Chapter 23

254 29 1
                                    

"You're not coming with us? Uuwi ka na?"
 
Tumigil ako sa akmang pagpasok sa loob ng sasakyang sundo ko para lingunin si Hailee. Hailee's brow arched when I turned to her. Sa likod niya ay mga kaibigan niyang naghihintay din ng sagot ko.
 
"Sorry, hindi ako puwede ngayon. Sasama ako sa inyo sa susunod," I said.
 
Hailee shrugged. Inirapan niya muna ako bago rin nangiti. "Okay! I hope you won't be a killjoy next time, Vienna."
 
I laughed because of what she said. Nagpaalam na ako sa kanila matapos no'n. Hailee has been hanging out with me lately. Madalas silang magbangayan ni Chino sa tuwing kasama ko sila. Hailee wants me to be with her alone. On the other hand, Chino doesn't want Hailee as my friend. Palagi na lang sumasakit ang ulo ko kapag nagsama na silang dalawa. 
 
Naging abala ako sa paghahabol ng mga requirements kong hindi ko pa naipapasa. Madami akong's absences. Kailangan kong bawiin ang lahat ng iyon lalo na't graduating ako. Graduation is only a month ahead of us. I can no longer wait to get my diploma and brag about it with my brothers. Mama will surely be happy too. I wish she'd be there to see me walk up the stage. 
 
"Hindi na kayo nag-uusap ni Chiyo?" 
 
Nag-angat ako ng tingin sa lumapit sa aking si Jhenia. I stopped writing my notes just to face her. Sandamakmak na lessons sa isang major subject ko ang kailangan kong i-lecture. Kailangan ito dahil nag-chi-check ng notes ang teacher ko sa business ethics.
 
"Hindi na. Bakit?" I returned her question.
 
Naningkit ang mga mata ko habang tinititigan siya. Sa tagal na ring hindi kami nagkakasama, ang dami na ng pinabago niya. Not just in the way she treats me, but also in her features. Umpisa sa kanyang kilay na noon ay makapal at natural, ngayon ay palagi na iyong nakaayos, mataas na para bang palaging nagmamaldita. Her eyes has lost its hues too. Her lips, which have always smiled often, are now in a thin line.
 
"Nothing. I just want to make sure you are no longer connected with him, especially now that he's courting me again," she said. 
 
Hinawi niya ang mahabang buhok papunta sa likod ng balikat. Patuloy iyong hinahangin, kaya bumabalik din paharap para tabingan ang kanyang mukha.
 
I smiled at her. "This time, I hope you now finally say yes to him so that he won't court someone else again and you won't repeat what you did to me."
 
Her grip on the strap of her tote bag hanging from one of her shoulders became firm because of what I said. Nanatili akong nakatingala sa kanya. I can't help, but feel new whenever I have this kind of interaction with her. I wanted to be kind, to remain nice, but I can't. I love Jhenia so much. She's my friend. Ang hirap lang na ibalik ang noon. Masyado nang malayo ang loob namin sa Isa't Isa.
 
We see each other a lot at school. Magka-klase kami kaya hindi iyon maiiwasan. Awkward ang palagi naming nagiging usapan. Sa tuwing groupings ang activity namin, kinakabahan ako kapag nagu-grupo siya sa akin. I know she won't cooperate with me out of pride.
 
"Naging Bellariva ka lang, yumabang ka na," she fired. Her voice is too calm and soft. Tinitimbang ko pa sa sarili ko kung nang-iinsulto ba siya o normal lang na nakikipag-usap. Her lips curve a little as she speaks. "Sabagay, pangarap mo naman 'yan, di ba? I'm happy for you, Vienna. You're now in the place you want."
 
"Thank you, Jhenia. Kung ano ang nararamdaman mo sa akin, ganoon din ako sayo," I said.
 
Nawala ang ngiti sa labi niya. The sides of her lips quivered. Isang pasada ng tingin sa mga gamit kong nakalapag sa mesa ang ginawa niya bago ako muling tinignan. Wala na siyang sinabi pang iba pagkatapos no'n. Umalis siya sa harap ko na parang wala lang. I took a deep breath as I watched her walk away. Naiwan akong mag-isa roon.
 
The cold wind blew. Mas malakas iyon kumpara sa hangin kanina. Mabuti na lang nakatali ang buhok ko dahil kung hindi, kanina pa iyon lumipad sa mukha ko. Tinignan ko ang oras sa relo. I started to put my things inside my bag when I saw that it was already four p.m. Mas malamig na ang panahon ngayon dahil tapos na ang summer. Mas mahangin na rin tuloy dito sa usual spot ko sa school lalo't lilim ito ng puno.
 
