Chapter 12

272 29 0
                                    

"Vienna, paabot naman ng paper bag. Please!" sigaw ni Jhenia.

Lumapit ako sa cubicle para iabot sa kanya ang hinihingi. Ang tagal niyang magbihis. Inuna pa kasi ang pagmimake up na tingin ko ay 'di naman kailangan. Pagpapawisan lang kasi kami sa gagawin. Last subject na namin ngayong hapon ang p.e. Sumaglit muna kami sa comfort room sa baba para magpalit. Iyong sa taas kasi sa mismong floor namin ay maraming gumagamit.

"Bilisan mo na r'yan," untag ko sa kanya.

Bumalik ako sa harap ng salamin para maglagay ng kaunting powder. Inayos ko rin ang pagkakatali ng buhok ko saka itinuck-in na lang ang suot kong p.e. shirt.

Blue ang kulay ng p.e. uniform na may purple print sa harap. Sa bandang dibdib ay ang pangalan at symbol ng school habang sa likod naman ang surname ko na Samonte. Ngumiti ako nang makitang mukha naman akong maayos sa salamin. Bumukas ang pinto ng cubicle ni Jhenia. Nagtama ang paningin namin sa salamin. Eksahedera naman siyang lumapit nang mapansin ang ayos ko.

"See? Pinagbawalan mo pa akong mag make-up. Nag powder ka rin naman!" Nginisian niya ako. "Nag-aayos ka na ha. Sino namang pinapagandahan mo?"

Umikot ang mata ko sa sinabi niya. "Powder lang 'yan. Bawal na ba 'kong mag powder?"

Nasanay na siguro siyang wala akong ginagawang kahit ano sa sarili. Kung alam niya lang na sobrang hilig ko talaga sa mga cosmetics. Ang kaso nga lang, hanggang bahay lang ang pag-aayos ko. Baka kasi mag taka si mama o 'di kaya iyong kambal kapag lumabas ako ng bahay na may kolorete ang mukha. Ngayon, sakto lang ang inilagay ko.

Pinaningkitan ako ni Jhenia ng mata. "Sus! Baka naman para kay Torren 'yan?" Tukso niya pa.

Nanlaki ang mata ko at agad naglilingon sa paligid. Natatakot akong baka may makarinig sa mga sinasabi niya. "Ano ka ba! Hindi ko naman gusto 'yon!" Pagtanggi ko.

"Eh? So, ibig sabihin may nagugustuhan kang iba? Wah! Who is it? I want to know!" tili niya kaya napangiwi ako. Mas lalo pa siyang naging maingay.

"Wala nga kasi," umiling ako ng ilang ulit. "Kailangan ba pag nagpaganda ang babae may dahilan? Hindi ko kailangang magpa-impress sa mga tao."

Hinampas niya ang braso ko, hindi pa rin kumbinsido. "Oh, ito liptint. Baka gusto mo?" abot niya sa 'kin ng tint niya.

Tumanggi na ako. Sapat na sa akin ang naging ayos ko. Kung dadagdagan ko pa baka mas lalo lang siyang mag-aasume ng kung ano-anong bagay.

Kumapit si Jhenia sa braso ko saka kami sabay na naglakad palabas.

"Sa gym raw ba? Akala ko ginagamit pa 'yon dahil may mga nagpa-practice ng basketball?" takang tanong ko.

Nagkibit-balikat lang siya. "Tapos na ata. Mag-hapon na nilang ginamit 'yon. Hindi pa ba naman sila natapos."

Nakangiting mukha ni Chino ang sumalubong sa amin pagkarating ng gym. Nandoon na ang iba pa naming mga kaklase pati na rin iyong instructor namin. Nasa kabilang side lang kami. Nakapwesto pa kasi sa kabilang side ang mga players ng basketball. Isang side lang ang gamit nila. Awtomatikong hinagilap ng mata ko si Chiyo roon. Agad ko naman siyang natagpuan. Nakaupo siya sa isang bench habang busy sa pagpupunas ng pawis. Dumako ang tingin nito sa direksyon namin saka nag-libot ng tingin.

Sway Along The Waves (Bellariva Series #1) Onde histórias criam vida. Descubra agora