Sasabay siya sa kapatid niya," simpleng sagot ni Kenjie.

Napunta ang atensyon ko kay Emman nang lumabas siya sa mansion. White long-sleeves at black slacks pa lang ang suot niya. Dumiretso agad siya sa sasakyan niya kaya sumunod ako.

"Bakit hindi mo pa sinusuot ang toga mo?" tanong ko.

"Sa school na," medyo naiiritang sagot niya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan sa passenger seat. Nakita kong nasa kani-kanyang sasakyan na rin nila ang mga kapatid ko. Gusto ko man sanang makipagkwentuhan kay Emman, pero dahil halatang wala siya sa mood ay tinigil ko na lang ang balak.

Sa malawak at malaking gymnasium ng school ang venue ng graduation. Marami-rami na ang mga tao nang makarating kami roon. Sinabihan ko ang mga kapatid kong maupo muna. Hindi sila pumayag sa gusto ko at nag-insists pang sasamahan na agad kami sa pila. Si Aries lang ang sumama kay ate Danielle para maghanap ng extra-seats.

Magkasunod kami ni Emman sa pila. I can't see the front view because he's ahead of me. Natatawa na lang ako habang pinapanood si Kean na ayusin ang pagkaka-suot sa kanya ng toga.

"Okay, na 'yan, Kuya. Mainit," naiinis nang saway ni Emman sa kapatid.

Parang bodyguard ang dating ni Kean at Devin sa magkabilang sides niya. Ganoon din si Kier at Kenjie sa tabi ko. I look so tiny in between them. Maliit pa rin ako kahit may heels na ang suot kong doll shoes.

"I'm so happy for you," bulong ni Kenjie sa akin. "Done with research life. Thesis next."

"Sus! Nakukuha mo nang magbiro ngayon, ah! Nagka-girlfriend ka lang, e," I teased him, which made him easily pissed.

Isang tikhim mula kay Kier ay agad kaming nanahimik.

Nagsasalita na ang host sa taas ng stage, hudyat na malapit nang mag-umpisa ang program. I looked around the crowded gym when I heard someone calling my name. Nang lumingon ako sa bandang gilid ni Kier, nakita kong nakatayo roon ang ngiting-ngiting si Chino. May hawak siyang DLSR sa isang kamay. Katabi niya si Tita Cheska.

Nagpaalam ako sa mga kapatid ko para puntahan sila. Ayaw pa sana akong paalisin ni Kier kung hindi niya lang nakitang si Tita Cheska na ang tumatawag sa akin. Sinamahan niya pa ako palapit sa kanila. Si Kenjie, naman ay naiwang nakikipagkwentuhan kay Devin.

"Good morning, ma'am," he greeted her. He shook hands with Tita Cheska, who was still in shock because of his sudden approach.

"U-uh, good morning, hijo." Tita greeted him back, then turned to me to give me a hug. "Vienna! I miss you, hija. Kailan ka ulit bibisita sa bahay?

Hindi ko nasagot si Tita nang unahan ako ni Chino sa pagsasalita. "Naku, Mama! Hindi na 'yan pupunta ng bahay. Tanong mo si Chiyo kung bakit," humalakhak siya nang malakas.

Sinamaan ko siya ng tingin na parang wala lang din naman sa kanya. Nang humiwalay sa akin si Tita, bumalik ulit ang atensyon ng mga mata niya kay Kier.

"Ito ba ang Kuya mong panganay? Ang ganda talaga ng lahi niyo," Tita Cheska giggled. She still has to looked up just to have a whole view of Kier.

"Thank you for your kind words, ma'am. Vienna told me good things about you. Thank you for treating her well," Kier said, and it really surprised me.

I smiled while looking at him, feeling so proud. When he caught me staring at him, his face went back to its normal poker face again.

"Picture tayo, Vienna! Mama, kuhanan mo kami ng litrato."