Tinangay ng hangin ang nakahiwalay kong papel. Nahulog iyon sa ibaba. Yumuko ako para pulutin sana, pero nilipad na naman iyon nang mas malayo. Kinabahan akong baka mapulot iyon nang kung sino. Doodle ko pa naman na kung ano-ano ang laman no'n. Tumakbo ako para maabutan ang papel. I was about to pick it up when it stopped at my feet, but someone had already done it before I could even pick it up. 
 
"Sayo ito?" Torren asked the obvious. 
 
Tumango ako sa kanya. Sa sobrang taranta, pahablot kong nakuha sa kanya ang papel ko. "Thank you," nginitian ko siya ng tipid. 
 
He smiled back at me. Nilingon niya ang mga gamit kong naiwan pa sa lamesa sa likod ko.
 
"Uuwi ka na?" Tanong ulit niya.
 
"Oo. May sundo ako."
 
Tumalikod ako sa kanya para kunin ang mga gamit. Nandoon pa rin siyang nakatayo pagbalik ko. Nang mapantayan ko siya, sinabayan niya ako sa paglalakad. Halatang galing siya sa practice. He's still wearing their jersey uniform. 
 
"Bakit 'di mo kasama sila Emman ngayon?" I asked him.
 
Torren looked at me before answering. "May date sila ni Reniel ngayon. Si Ramiel, nakipag-date rin.
 
"Ikaw? Wala kang ka-date?" I joked.
 
Natawa siya sa mapang-intriga kong tanong. He shook his head at me, determined to make me believe his honesty. "I don't have a girlfriend to date with."
 
Nagtaas ako ng isang kilay. Naningkit ang mata ko sa kanya, hindi naniniwala. "Oh? What about Kate? I thought you were dating her." 
 
He didn't answer me right away. May dumaang teacher sa harap namin kaya kinailangan muna naming huminto para bumati. Nang makalagpas kami roon, binalikan ko ulit ang tanong ko para masagot niya. 
 
"Hindi naman kami nag-date. We're just flinging," he said, sounding defensive. "I want a mature and serious relationship with someone I really like. Hindi iyong naglalandi lang kapag gusto." 
 
"Kapag gusto? Kaya pala. I caught you flirting in the library with her before. Gano'n ka pala lumandi kapag gusto mo lang," natawa ako.
 
Torren laughed too. "Yeah, I remember seeing you at that time. I was really nervous knowing that... you've seen me there."
 
"Bakit naman? Akala mo siguro magsusumbong ako sa librarian, 'no? Masungit pa naman 'yon."
 
Saglit siyang natahimik. Nilingon niya ako. Ang tingin niya sa akin ay para bang nagpapahiwatig na may sagot na roon. Huminto ako nang matanaw ang pamilyar na sasakyan ng kapatid ko. Sa mismong harap ng gate pa talaga siya pumarada. Kenjie is already standing in front of his car, wearing his wayfarer while his arms are crossed over his broad chest. Pinagtitinginan siya ng mga estudyanteng lumalabas ng gate. 
 
They are probably wondering what he's doing here. He's still wearing his black suit which emphasizes more that he's a lawyer. Sa isang tingin pa lang sa kanya, malalaman agad na lumaki siya sa luho at karangyaan. Mamahalin kasi ang itsura. 
 
"Mauna na ako sa'yo, Torren. Ingat ka sa pag-uwi," paalam ko kay Torren na hindi na ako nasagot pa.
 
I didn't wait for his response anymore. Tinakbo ko ang distansya sa pagitan namin ng kapatid ko. I am too excited to show him my report card. Card ko pa ito last year. Gusto ko lang na makita niya ang previous grades ko. Kinuha ko iyon kanina sa registrar dahil kailangan para sa admission ko sa isang malaking university sa Manila. Kier wants me to transfer to a more prestigious school for college. Hindi ako sigurado kung gano'n din si Emman dahil may girlfriend siya rito.
 
"Do you want a treat for this?" Tinaasan ako ng kilay ni Kenjie nang pagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan. 
 
Bago ako pumasok, nakita kong pinagbubulungan pa kami ng mga schoolmates kong nasa labas. Kenjie went inside the driver's seat after, not minding them. He once again asked me the same question when I didn't answer.
 
"Pwede mo ba akong tulungan magpaalam kay Kier na mag-sleep-over?" I made a puppy eyes to look more persuasive.
 
Kenjie shook his head. He bit his lower lips as if he were only restraining himself from laughing. He started driving, so only half of his attention was on mine.
 
"You're allowed to have girls' night out in our house. You're allowed to have a night party outside too, but you need to return home before 12 and you need to bring your bodyguards with you," Kenjie strictly said.
 
