Chapter 24

248 30 0
                                    

Hapon nang dalawin ako nina Ramiel at Torren. May mga dala silang prutas at kung ano-ano. Hindi pumasok si Emman ngayon para bantayan ako. Mabuti dahil napadaan dito ang dalawa.
 
"May masakit ba sayo? Or do you still feel numb?" Torren keeps checking on me. 
 
May sarili kaming mundo ritong dalawa. Si Emman ay nakaidlip na sa couch habang si Ramiel naman ay nagku-kunwaring walang pakialam, pero alam kong nakikinig pa rin sa usapan namin.
 
"I'm fine now," sagot ko kay Torren.
 
Ikunwento ko sa kanya ang mga naaalala kong nangyari bago ako mawalan ng malay sa aksidente. He's eager to listen, so I didn't have a hard time telling him the story. He's worried; I could feel it. Pagkatapos kong mag-kwento, naging sunod-sunod na ang mga tanong niya sa akin. Hindi mapakali at madalas nauulit na ang mga tinatanong. 
 
"You should rest more, alright? I'll drop by here every day to check on you," he said.
 
Umiling ako sa kanya. I let out a small laugh so he'll know, it's not necessary anymore.
 
"There's no need to do that. Nariyan ang mga kapatid ko para sa akin," sabi ko.
 
The eagerness on Torren's face didn't change. Mas nadagdagan lang iyon dahil sa naging sagot ko sa kanya. He didn't mind it though. He went back again after asking so many questions. I just let him do that. It was actually a favor to me that he kept me entertained, even just for a while. I've been staying in this room for quite a long time now. Kung hindi lang dahil sa kagustuhan ng mga kapatid ko, kahit ngayon na sana ay mas gugustuhin kong sa mansion na magpahinga. 
 
"Kailan daw siya magigising?" Tanong ko habang titig sa kapatid kong wala pa ring malay hanggang ngayon.
 
The peacefulness on Kenjie's face worries me. It's like he's already going to sleep forever. The hard structure of his face looks so soft now. His always-knitted brows are now in a calm, thin line. How I miss his snobbish and frowning face. 
 
"I wished him to wake up now."
 
"He'll wake up anytime soon. Don't stress yourself too much for thinking about him," Devin says. 
 
Lumapit siya sa akin. Isang halik ang iniwan niya sa tuktok ng ulo ko. He patted my head slightly, and then he turned my wheelchair where I was sitting. Ibinalik niya ako sa kwarto ko para makapagpahinga na. Our men were in every corner outside of our rooms. Ang seguridad ay masyadong mahigpit. Walang ibang tao ang buong palapag kung saan ang kwarto namin ni Kenjie. Kier did that to make sure of our safety because he's not always around and was also busy running his other errands.
 
Wala ng pahinga si Kier sa sobrang dami niyang ginagawa. Galing sa trabaho ay dadaan pa siya rito sa hospital para sa amin. He sometimes exchanged schedules with Devin too, just to watch over me. Hindi ko alam kung may oras pa ba siya para kay ate Danielle at Kiero.
 
Tingin ko, mas lalo ko pa ata siyang na-stress pag-uwi ko sa aming mansion. Nakauwi na ako habang si Kenjie ay nanatili pa rin sa hospital. Binabantayan ni Devin at Aries dahil hindi pa nagagising.
 
I was already on the verge of crying when I looked at Kier. He's standing in front of me, arms folded in front of his chest. Bukas ang dalawang unang butones ng suot niyang puting long sleeves na ngayon ay nagusot na. He's fresh from work. Alam kong pagod pa kaya ayokong mas lalong galitin. Hindi ko lang talaga matiis na 'di sumagot ngayon.
 
"Kier, ayokong dito lang ako. I won't learn a thing if I stuck myself here!"
 
He frustratedly closed his eyes. He looks so annoyed at me. He lightly massaged the bridge of his nose before turning to me again. 
 
"I'll get the best tutors in the country or even tutors from abroad so they can teach you. You'll learn from there," sabi niya na para bang wala na akong magagawa pa roon. "You're not allowed to leave this house. I'm making sure all eyes are focused on you from now on. I can't let you out of my sight. If you want to go shopping, I'll bring the mall here. If you want to see your friends, I'll go see them for you."
 