Hindi pa man nakaka-oo si Tita Cheska sa kanya ay iniabot niya na ang hawak na DSLR sa kanya. Sunod niya akong hinila para mag-pose kahit na kabilaan ang mga taong dumadaan sa harap at likod namin. Magka-akbay kami sa una naming pose. Bahagya pang nalukot ang toga ko dahil sa bigat ng braso ni Chino sa balikat ko. Sunod ay ang kalahating heart-shaped piece ng kamay namin na nakalagay sa pisngi.

Kaunti lang ang kuha sa amin ni Tita dahil isa-isa lang siya kung pumindot. Pagkatapos naming magpaalam sa kanila ay bumalik na kami sa kanina naming line ni Kier. I invite Tita Cheska and Chino to the banquet later in our mansion, but they declined since they have their own party at their house too. Tita Cheska is also inviting me to come over to their house, even for a moment, but I have chosen to refuse.

Nakapagdahilan pa tuloy ako ng ibang bagay para lang hindi makapunta. Ang totoo'y ayoko lang muna ng interaction kay Chiyo at Jhenia kung sakali mang nandoon ulit siya. Luckily, I have not seen them until now.

Bumalik ako sa focus nang mag-start na ang pagma-martsa. Si Devin ay nagrereklamo nang nangawit sa pagtayo. Sinabi ko naman kasi sa kanilang maupo na muna. Pagpanhik namin sa stage ay nagpaiwan na roon si Devin. Kagaya ng sinabi ni Aries, mayroon nga silang reserved na upuan ni Kier doon na may nameplate pa. Si Kier naman ay mas gustong tabihan si ate Danielle at Kiero sa baba.

"Vienna," tawag sa akin ni Emman pagkaupo. "Let's take a picture."

Huli na nang sabihin niya iyon sa akin dahil napindot niya na ang camera. He was already smirking at me when he showed me our picture. Nakasimangot ako roon at halata sa mukha ko ang gulat!

"Nakakainis ka naman. Isa pa!"

Inilingan niya ako, nakangisi pa rin. He then proceeds to tap something on his phone again. Nang silipin ko ang screen niya, nakita kong ka-chat niya si Reniel. Isinend niya lang pala sa kanya ang picture namin. Noo niya lang naman ang kita roon samantalang ako ay buong mukha.

A few speeches from school faculty, guests speakers, and students with highest honors were the opening remarks of the program. Kung akala ko'y malabo kong makita si Chiyo ngayong araw, nagkakamali pala ako. He's one of the highest honorees who delivered a speech in front. He's rank two from all the combined strands. Hindi ko maikakailang matalino talaga siya kahit noon pang nasa junior pa lang kami. I still feel proud of him because of that.

Nang tawagin ang pangalan ng rank one sa highest honor para sa delivery of speech, walang nagawa ang puso ko kundi ang malula habang pinapanood siyang seryosong umakyat sa stage. Yael Winston Le Roux. Ilang beses ko nang namemorya ang pangalang 'yan sa isip ko.

I become so attentive while listening to him. I admire how passionate he is with each word that comes out of his mouth. Walang hawak na kopya o kahit maging sa pananalita ay 'di halatang nagmemorya siya ng sasabihin.

"To my sister, my one and only support system, thank you for everything-for the support, for the love, and for believing in me. You're my biggest source of strength in this life. I love you always," was the last line of his speech.

Nang matapos siya, hindi na ako pumalakpak. Makahulugan na kasi ang tingin sa akin ni Emman, na kahit gaano pa kaliit na bagay ay agad pa ring napapansin.

The program for the ceremony is continuous. Pareho kaming kasali ni Emman sa awarding of high honors. Sulit na sulit ang mga kapatid ko sa picture-taking sa isang beses naming pag-akyat sa stage. Sa lahat ng graduates, kami ni Emman ang may pinakamadaming guardian na kasama.

Pagkatapos ng program ay dumiretso na kami ng uwi sa mansion. Naka-set up na sila ng decorations doon pagkarating namin. Ayos lang sana kahit simpleng dinner lang ang celebrations, pero hindi sanay sa ganoon ang mga Kuya kong mas pinili pang gumastos sa mas enggrande.

"This is your first time to celebrate your graduation with us. All your first times with us should be grand," Kier told me.