Napairap na lang ako sa hangin. Isinandal ko ang likod sa backrest. "I'm not going to party, kuya. Gusto ko ng sleep over kasama si Chino. At isa pa, nasasakal na ako sa dami ng mga tauhan nating umaaligid sa akin. Kahit saan ata gumawi ang tingin ko sa school, may mga matang nakatingin sa akin."
 
"You need it for protection, baby. Don't be stubborn," he tried to make me understand through his voice.
 
Wala akong nagawa laban sa kapatid ko. Naiintindihan ko naman ang punto niya. Now, that I'm also a holder of the surname Bellariva, threats will surely starts to chase me. Nanahimik na lang ako nang maubusan na ng sasabihin.
 
"You have very high grades. Good girl. You're doing well at school," Kenjie opened up another conversation. 
 
Nanatili akong nakatingin lang sa labas ng bintana. "Sleep over," I whispered, which I purposely tried to make him hear.
 
Kenjie chuckled. "No sleeping over with your boy friend."
 
It was a long drive on our way to our house. Hindi naman kalayuan ang school sa mansion kaya nakapagtatakang masyado na ata kaming matagal sa biyahe. Kunot ang noo ko nang tignan ko ang kapatid ko. His eyes are going back and forth to the side mirror of his car, then in front of us. His face still looks calm, though. I have no idea what's going on. 
 
Liningon ko kung ano ba ang mayroon sa likod namin. I saw a black car following behind us. Sobrang tinted ng salamin ng sasakyan. Hindi kita ang loob. Kaunting-kaunti lang ang distansya nito mula sa amin, talagang nananadya.
 
"Don't look," saway sa akin ni Kenjie.
 
"Anong meron?" Kinakabahang tanong ko.
 
Umiling siya sa akin. His lips curve a little. One of his hands went up to my head. He gently caressed my hair up to my cheeks.
 
"Nothing; I will handle it," he said. "Tighten your seatbelt. Sundin mo lang kung ano ang sasabihin ko."
 
Kabado akong tumango sa kanya. My heart started to race as he also started to speed up his car. Lumayo nang kaunti ang sasakyan namin sa sasakayang sinusundan kami. Hindi no'n nagawang pawiin ang kaba ko. May nilikuang daan si Kenjie. It's a one-way street that no one else is passing by. Ang pagbilis ng takbo namin ay sinabayan ng sasakyang nasa likod. Doon ko mas nakumpirmang sinusundan talaga kami no'n.
 
"K-Kenjie... T-tatawagan ko na ba sila kuya?" 
 
My brother's jaw tightened. He gripped the steering wheel with one hand. Tinanguan niya ako nang hindi nililingon. "Yeah, call Devin."
 
Sumunod ako agad sa sinabi niya. Taranta kong hinagilap ang cellphone sa bag. Nang mahanap ko iyon, halos mamali-mali pa ako sa pag-di-dial ng number ni Devin. I closed my eyes while waiting for him to answer the call. At the back of my mind, I was hoping that some of our men were here. Sana naisipan pa rin nilang sundan ako kahit kasama ko ang kapatid ko.
 
"Yes? Vienna?" Ang nanlalambing na boses ng kapatid ko ang bumungad sa akin mula sa kabilang linya.
 
"K-kuya..." Iyon pa lang ang nasasabi ko ay narinig ko na ang tunog ng susi at pagbukas sara ng pinto sa background niya.
 
"What? What happened?! Where are you?! Vienna?!" 
 
Naiyak na ako sa sunod-sunod na tanong niya. The fear in my chest is bigger than anything else right now. Mas lumala iyon nang marinig ko ang putok ng baril na tumama sa likod ng sasakyan. 
 
"Bow your head," kalmado pa ring utos sa akin ni Kenjie.
 
I did what he wanted. Iyak na ako nang iyak. Hindi ko na nasagot pa si Devin na halos magwala na habang pinapakinggan ang paghagulgol ko. 
 
"Vienna! I'm on my way now!" Ang huling narinig kong sinabi niya bago namatay ang linya. Boses na iyon ni Kier. 
 
Magkakasunod na putok ng baril pa ang narinig ko. Kenjie's already muttering different curses. Nilingon ko ang likod namin. Nawala na roon ang sasakyang nakasunod sa amin kanina. I thought I could already breathe freely, but when I noticed Kenjie losing his cool, my panic intensified.
 
"Kuya, what's wrong?" 
 
Kung kanina isang kamay lang ang hawak niya sa manibela, ngayon dalawa na ang naroon. 
 
"The brake isn't working," he said. "Just close your eyes and don't look."
 
"K-Kenjie..." 
 
