Chapter 16

267 30 0
                                    

Emman's question keeps on playing inside my head. Naging malaking palaisipan sa akin ang tanong na 'yon. Hindi ko alam kung may ipinapahiwatig ba siya. It keeps me occupied all the time.

Pagkatapos ng tanong niya sa aking iyon, hindi na ako nakasagot pa. I think it causes him to lose his patience. Winalkoutan niya ako matapos maglapag ng pera sa lamesa na siguro ay para sa mga pagkaing naroon na hindi naman nagalaw. Torren didn't ask me about what happened, but he's surely curious and wants to fish information.

Naging tulala ako sa maghapon pagkauwi. Nagkulong lang sa kwarto ang ginawa ko. Mabuti na lang dahil umalis rin pala ang kambal kaya walang nangungulit sa akin. Kinabukasan na nang pumasok si mama sa kwarto ko para gisingin ako. Taranta ako sa pag-aayos ng sarili matapos malamang naghihintay raw sa akin si Chiyo sa labas.

"I'm sorry. Did tita woke you up?" si Chiyo pagkalabas ko ng sala.

Nahihiya akong ngumiti sa kanya. Sinuyod ko ng tingin ang sarili sa malaking salamin naming naroon. Nang makitang ayos lang naman ang itsura ko ay agad rin akong naging kumportable.

"Uh, hindi naman. Saktong kakagising ko lang rin no'ng pumasok si mama," sagot ko. "Anong meron?" nagtataka kong tanong nang mapansing bihis na bihis siya.

Basa pa ang kanyang buhok na mukhang kakatapos pa lang maligo. Amoy na amoy ko ang panlalaki niyang pabangong pamilyar na sa ilong ko kahit pa isang metro ang layo namin sa isa't isa. Nakaupo siya sa kahoy naming sofa habang ako ay nakatayo. Ayokong masyadong lumapit dahil hindi pa kasi ako nakakapaghilamos o mumog man lang.

Nag-iwas sa akin ng tingin si Chiyo. Kita ko ang pagdadalawang isip sa kanyang mukha. Ilang sandali bago niya nagawang mag-angat ulit ng tingin.

"Let's date today," diretsahang aniya. I feel stiffened. Hindi man lang kumurap ang mga mata niyang titig sa akin kahit pa pansin na niya ang bahagya kong nagulat na ekspresyon. "Kahapon sana kita yayayain kaso may lakad ka."

Tumingin ako sa gawi ni mama. Naroon siya sa kusina. Nakatingin siya sa amin ni Chiyo, mukhang nakikinig sa usapan. Isang malaking tukador lang ang humihiwalay sa sala at kusina namin kaya kitang-kita namin ang isa't isa. Nang mapansin ang tingin ko ay nginitian niya ako saka nag thumbs up. It's her sign of approval to whatever I am thinking right now.

"Nagpaalam na ako kay tita, Vienna," he says then stood up.

Umatras ako ng isang hakhang. Napahawak pa ako sa bibig dahil nahihiya akong magsalita ngayong lumalapit pa siya. Natawa siya sa ginawa ko.

"S-si Chino? Sasama?" tanong ko. Nakalingon ako sa kabilang direksyon para hindi kami magkaharapan.

"He's busy. And it's our date so tayong dalawa lang talaga."

Humakbang siya ng isa palapit dahilan nang muli kong pag-atras. Nang mapansing wala talaga akong balak na payagan siyang mas lumapit pa, tumigil rin siya agad.

"Saglit lang. Maliligo lang ako ah!"

Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Tumakbo ako papasok sa kwarto para kumuha ng gamit. Lumabas ako. Hindi ko nilingon si Chiyo na nasa sala pa rin nang tunguin ko ang banyo. Kahit ang pang-aasar ni mama ay hindi ko na magawa pang balingan.

"Naku! Araw-araw talagang may date ha?" panay ang parinig ni mama sa akin habang naliligo ako.

Gusto ko siyang sawayin, pero mas pinili ko na lang magkunwaring hindi siya naririnig mula sa labas. Panigurado pa namang naririnig ni Chiyo ang mga sinasabi niya. Kahit pa alam kong kailangan kong magmadali, hindi ko pa rin nagawa. Ilang minuto ang itinagal ko sa banyo pagkatapos kong maligo. Iniisip ko itong biglaang yaya ng date ni Chiyo. Wala man lang akong naging time para makapag-ready.

Sway Along The Waves (Bellariva Series #1) Where stories live. Discover now