He even invited the board member to come over. Marami-rami ang mga bisita dahil maging si Aries; as usual, kahit hindi niya naman event, ay nag-iimbinta pa rin ng mga kaibigan at kakilala.

"Vienna? Vienna! Hi!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin pagkababa ko ng hagdan. Galing ako sa kwarto, nagbihis ng simpleng pulang dress bago man lang makihalo sa mga bisita. When I saw Ms. Beaves coming my way, I felt like I suddenly wanted to run back to my room. Siya at si Mrs. Morana ay nakalapit na sa akin bago ko pa man magawa ang naiisip ko.

"Hi! Congratulations on your graduation, hija." Bumeso sa akin ang nakangiting si Mrs. Morana. Medyo nakakagulat dahil mas nasanay na ata akong makita ang nakataas niyang kilay sa akin.

"You look surprised. Oh, c'mon!" Umirap si Ms. Beaves sa hangin. "It's not actually our intention to be so mean to you. Napag-utusan lang kami ng kapatid mo," pag-amin niya.

Sabay silang natawa sa sinabi ni Ms. Beaves. Ako naman ay naguguluhang nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanila.

"What do you mean, napag-utusan?" Kunot ang noong tanong ko, kahit ang totoo'y may idea na ako sa utak ko.

Ms. Beaves shrugged. "Well, Kier told us not to get easy on you. He told us it was for you to learn, so we agreed."

"Bilib ako sayo, hija. Hindi ka agad-agad sumusuko. You're not letting the opinions of other people around you affect your work. Aside from Mr. Chairman, I also want to work under your leadership. You're great, and your ideas are great," Mrs. Morana says.

I was out of words for how should I respond to them. Sa buong oras ng pag-uusap namin, halos tango o iling lang ang naisasagot ko sa kanila. I didn't expect how nice they really are. Bukod sa kanilang dalawa, nakausap ko rin ang iba pang member ng board. They all keep telling me the same thing as what Ms. Beaves and Mrs. Morana say. Gustong-gusto ko na tuloy komprontahin si Kier tungkol sa bagay na iyon.

Nag-enjoy ako sa pakikihalubilo sa mga bisita. Masyadong maingay ang mga kaibigan ni Aries. Sinabihan siya ni Nanay Isidora na ihiwalay na lang ang party nila sa backyard para hindi magulo ang ibang bisita.

Nang mapagod ako sa paglilibot, napagpasyahan kong bumalik na sa kwarto. I took a shower again before changing my clothes. Ten pm na nang maka-uwi lahat ng mga bisita, sabi sa akin ni Nanay Isidora, nang akyatin niya ako sa kwarto para hatidan ng gatas. Nagbabasa ako ng libro kaya hindi pa ako nakakatulog.

"Nakapagligpit na po ba kayo? Tulungan ko muna kayo ro'n," presinta ko sa kanya.

Nakakunot na ang noo sa akin ni Nanay nang ilingan niya ako. Inayos niya ang kumot na nakatabon sa paa ko hanggang hita. Pagkatapos ay kinuha na ang librong hawak ko.

"Bukas na ang mga iyon. Nasa baba pa si Azzeneth, kasama ang kapatid niya. Hindi pa kami makakapagligpit," aniya. "Mabuti pa, matulog ka na. Masyado kang madaming inaalala, Senyorita."

"Pagod ka na. Dapat magpahinga ka na rin po," ngumuso ako.

Nanay Isidora let out a small laugh. "Anong oras ba ang flight mo bukas? Sasama akong maghatid sayo sa airport," pag-iiba niya sa usapan.

"Bukas pa po nang hapon. May lakad pa kami ni Chino nang umaga. Hiwalay kasi ang celebration namin kanina ng graduation. Magtatampo iyon kapag umalis ako na hindi namin nasusulit ang pagbo-bonding."

"Gano'n ba? Dapat matulog ka na para maaga kang magising bukas," striktang sabi niya.