Nilingon ko ang paligid ng dinadaanan namin. Sobrang bilis pa rin ng takbo ng sasakyan kahit wala nang humahabol sa amin. Hindi ko na alam kung nasaan kami. Masyadong mapuno ang paligid at dumidilim na rin.
 
"Vienna! I told you to close your eyes!" Nawindang ako sa lakas ng sigaw ni Kenjie sa akin.
 
Napapikit ako nang wala sa sarili. Ilang minuto matapos sakupin ng dilim ang paningin ko, naramdaman ko ang pagkabig niya sa manibela at ang mabilis na ikot ng sasakyan. Things just happened so fast. Before the loud crash of our car, I felt Kenjie's arms wrapping around me to protect me from the painful impact of something in front of us. Tumama ang ulo ko sa bintana kahit sakop na ni Kenjie ang buong katawan ko.
 
My body quickly reacted to the pain. The extreme force of something that bumped into Kenjie's body made everything defeaning. I know that Kenjie's in a more painful state than me. Sa sobrang sakit ng katawan ko ay nagawa ako nitong pamanhidin. I tried to open my eyes to check for him. I can only open it halfway. I saw that Kenjie was still hugging me. My eyes pooled up with tears, realizing that I couldn't even feel his tight hug anymore. Wala na akong maramdamang kahit ano, maging ang sakit sa nangyari.
 
My blurry vision began to darken. Wala na akong iba pang maalala pagkatapos no'n. I was unconscious for days. It was almost a week, according to Aries. Nang magising ako ay nasa isang kwarto na ako sa hospital. Chino was crying so loudly beside me when I woke up. Gusto ko sana siyang asarin na ang ingay niya ang dahilan kaya ako nagising, pero masyado pa akong mahina para gawin iyon. I still haven't recovered fully yet.
 
Si Kenjie, ang una kong hinanap nang magkamalay ako. He's confined in a presidential suite next to me. I cried so much that day after knowing that he still hadn't gained consciousness. Baka raw matagalan pa bago siya tuluyang magising.
 
"Kumain ka na, Vienna. Kailangan mong bumawi ng lakas." 
 
Ngumuso si Chino sa tabi ko, sinusubukan akong subuan ng pagkaing dala nila ng kakambal niya. Chiyo is sitting on the couch in the corner. Katabi niya si Emman na mariin ang titig sa akin. Siya ang nagpapakain sa akin kanina. Sumuko lang dahil ayokong magpatalo. Wala akong ganang kumain. Nag-aalala ako nang sobra sa kapatid ko. I'm blaming myself for what happened. I can't stop thinking about it. Ang pangyayaring iyon ay patuloy na ginugulo ang isip ko.
 
"Kapag dating ni kuya Kier at hindi mo naubos 'yan, malalagot ka," nanenermon ang tono sa akin ni Emman. 
 
He's on duty to watch over me today. Ang ibang mga kapatid ko ay umuwi para makaligo man lang at makapagpahinga. Ilang araw din kasi silang walang tulog sa pagbabantay sa akin. Si Devin lang ang naiwan kay Kenjie para magbantay. 
 
"Alam na ba nila kung kanino iyong sasakyang sumunod sa amin kaya kami naaksidente?" I asked him instead.
 
Emman took a deep breath. Si Chiyo sa tabi niya ay halatang gustong magsalita, pero nagpipigil. He visits me here every day, but we never talk. He doesn't even greet me. He just sits in a corner and stares at me silently, like it's already his way of checking on me.
 
"Kuya's still investigating. Siguradong hindi niya palalampasin ang nangyari," sagot ni Emman.
 
Tumango ako. I turned to Chino afterward. Naaawa na ako sa kanyang naka-ilang attempt na akong subuan. Kinuha ko sa kanya ang pagkain para magkusa nang kumain.
 
"Ang tagal mo nag-inarte, men," hirit niya. "Pinag-alalala mo kaming lahat sa nangyari!"
 
"He's been crying for days. Ayaw umuwi," sabi ni Emman, tinutukoy ang kaibigan ko.
 
Natawa naman ako. "Salamat sa pag-iyak. Nagising mo ako."
 
"Syempre, men, nagpapalakas ako sa mga kapatid mo. Papayagan na kaya akong mag-sleep over ng mga kuya mo sa inyo—"
 
"Still now allowed," pinutol siya ni Emman na masama na ang tingin sa amin.
 
Nagpatuloy ang kulitan namin ni Chino. Hindi rin sila nagtagal doon. May pasok kaya kailangan din nilang umuwi agad. Problema ko na naman ang ilang araw na absences ko.
 
 

Sway Along The Waves (Bellariva Series #1) Where stories live. Discover now