"Kier! Hindi na mauulit ang aksidenteng 'yon! Mahigpit na ang security ko!" Sinubukan ko pa siyang pilitin. 
 
Tumayo ako para lapitan siya. Tinalikuran niya naman ako para layuan. Nagpapapadyak na ako sa inis, maluha-luha pa ang mata. 
 
"You'll be homeschooled. That's the best thing for now. 'Wag nang matigas ang ulo mo, Vienna." 
 
The last words of his sentence sounds more serious and dangerous than the previous ones. Natahimik agad ako roon. Nagpalitan kami nang matalim na tinginan sa isa't isa. It only ended when the door of my room suddenly opened. Emman entered from it looking completely confused to the two of us. Nakakunot din ang noo niya nang ipagkrus ang parehong braso. He leaned on my door after.
 
"Kuya, tinatawag ka na ni ate Danielle sa baba," saad niya. 
 
Hindi siya nilingon ni Kier. Instead, he went closer to me. I let him kiss the top of my forehead despite my anger. 
 
"Go to sleep now," utos niya bago pa man tuluyang lisanin ang kwarto ko. 
 
Pagod akong umupo sa kama nang mawala na siya. I sighed as I looked at Emman, who's still standing on my door. Umalis siya sa pagkakasandal doon para lapitan ako. Pumamulsa siya ng tayo sa harap ko, magkasalubong ang parehong kilay na para bang hirap na hirap akong basahin. Looking up at him right now feels like battling in a staring contest with another version of Kier. 
 
"Gawin mo lang muna kung ano ang gusto niya sa ngayon. He'll eventually give in to your wants. Nag-aalala lang iyon kaya naghihigpit," pang-aalo niya sa akin.
 
I only pouted my lips as a response. Pinunasan ko ang luhang naglandas sa pisngi ko. Emman sighed when he heard nothing from me. 
 
"You should go to sleep now and rest. I'll try to talk to him."
 
Kahit pa ganoon ang huling sinabi ni Emman bago niya ako iniwan sa kwarto ko, hindi pa rin ako nakampante. I know how firm Kier is when it comes to making a decision. Walang nagagawa ang kahit na sino. Only Danielle is his exception, but I don't think she could help me. She also agreed with what my brother wants for my safety.
 
Naiintindihan ko naman kung bakit niya ito ginagawa. Kenjie's still in his hospital bed. We don't know when those gunmen will appear again. Wala man lang akong alam tungkol sa bagay na iyon. Gusto ko mang mangalap ng impormasyon, wala naman akong mapagtanungan. 
 
Aries is the only one who tells me a few things. Curious ako kung may kinalaman ba ang mga taong iyon sa nangyaring barilan noong gabing nasagasaan si mama. Aries told me he's unsure, but my brothers already have a hint that the incident that happened recently to us is connected to it. 
 
I've known a little bit about what happened to my real parents before. That car crash that put them to death—I think it was all connected to what's happening right now. Pero ang alam ko, lahat ng taong may kinalaman sa nangyaring iyon noon ay wala na. Kier has already worked to erase them all.
 
"Senyorita, magaganda ang mga bulaklak ngayon sa hardin. Panahon na ng pamimitas. Gusto mo bang sumama?" 
 
Nabuhayan ako ng dugo sa pagyayaya sa akin ni Alyssa na lumabas. Nawala rin naman agad ang excitement ko nang ma-realized na hindi pa rin ako palalabasin ng mga bantay ko. My brothers aren't here, but our men are everywhere, eyeing all my actions, no matter how small they are. Bawat galaw ko ay nire-report agad kay Kier. Kahit ata ang pagsubo ko ng pagkain o ang simpleng paghikab ay alam niya kung gaano katagal at kung anong eksaktong oras.
 
"Doon ba sa malayong hardin?" tinatamad na tanong ko kay Alyssa.
 