Matapos niyang pasadahan ng mga daliri ang buhok ko ay pinatay niya na ang ilaw. Tanging ang lampshade lang sa gilid ng kama ko ang naiwang bukas. Nanay Isidora went out to my room after making sure that I was already asleep. Bago ako nakatulog ay nakita ko pang chini-check niya pa ulit isa-isa ang mga bagaheng dadalhin ko bukas.

Akala ko nga ay made-delay pa ang flight ko. I found out that Kier is just testing me. He's still not fully convinced about my leaving, but he has no choice. Naipasa ko na sa kanya ang proposal ko sa Bellariva. He'll handle it for me. Kahit papa'no, nakaka-enjoy din ang pagta-trabaho roon.

After the board meeting where I presented my proposal, sinabi sa akin ni Devin na ang stock na binenta ni Kier ay siya rin ang bumili. He bought it and named it after me, which means I now have a part in the company. Talagang mas pinili pa ng isang 'yon na pahirapan ako sa bagay na wala naman pala dapat pino-problema.

"Update mo ko kapag may isa pa kayong kapatid na nawawala. Baka ako na'yon."

Patuloy si Chino sa pagbibiro nang sumama siya sa mga kapatid ko sa paghatid sa akin sa airport. Pinapatulan ko ang bawat biro niya para takpan ang namumuo sa dibdib kong pagka-miss sa kanila kahit hindi pa naman ako tuluyang nakakaalis.

"Hindi ka naman namin kamukha." Inirapan ko siya.

Dala-dala ni Gregoire ang dalawang maleta ko papasok sa loob ng airport. Walang nagsasalita sa mga kapatid ko. Si Nanay Isidora naman ay walang tigil sa pagpapaalala sa akin ng mga bagay-bagay lalo na sa tamang oras ko ng pagkain.

"Good afternoon, passengers. This is the pre-boarding announcement for flight 08A to Sydney, Australia. We are now inviting the passengers to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Flight will begin in approximately fifteen minutes' time. Thank you."

Niyakap ako ni Nanay nang marinig ang announcement na iyon. Agad niya akong pinakawalan para bigyan ng daan ang mga kapatid kong hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita. Ako na ang nagkusang lumapit sa kanila isa-isa para yumakap.

"I will miss you, guys!" Napanguso ako, pilit nagpipigil ng luha.

"You wanted so bad to leave. Ngayon, naiiyak ka?" Devin pinched my cheeks when he said that.

Hindi ko siya sinagot. Humiwalay ako sa kanya para yumakap naman kay Emman. He didn't hug me back though. Ang parehong kamay niya ay nanatiling nakapamulsa.

"Stop the drama, Vienna," iritadong aniya, pero hindi naman makatingin sa akin nang diretso.

"'Wag ka na ngang masungit!" Ginaya ko ang iritadong tono niya.

"Make sure to come home every holiday." Sunod akong niyakap ni Kean.

Aries joined him too. "C'mmon, guys! Let's not be so emotional here. Ang lapit lang ng Australia."

"Take care of yourself there," Kenjie said.

"You're still not allowed to get a boyfriend, okay?" hirit naman ni Devin.

I nodded at him, assuring them that I would be back here in the Philippines again, still single.

Pinakahuli kong nilapitan si Kier. I hugged him the moment I got close to him.

"Gregoire will accompany you to the apartment where you will live. I just want to make sure that you'll arrive there safely. Babalik din siya rito pagkatapos kang ihatid," aniya.

I ignored it. "I will miss you, Kuya," I said instead.

He didn't reply to that. Dalawang beses ang mahinang pagtapik niya sa balikat ko bago siya humiwalay sa akin. I was already tearing up when I went to Chino to hug him.

"Mami-miss kita!" I sobbed on his shoulder.

"Ako rin, men, pero kagustuhan mo 'yan kaya magtiis ka." Nakuha niya pa talaga akong biruin.

"Tara na, Senyorita. Maiiwan na tayo ng eroplano," tawag sa akin ni Gregoire. Kinailangan niya pa akong hilain palayo sa mga kapatid ko para sumunod ako sa kanya. "Tara na," ulit niya nang umakma pa akong babalik.

Sway Along The Waves (Bellariva Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon