Chapter 10

285 29 6
                                    

Umaga na nang matapos kami sa pagliligpit ng mga kalat. Tatlong oras lang ang naging tulog ko. Mabuti na lang talaga walang pasok kinabukasan dahil linggo. Matapos ng eksena kagabi nina Aries at Hailee, nagsi-uwian na rin ang mga bisita. Humingi ng paumanhin ang mommy at daddy niya sa nangyari.

Hanggang ngayon raw, nakakulong pa rin siya sa kwarto at hindi lumalabas. Masyado niya sigurong dinamdam ang pagkapahiya niya. Sabagay, kahit sino naman ay gano'n ang mararamdaman. Maski ako ay naiinis kay Aries at Emman. Parehong maloko ang dalawang 'yon. Umattend lang ata sila sa party para ipahiya si Hailee. Kahit pa hindi ganoon kaganda ang ugali niya minsan, hindi pa rin tama ang ginawa nila. Sino ba naman ang gustong mapahiya sa harap ng maraming bisita?

Napa-iling na lang ako nang maalala ang mga eksena kagabi. Inayos ko ang suot na white zaful puff long sleeves top na tinernohan ko ng pink wrap skirt. Tinignan ko ang kabuuan sa salamin pagkatapos kong mag-ayos. Inilabas ko ang lipbalm sa drawer saka naglagay ng ka unti. Medyo nanunuyo kasi ang labi ko at nagbabalat. Inilugay ko rin ang buhok ko at hinayaang nakakalat sa balikat ko. Mabuti na lang hindi ako nagpagupit. Mas gusto ko na ngayon ang long hair.

Kinuha ko sa ilalim ng kama ang medyo luma ko ng black na ankle boots at isinuot. Isinukbit ko ang bagpack na may lamang iilang damit pamalit at tsinelas saka ako lumabas ng kwarto para puntahan si Mama sa kusina at makapag-paalam.

"Aba, ang ganda naman ng anak ko! Saan ang lakad mo? Hindi ka nagsasabi ah?" Bungad sa akin ni mama pagkahalik ko sa kanyang pisngi.

Ngumisi naman ako. "Biglaan ang yaya ni Jhenia ng outing, ma. Kasama ko naman po 'yong kambal e."

"Saan ba 'yan? Malayo ba?" usisa ni mama. Nakataas pa ang isang kilay niya sa akin habang nagtatanong. Kinakabahan tuloy ako at baka hindi pa ako payagan. "May pera ka pa ba riyan? May gagastusin ba kayo ro'n?"

"Walang gastos, ma. Payagan niya na ko, ma. Mag-iingat naman po ako e," pamimilit ko.

Umikot ang mata sa akin ni mama. Pinatay niya muna ang niluluto bago ako binalingan. Mas lalong lumawak ang ngisi ko nang mapagtantong hindi naman siya mukhang bad trip ngayon!

"Ano pa bang magagawa ko e bihis ka na?" Namaywang si mama sa harap ko.

Tanging paghalakhak lang ang naisagot ko sa kanya. Matagal pa ang itinagal ng pagpapaalam ko. Gusto pa ni mama na kumain muna ako, pero naghihintay na kasi sa akin sa labas iyong kambal.

Hawak ni mama ang baywang ko habang maingat niya akong iginigiya palabas ng gate. Pansin ko lang kagabi na parang ang weird ni mama. Bigla na lang siyang nawala kagabi sa party. Late na no'ng malaman ko na buong gabi siyang nasa kwarto. Lumabas lang ito nang makaalis na ang mga bisita at oras na ng pagliligpit. Mukha siyang balisa kagabi nang maabutan ko sa kwarto. Hindi ko alam kung bakit dahil hindi naman na ako nagtanong pa as usual.

"Baka gagabihin ako ng uwi, ma. 'Wag niyo na kong hintayin mamaya. Mauna na po kayong matulog para makapag-pahinga kayo ng maaga," bilin ko.

Huminto ako sa paglalakad para humarap kay mama nang makalabas na kami sa maliit naming gate. Hinawakan niya naman ang dalawang kamay ko saka ngumiti.

"Sige. Dala mo ba lahat ng kailangan mo?" tanong niya.

"Opo," sagot ko saka ipinakita ang suot kong backpack sa kanya.

Napalingon ako sa katapat naming gate nang may tumawag sa akin. Naglakad palapit sa amin si Chino na naka-suot ng black shirt na may print na garfield sa harap at black na trousers. May suot pa itong bucket hats.

Isa pa 'tong lalaking 'to na madaling araw na umuwi. Sobrang inis niya sa akin kagabi dahil ang tagal ko raw ibinigay iyong pinapakuha niyang juice na nakalimutan ko na.

Sway Along The Waves (Bellariva Series #1) Where stories live. Discover now