She beamed excitedly at me. Though we're only the same age, I can't help but still think of her as someone who is younger than me. Someone like a younger sister. Sa kilos niya, ngiti at maging sa pananalita, she looks really young, carefree, and innocent. 
 
"Ikaw na lang ang pumunta. Bawal akong lumabas. Hatidan mo ako rito ng mga bulaklak," sabi ko.
 
Inilingan niya ako. I was continuously tapping my pen on my table when she suddenly leaned closer to me to whisper. Para bang napakakonpidensyal ng sasabihin niya para maging ganoon pa kami kalapit. We're here in my room, which was the only place that my bodyguards were not allowed to go in. 'Di na kailangang magbulungan pa.
 
"Si Nanay Isidora ang bahala, Senyorita," bulong niya.
 
Nag-angat ako ng isang kilay. Alyssa didn't allow me to say anything anymore. Hinila niya ako patayo. Hinayaan kong magsabay kami sa paglalakad palabas. Nang makita ang mga tauhan naming papalapit ay agad niya akong binitiwan. Si Gregoire na mariin ang titig sa akin ay siyang unang lumapit. 
 
"Saan ka pupunta?" tanong niya.
 
I sighed. "Gregoire, 'wag mo naman akong ituring na preso dito. Lalabas lang ako sa garden. Marami kayo para bantayan ako kaya ayos lang."
 
"Darating na ang sunod mong tutor maya-maya lang," sabi niya.
 
Ngumuso si Alyssa sa tabi ko. Ang iba naming mga tauhan ay naging alerto na rin. Para namang kaya kong lumaban sa ganyan kadami?
 
"Saglit lang kaming mamimitas ng mga bulaklak. Babalik din si Vienna rito agad."
 
Ang pagsulpot ni Nay Isidora sa likod ni Gregoire ang nagligtas sa amin. Sa likod niya ay ang dalawa pa naming kasambahay. Gumilid si Gregoire para bigyan ng daan si Nay Isidora palapit sa akin. They exchanged glances for a minute before Gregoire took a deep breath as if he got defeated by Nay Isidora's intimidating gaze. 
 
"Sasama naman kayo. H'wag kang paranoid, Greg. Hayaan mong makalanghap naman ng sariwang hangin ang bata," striktang dagdag pa ni Nay Isidora.
 
Gregoire just simply nodded at her. I saw how Alyssa giggled while looking at the two. Kumunot ang noo ko. I feel like there's something between them that I don't get.
 
Nagtungo kami sa likod ng mansion; kasama pa rin ang mga tauhan naming nagbabantay sa akin. Our backyard is the only way to the farthest garden of our mansion, where our prettiest flowers bloom. Mahabang pathway ang nilakad namin bago kami nakarating sa dulo. Matatayog ang mga puno ng narra at acacia, kaya hindi gano'n kainit. It's afternoon, so the heat brought by the setting sun is no longer that hot.
 
Napangiti ako nang matanaw ang malawak na hardin namin ng mga bulaklak. Iba't ibang kulay ng roses, tulips, lilies, and daisies maging ng sunflowers ang naroon. The fragrant breeze hit my face as soon as I ran towards the flowers. Ang suot kong floral na bestida ay bumabagay sa kulay ng mga bulaklak. Nag-umpisa akong mamitas ng pulang rosas. Agad na lumapit sa akin si Alyssa na siyang may dala ng basket na lalagyan.
 
"Mag-ingat ka sa pamimitas ng mga bulaklak, Senyorita. Baka po matinik kayo lalo na niyang mga rosas," paalala sa akin ni Alyssa.
 
"Hindi na ako mamimitas. Magtitingin-tingin na lang ako," sabi ko.
 
Sumunod ako kay Nay Isidora na pinipili pa ang mga bulaklak na kukunin, kahit pare-pareho lang naman halos ang mga iyon. Naiiba lang sa mga kulay. Nay Isidora turned to look at me when she seemed to notice my closer presence. Bumalik din siya sa ginagawa nang makitang nanonood ako.
 
"Pag-aari ng mommy mo dati ang hardin na ito. Hilig ni Victorina ang magtanim ng kung ano-ano. Noong mamatay siya, napabayaan ito at naabanduna. Namatay ang mga halaman at mga bulaklak na inaalagaan niya," pagku-kwento niya sa akin. 
 
