Prologue

630 50 4
                                    

Prologue
 
We live only to survive. Surviving is hard, especially when you always feel like you are losing every time and failing at everything you try.
 
My life has been a long roller coaster ride. Nakakapagod at nakakahilo ang takbo. Hindi ko alam kung saan papunta o kung saan ba ang totoong destinasyon. Hindi na rin ako sigurado sa sarili ko kung kakayanin ko pa ba 'to hanggang dulo. Hindi ko alam kung kailangan pa ba talagang lumaban ng pusong pagod na, ng pusong sobra ng nasaktan, ng pusong wala ng pag-asa.
 
Tumingin ako sa madilim na kalsada pagkalabas ko ng bahay. Gabi na at wala ng mga taong nakatambay sa labas. Marahas kong pinunasan ang luha sa aking pisngi habang habol ko ang paghinga.
 
Bumalik sa isip ko ang mga naging sagutan namin ni Mama kanina lang. Nandoon pa rin siya sa loob, kasama ang mga taong iyon. Alam kong hindi dapat ganoon ang naging asta ko, pero sadyang hindi ko maitago ang inis na kinikimkim ko sa dibdib. Wala akong masisi dahil hindi ko mapuna kung sino ba talaga ang nagkamali. Hindi ko matanggap ang mga impormasyong nalaman ko at sa tingin ko, matagal pa ang aabutin bago ko magawang i-proseso sa utak ko ang lahat ng iyon.
 
"Vienna! Anak!" Rinig ko ang pagtawag sa akin ni Mama kasabay ng mga yabag niya papalapit sa akin.
 
Hindi ako lumingon. Wala sa sarili akong naglakad palayo kahit pa alam kong wala na akong lugar na pwede pang mapuntahan sa ganitong oras.
 
"Vienna, saan ka pupunta? Mag-usap tayo. Kausapin mo ako, anak—"
 
"Pabayaan niyo na muna ako, Ma!" putol ko sa sinasabi niya.
 
Hindi ko nakikita ang reaksyon niya ngayon, pero alam kong umiiyak din siya kagaya ko. Kung noon, hindi ko matagalan ang pagtatalo namin, ngayon ay parang mas lumamang ang galit at pride sa puso ko. Gusto ko lang munang mapag-isa. Iyon lang, sana kahit iyon lang ay ibigay niya muna sa akin.
 
"Vienna!" Ang boses ni Mama na halos pumiyok na.
 
Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad. Ilang saglit pa bago ako may narinig na mas mabibigat pang yabag. Isang braso ang marahas na humigit pabalik sa akin. Mas lalo lang tuloy tumindi ang inis na nararamdaman ko.
 
Matalim na tingin ang ibinato ko kay Emman na mahigpit ang hawak sa akin. Halatang walang balak na pakawalan pa ako.
 
"Where do you think you're going? Paano kung may mangyari pa sa'yo riyan?" Pagalit na tanong niya.
 
"Shut up! Hindi mo kasi alam ang nararamdaman ko! Pabayaan niyo na muna ako. Please lang!" Parang hindi niya narinig ang sinabi ko dahil nag-umpisa na itong hatakin ako pabalik. Kinabahan ako dahil alam ko na ang susunod na mangyayari kapag bumalik pa ako roon. "Ano ba, Emman?!"
 
Sinubukan kong kumawala, pero wala man lang nagawa ang pagpupumiglas ko. Sabay kaming napahinto nang lumapit na sa akin si Mama, umiiyak. Sa likod niya ay sina Aries at ang iba pa na hindi ko man lang magawang salubungin ng tingin. Nakita kong may isinenyas si Kier kay Emman. Bumitiw siya sa akin dahil do'n, pero nanatili pa ring nakatayo sa gilid ko. Siguro ay para mabigyan kami ni Mama ng pagkakataon para makapag-usap pa nang maayos.
 
Nagbaba ako ng tingin. Gusto ko mang pigilan ang sariling maging mas emosyonal, hindi ko naman magawa. Nagkukusa ang mga luha ko sa paglabas. Ngayon, naiintindihan ko na ang mga ulap. Kapag masyado na itong mabigat, doon nito binubuhos ang ulan.
 
"Vienna, intindihin mo naman si mama. Mahirap din sakin 'to at alam kong mas mahirap sa'yo. Itinago ko ito para sa kapakanan mo, Anak. Kung ano man ang mga kasalanang nagawa ko noon, wala akong naging pagsisisi dahil ikaw naman ang kapalit. Sa'yo umikot ang mundo ko sa mga nakalipas na taon. Lahat ng oras ko, pagmamahal ko, sa'yo lahat. Kaya sana naman—"
 
"Ma, pa ulit-ulit ka na lang! Kanina mo pa sinasabi 'yan! Pa ulit-ulit ko nang naririnig! Tama na! Tama na po! Gusto ko munang mapag-isa! Ayoko nang makarinig ng kahit ano!"
 
Nanlaki ang mata ni Mama sa pagkabigla. Siguro dahil na rin sa taas ng tono ko. Sinubukan niyang kunin ang braso ko, pero umatras ako ng isang hakbang palayo sa kanya. Napailing ako. Pinanood ko kung paano dumaan ang sakit sa kanyang mukha habang tinitignan ako.
 
