Chapter 9

298 31 0
                                    

Kinikilabutan akong bumalik sa kusina. Iniisip ko pa rin kung totoo ba ang mga sinabi ni Emman. Sa itsura naman ni Seavan at base na rin sa nararamdaman ko sa kanya, totoo ngang nakakatakot ang awra niya. Halata rin namang kilala talaga nila ang isa't isa e. Kung mag-usap sila kanina ay parang ganoon na nga sila magkakilala, pero hindi in a nice way.

Napa-iling na lang ako. Ano bang paki-alam ko kung gano'n nga? Ang akin lang naman, dapat hindi siya naninira ng ibang tao at nagsasabi ng kung ano-ano.

Kumuha ako ng basket at inilagay doon ang mga wine glass na pinapakuha sa akin. Ang sabi ni mama, tutulong siya sa pag-aasikaso ng mga bisita sa labas, pero si tita Cara at tita Gia lang naman ang nandoon.

Inis kong nilingon si Chino na nakatayo sa gilid ko nang kalabitin niya ako. "Ano?"

Nilunok niya muna ang huling slice ng cake na kabibigay ko lang bago sumagot. "Kuhanan mo ko ng juice pagbalik mo ah? Hindi pa malamig 'yong tubig sa despenser niyo e."

Ewan ko ba dito at wala atang kabusugan. Tumango ako sa kanya bago dinala ang mga baso palabas ng kusina. Dumaan ako sa malawak na sala ng mansion para makadaan sa main door. Ayoko na roon sa likod dahil baka mamaya may mabangga na naman ako.

Pumunta ako sa mahabang lamesa sa gitna kung saan nakahilera ang iba't ibang pagkain. Iniabot ko kay tita Cara ang mga baso na mabilis niya namang kinuha. Pa simple akong naglilibot ng tingin para hagilapin si Chiyo. Huminto ang paningin ko sa isang lamesa sa bandang gilid kung nasaan siya. Kasama niya ang mga sa tingin ko'y ka blocks niya dahil andoon 'yong dalawang kaibigan ni Hailee.

Naningkit ang mata ko nang makita kung paano humawak sa braso niya ang katabing babae. Halos malukot pa ang suot niyang tuxedo dahil sa pagkakapit nito, pero hindi man lang siya nag-abalang alisin!

"Vienna," tawag sa 'kin ni tita kaya nawala sa kanila ang atensyon ko. "Paki dala naman ito doon sa may table malapit sa gitna. Iyong mayroong lalaking dilaw ang buhok na naka-upo."

May itinuro itong lamesa katabi lang ng kila Chiyo. Nakaupo sila Emman kasama ang dalawa niyang kaibigan pati na si Aries at Seavan. May kasama pa silang isang babae at iyong lalaking tinutukoy ni tita na dilaw ang buhok na hindi pamilyar sa 'kin.

"Kanina pa ito pinapakuha, pero bigla namang nawala ang mama mo kaya hindi pa naibibigay hanggang ngayon," anito saka iniabot sa akin ang isang plato ng pagkain.

Napakagat ako ng ibabang labi, nagdadalawang-isip pa kung susundin ang utos ni tita Cara.

Bukod sa madadaanan ko ang lamesa nila Chiyo, hindi ko rin gustong makita ang mga mukha sa table na 'yon lalong-lalo na si Emman. Kinikilabutan ako kahit pa tinitignan niya lang ako. Panigurado pa namang ie-entertain ako ni Torren kapag lumapit ako sa kanila at mapapatagal lang ang stay ko roon. Ayokong makainteract si Torren dahil hindi ko pa rin makalimutan hanggang ngayon ang nasaksihan kong paglalandian nila ni Kate sa library.

"Tita," tawag ko nang mapagpasyahang hindi ko na lang susundin ang utos niya.

Hindi ako nito napansin. May tumawag na kasi sa kanya para utusan. Bumagsak ang balikat ko at walang nagawa kundi ang mag buntong-hininga na lang. Huminga ako ng malalim. Hinawakan ko ng mabuti ang dalang plato. Pinilit ko ang sariling magpaka-pormal habang naglalakad papunta sa lamesa nila. Ia-abot ko lang naman 'to pagkatapos, wala na.

Ramdam ko agad ang titig sa akin ng mga tao sa lamesang 'yon kahit pa diretso lang ang tingin ko sa nilalakaran. Mahirap na, baka mas mapahiya pa ako kapag natapilok o madapa ako.

Sumalyap ako sa lamesa nila Chiyo nang mapadaan ako sa kanila. Kunot ang noong nakatitig ito sa akin nang mapansing pupunta ako sa kabilang lamesa. Tumikhim ako nang huminto sa tapat ni Torren. Tumayo ito, maagap na kinuha sa akin ang dala at siya na ang naglapag no'n sa lamesa. Dumako ang tingin ko kay Emman na nakangisi na ngayon sa akin. Nakakaasar ang tingin niya.

Sway Along The Waves (Bellariva Series #1) Where stories live. Discover now