Chapter 13

270 30 0
                                    

Hindi ako nakapasok kinabukasan dahil sa kagustuhan na rin ni mama. Nagagalit siya sa nangyari sa akin. Kahapon, noong hinatid ako ng kambal, pinagalitan niya si Chiyo. Si Chino kasi ang nagkwento sa kanya ng nangyari. Mukhang hindi naging maganda ang dating no'n kay mama kaya si Chiyo ang binalingan. Nahihiya tuloy ako. Hindi niya naman iyon kasalanan. Pinagtalunan pa naming dalawa ni mama nang ipagtanggol ko siya.

Sa huli, umuwing bigo ang dalawa. Hindi ko na nakausap pa si Chiyo bago sila umuwi. Panay ang text niya sa akin simula pa kagabi. Hindi ko siya mareplyan dahil wala naman akong load.

"Ma, pasok na ko bukas. Please? Nailalakad ko naman ng maayos e," pamimilit ko kay mama.

Nakatalikod siya sa akin habang nagsasampay ng mga damit kong bagong laba. Kanina pa siya walang kibo. Ayaw akong pansinin.

"Ma, naman. Sorry na kasi."

Maingat akong naglakad palapit sa kanya para yakapin siya mula sa likod. Natigil tuloy siya sa ginagawa. Mabibigat ang bawat paghinga niya na halatang may halong galit.

"Alam mo namang ayokong nasasaktan ka! Ni gasgas ay ayokong pahintulutan sayo!" Panimulang sermon niya.

"Sorry, ma. Hindi ako nag-ingat. Kasalanan ko po 'yon kaya 'wag na kayong magalit kay Chiyo."

Inilingan niya lang ang sinabi ko. "Hindi ka pa rin papasok bukas. Fourth floor pa ang room mo. Baka mabinat pa 'yan."

Kinalas ni mama ang pagkakayakap ko sa kanya. Napasimangot ako sa inis. Ayokong madami akong absent. Isang araw pa nga lang na hindi ako makapasok ang dami-dami na agad na tambak na gagawin. Pa'no pa kaya ang ilang araw?

"Ma, naman!"

Nagpapadyak na ko sa inis na parang bata. Nawala sa isip kong hindi pa pala gano'n kaganda ang lagay ng paa ko. Nawalan tuloy ako ng balanse kaya napaupo ako sa bermuda namin. Nauna ang pwetan ko kaya balakang ko naman ang sumakit. Napadaing ako sa sakit ng pagkabagsak ko.

"Vienna!" Galit na sigaw ni mama. Binitawan niya ang hawak na laundry. Mabilis pa sa alas kwatrong nilapitan niya ako. "Ikaw talagang bata ka! Talagang hindi ka na papasok nang isang buwan!"

Mas lalo akong suminangot. Akmang dedepensahan ko pa lang sana ang sarili nang may magsalita sa likod ko. Panandaliang nawala sa akin ang atensyon ni mama.

"Marisa," isang pamilyar na malamig na boses ang tumawag sa pangalan niya.

Kitang-kita ko ang matinding pagkabigla sa mga mata ni mama. Ramdam ko ang panlalamig ng parehong kamay niyang nakahawak sa akin. Hindi ko napigilan ang sarili at napalingon na rin doon. Nakaawang lang ang gate namin kaya siguro ay hindi na namin napansin ang mga pumasok.

Nakatayo dalawang metro mula sa kinauupuan ko ang lalaking naabutan kong kausap ni mama noong gabi. Iyong kasigawan niya, si Kier. His cold voice paired his cold piercing eyes. Mariin ang titig niya sa amin habang nakakunot ang noo. He's wearing an all black corporate attire. Mukha siyang business tycoon sa tikas at porma niya. Halatang hindi pwedeng maliitin. Ang paraan ng tingin niya ay nanampal sa kung gaano kababa ang estado namin sa buhay kumpara sa kanya.

"Is that her?" Nagsalita ang lalaking nasa tabi niya.

Nanlaki ang mata ko nang makilala kung sino iyon. The guy with a long blonde hair at Hailee's birthday party. Hindi kagaya noong gabi ng party, mabigat rin kagaya kay Kier ang awra niya ngayon. Bagamat may pananantya sa tingin niya, kita pa rin doon ang galit. His jaw was clenched tightly. Nang balingan niya ako ng tingin ay para akong apoy ng kandilang biglang natupok.

"Kier? D-Devin? Anong ginagawa niyo rito?!" Nagulat ako sa taas ng boses ni mama.

Mula sa pagkabigla, napalitan rin ng galit ang mga mata niya. Maingat niya akong inalalayan para tumayo. Lumapit sa amin si Kier para tulungan rin sana akong tumayo. Maagap naman ang pagalit na saway sa kanya ni mama. Hinampas niya ang kamay nitong hahawak sana sa akin.

Sway Along The Waves (Bellariva Series #1) Where stories live. Discover now