Nay Isidora's eyes look sad. Para siyang nagku-kwento ng mga hinanakit niya. She picked up a stem of a pink tulip, then stopped. Matagal ang naging pagtitig niya roon. She scanned the prettily pink tulips before looking at me with bereavement in her eyes. 
 
"Kuhang-kuha mo ang mga ngiti niya, ang pagkunot ng noo sa tuwing siya'y naiinis, at ang paghalaklak kapag natutuwa. Napakabuti niya sa akin at palagi ko iyong maaalala. Senyorita, ang pagsisilbi sa inyong magkakapatid ang tangi kong magagawa para sa matalik kong kaibigan."
 
I remained silent while listening to her. I saw how her tears formed in the corners of her eyes. Mabilis akong nahawaan ng pagiging emosyonal niya. Luckily, our men are a bit far behind us, so we have our privacy here. 
 
"Si Danielle ang muling bumuhay ng hardin na ito. Noong iwan niya noon si Kier, ako na ang nag-alaga nito. Araw-araw kong dinidilig hanggang sa mas lumago," she sighed.
 
Ngumiti ako kay Nay Isidora. I went closer to her to give her a hug. Mukhang nagulat pa siya sa ginawa ko noong una, pero nagpa-ubaya rin kalaunan. Perhaps the death of my parents made her feel lonely for the past years. At least now that I'm here, I can give her some comfort.
 
Nagpatuloy kami sa pamimitas ng mga bulaklak. Nang matapos, nagtagal pa kami para kumain. Our garden has man-made falls and a long swimming pool where the water from the falls flows. Sa dulong bahagi ng pool ay may patio. Set ng couch ang naroon. We spent an hour there to rest. Madilim na ang paligid nang mapagpasyahan naming bumalik sa mansion. Hindi ko na naaalala pa ang tutor kong ilang oras pa lang naghintay sa akin.
 
I had a lot of fun, though. I just felt a little guilt that I made my tutor wait for so long. 
 
Gabi nang magsabay-sabay kami sa hapagkainan. It was awkward since no one was talking at the table. Ate Danielle, and Kiero wasn't here. They'll spend the night with ate Danielle's mother; that's why. Isang tikhim ang narinig ko mula kay Kier. Pangatlong ulit niya na ata iyon. 'Di ko alam kung nasasamid ba siya o sinasadya lang para makakuha ng atensyon.
 
"How were your classes earlier?" Pagbubukas niya ng usapan.
 
Ibinalik ko ang mata sa pagkain. I could feel all their eyes darting at me, like my answers were something they really needed to hear. 
 
"It was okay. The tutors were good. I learned a lot," I answered. 
 
Although I'm not even trying to sound sarcastic, it still comes off that way. Mukhang hindi naman iyon napansin ni Kier. He didn't say anything again, making the silence grow louder until Devin broke it off with a news.
 
"Kenjie has finally regained his consciousness," he started. "Naiwan si Aries doon para magbantay. Baka bukas ay uuwi na iyon. Azzeneth's hearing will be held the day after tomorrow, so he'll be in a rush."
 
"How is he? Okay, na ba siya? Gusto kong pumunta ro'n."
 
"Gabi na, Vienna. Uuwi na rin siya rito bukas." Devin shook his head at me with finalization on his face. 
 
Bukod sa kanya, wala naman na akong ibang mahihingian pa ng tulong. Nagbaba ako ng tingin saka ngumuso.
 
"Stop frowning. Sumama ka kapag sinundo si Kenjie bukas," Kier said.
 
My face lit up when I heard that. Umismid si Kier nang makita ang tuwa sa mukha ko. Hindi ko maitago ang malawak na ngiti sa mukha ngayong mukhang nagsisimula na siyang luwagan ako ulit.
 
"You'll have your bodyguards with you. Hindi ka pwedeng mawala sa paningin nila," dagdag na bilin niya.
 
 

Sway Along The Waves (Bellariva Series #1) Where stories live. Discover now