Chapter 19

261 30 2
                                    

Wala kaming naging kibuan ni Jhenia sa sumunod na klase. Kahit pa naglapit na ulit ang upuan naming dalawa, hindi kami nag-uusap. She's surely irritated because of me. Walang sagot ang naipasa niyang papel. She'll got zero for it.

"Kayo na ang bahalang mamili ng groupmates niyo. Tatlong member lang dapat per group, pero pwede ring gawin ito by partner or solo."

Natapos sa pagdi-discuss sa gagawing project proposal ang teacher namin sa Piling Larang. Hinayaan niyang ibigay sa amin ang natitirang oras para maghanap ng grupo para ro'n. Si Jhenia agad ang unang nasa isip ko para kunin. Nagulat naman ako nang si Cristine, ang isa naming kaklase, ang tawagin niya kahit nasa tabi niya na ako. Umalis siya sa upuan para lapitan ang napili niyang samahan.

"Partner na lang tayo ah? Kaya na nating gawing dalawa 'yan!" aniya na sinang-ayunan naman ni Cristine.

Hindi na ako umalis sa upuan. Nanatili na lang akong nakaupo. May mga nag-aaya sa aking maki-group, pero tinanggihan ko. Iso-solo ko na lang ang papers ko.

Dismissal na nang balikan ako ni Jhenia. Nginitian niya ako nang magkatinginan kami. Hindi sinasadya ang naging pilit na ngiti ko sa kanya. Mukhang hindi niya naman 'yon napansin dahil nanatiling maganda ang pagkakangiti sa kanyang mukha na para bang hindi siya nairita sa akin kani-kanina lang.

"Uuwi ka na agad or maghihintay ka pa kay Chiyo?" tanong niya nang makalapit.

Tinapos ko muna ang pagliligpit sa mga gamit ko. Siniguro kong ang mga ballpen at correction tape ko ay na i-shoot ko sa bag.

"Hihintayin ko pa siya. Sabay kaming uuwi," sagot ko. "Sasama ka ba muna ulit sa akin?"

Nawala ang ngiti niya nang saglit na paglapatin ang mga labi. Mas lalo iyong namula sa ginawa niya. Naningkit ang pares ng mata niya sa akin, para bang sinusuri ang buong pagkatao ko. Pagkatapos niyang isabit sa balikat ang beige niyang tote, tinaasan niya ako ng isang kilay.

Ibang-iba siya ngayon sa paningin ko. From her awra and all. It's different.

"You know what? I have something to tell you," she said instead, ignoring my question. "H'wag sanang sumama ang loob mo, Vienna. Mas mabuti kasi kung sasabihin ko sayo 'to ng mas maaga."

Kumunot ang noo ko. Bahagya akong nakuryoso sa kung ano man 'yon. "Tungkol saan naman?"

"Ah, pero baka kasi nabanggit naman na sayo ni Chiyo. Nabanggit niya na nga ba sayo?" Pinantayan niya ang pagkakakunot ng noo ko na para bang maging siya ay naguguluhan rin.

"Ang ano ba, Jhenia?"

Hindi ko alam kung ba't ayaw niya pang sabihin o diretsahin ang punto ng sinasabi niya. Nag-uumpisa na ang iritasyon ko sa bagay na 'yon.

"Chiyo and I were dating back when we were in grade 11. Pinopormahan niya ako, last year. He just suddenly stop for no reason. Okay lang naman sa akin since he's not actually my type, but I admit, he's good looking," she smiles at me yet it shows more like a grin, boastful, like she's purposively trying to piss me off. "We're already friends during that time, but I failed to tell you because I assumed, Chiyo have told you already. Oh! Don't tell me he did not?"

Umakto siyang gulat na gulat nang makita ang lito kong ekspresyon. Nakaawang ng bahagya ang bibig niya na natatakpan ng isa niyang kamay. Pareho nang nakataas ang pares ng kanyang kilay habang nanlalaki naman ang mga mata. Lumapit siya sa akin, hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"He didn't tell you about this, Vienna? He's already secretive kahit nagdi-date pa lang kayo," malungkot ang boses na aniya sa akin.

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. Nag-angat ako ng tingin kay Jhenia. Ngumiti ako sa kanya na para bang walang ininda sa kahit alin mang narinig.

Sway Along The Waves (Bellariva Series #1) Where stories live. Discover now