Kung mag-uusap ulit kami, hindi na ganoong mga salita ang gusto kong marinig mula sa kanya.
 
"Sorry, Ma." Halos pabulong na lang ang tono ko.
 
Tumalikod ako nang walang sinusulyapan pa sa kanila. Tumingin ako sa kabilang side ng kalsada. Mabilis akong tumawid papunta roon.
 
"Vienna!" tawag sa akin ni Mama.
 
Para bang nawalan na ako ng pakialam sa paligid at mas umiral sa akin ang kagustuhang makalayo lang doon. Rinig ko pa ang malakas na sigaw ni Emman sa pangalan ko kasunod ng isang nakakabinging tunog ng sasakyan na siyang nakapagpahinto sa akin.
 
Bumalik ang paningin ko sa direksyon kung nasaan kami kanina. Halos manghina ako sa sunod kong nakita. Humaharurot ang itim na van na papunta na ngayon sa gawi ko. Para akong na estatwa, hindi ko magawang gumalaw sa kinatatayuan. Nanatili ang mata ko kay Mama na nakahandusay na ngayon sa malamig na sahig ng kalsada.
 
Hindi ko alam ang unang gagawin dahil mas nataranta ako sa dami ng dugong nakapaligid sa kanya.
 
"Vienna!" Sabay-sabay ang naging pagtawag nila sa akin.
 
Napapikit na lamang ako habang hinihintay ang itim na van na bumangga sa akin, pero sa halip na iyon ay isang braso ang naramdaman kong pumalibot sa katawan ko kasabay nang pag gulong namin sa kabilang bahagi ng kalsada Magkabilaang palitan ng putok ng baril ang sumunod.
 
Dumadagundong ang kaba sa dibdib ko. Wala na akong maintindihan pa sa nangyayari sa paligid. Ilang saglit pa bago iyon tuluyang humupa.
 
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Una kong nakita si Devin na mahigpit ang yakap sa akin. Dumako ang tingin ko sa braso niya nang mapansing may dugong dumadaloy mula roon, parang tama ng baril.
 
"M-May sugat ka..." nag-aalalang sabi ko.
 
Wala sa sarili siyang napatingin doon na para bang hindi pa iyon napansin kung hindi ko sinabi.
 
"That's nothing; don't mind me. Are you hurt?" tanong niya habang sinisiyasat ang katawan ko nang mabuti kung may natamo ba akong kahit na ano.
 
Sunod namang nagsilapitan sa akin ang iba na parehong nag-aalala rin. Doon lang ulit bumalik sa isip ko si Mama. Mabilis siyang hinanap ng mata ko. Nakita kong buhat-buhat na siya ni Kier na nagmamadaling pumunta sa kanyang sasakyan.
 
"Kean! Open the fucking door!" tawag niya sa kapatid na nakadalo sa akin.
 
Tinignan muna ako nito bago sumunod sa kanya. Tinulungan naman ako ni Devin na tumayo nang mapansing gusto kong lumapit sa kanila. Naglakad ako palapit saka sumunod na sumakay sa backseat ng sasakyan kung nasaan si Mama. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita kung gaano na siya kahirap sa paghinga.
 
"Mama!" Napahagulgol ako sa iyak.
 
Hinawakan ko ang isang kamay niya. Naramdaman ko ang marahang pagpisil niya roon. Hinahalikan ko siya sa noo. Nakapatong ang ulo niya sa hita ko.
 
"Ma..." Ang nanghihinang boses ni Kier dahilan nang pag-angat ng tingin ko sa kanya.
 
Sa ganoong sitwasyon ay nagawa ko pa ring magulat. I already know the truth, but it's still strange for me to hear other people calling her that way.
 
"I'll take you to the hospital, Ma," dagdag niya pa.
 
Hindi pinansin ni Mama ang sinabi niya. Mas ako pa ang tinuunan niya ng pansin na pilit inaabot ang mukha ko gamit ang kamay niyang hinang-hina na.
 
"M-Mahal n-na... M-mahal k-kita, V-Vienna..." Halos hindi na iyon umabot pa sa pandinig ko. Ramdam ko ang kanyang pagod sa bawat salita. Gusto ko siyang patigilin, pero may parte sa aking gusto pang marinig ang ano mang sasabihin niya. "I-Ikaw a-ang... B-buhay k-ko... A-anak."
 
Napahikbi ako sa narinig. Malakas akong napahagulgol nang matapos buong hirap na ilabas ang mga salitang iyon ay unti-unting bumagsak ang kamay ni Mama. Naiwang dilat ang mga mata niya. I could feel her tiredness in the way she huffed her last breath. Iyong tipong gusto pang lumaban, pero wala na. Tumigil ako sa paghikbi para balingan si Kier na pumasok sa driver's seat.
 
"W-Wala na siya... W-wala na si Mama."
 
Tinignan niya ako mula sa rearview mirror ng sasakyan. Pagod din ang kanyang mga matang napapikit na lang sa frustrasyon.

Sway Along The Waves (Bellariva Series #1) जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें