Chapter 30

5 0 0
                                    

Oddete's POV

nang nakarating na kami sa room ay sumalubong sa amin ang maiingay na mga estudyante, tignan mo, mga college na pero isip bata parin.

pero habang pinapanood ko sila, naalala ko ang nangyari nung hindi pa natanggal ang ala-ala nila.  umupo ako sa bakanteng upuan at naramdaman ko ang titig nila saken.

may isang babaeng lumapit sa upuan ko at iyon si Avira.

"Hi! bago ka lang dito?" tanong ni Avira sa kanya.

"obvious naman diba?" napairap nalang sa hangin si Avira at masamang tinignan ang kakambal niya.

"alam mo, paepal ka talaga eh noh, nagtataka ako kung bakit naging kakambal pa kita. sa pwet ka ata nilabas ni mommy dahil sa ugali mong mabaho"

"ayaw mo nun may kapatid kang maganda"

"asan yung ganda dyan? nasa pwet?" sabi ni Avira at inangat ang kaliwang kilay niya. napairap nalang ang kakambal niya at umalis na.

"pagpasensyahan mo na yang kakambal ko hah, papansin lang talaga yan" sabi nito sakin.

"okay lang naman, ang sweet nyo ngang dalawa kahit itanggi nyo pa, kitang kita ko ang pagmamahal ninyo sa isa't-isa" sabi ko sa kanya. masama akong tinignan at napairap siya.

"kung alam mo lang ang nangyayari sa bahay namin, nagsisigawan kami dahil sa kanya.. hayysst.." sabi ni Avira at ng pumasok na ang aming sensei ay nagsibalikan na sila sa kanilang upuan.

nagpakilala kami sa harap at dumapo ang tingin ko kay Lance na nakatingin sa Fiance niya na katabi niya. tumingin sa kanya ang fiance niya at ngumitiat sinandal ang ulo niya sa leeg ni Lance. nakaramdam ako ng sakit at naramdaman kong pinisil ni Merlin ang kamay ko and then she mouthed to me "Okay ka lang?" then i answered "yes, i'm okay" i'm not.

—————

inutusan ako ng isang teacher namin n dalhin ang mga libro sa librarian and guess what? kasama ko ang fiance ni Lance.

"i'm so happy na makakausap kita Oddete! gusto ko rin kasing makausap ka" masayang sabi niya at ngumiti. ngumiti rin ako sa kanya at nakakaramdam akong may kakaiba.

"siya nga pala, ako si Mica Revilla, Fiance ni Neon Lancelot Rivas" sabi ni  Mica at ngumiti. syempre alam kong fiance ka niya hindi ako tanga.

"oh, congrats then!" sabi ko sa kanya at ngumiti at nagpatuloy sa paglalakad.

"okay asan na yung Oscar award ko? pati narin rito sa babaitang to bigyan ninyo grabe umacting kala mo di ako kilala"

"can we be friends Oddete? gusto ko kasing makipag-kaibigan sayo" sabi niya saken at huminto kami nung nasa harap na kami ng library

"let's be friends! bago palang ako rito at hindi ako pamilyar sa lugar ng university na to" sabi ko sa kanya. humatok ako at binuksan namin ang pinutan. parehas kaming yumuko at nilapag ang libro sa lamesa ng librarian. pagkatapos ay sabay kaming naglakad papunta sa classroom namin.

———

Lunchbreak na at nandito kaming apat sa rooftop at nag-uusap.

"she wants me to be her friend and i accept it" sabi ko sa kanila at ininom ang milktea.

"hindi ko alam kung ano ang pinaplano ni Mica at ni Selena kung bakit nakipag-kaibigan sayo si Mica"

"so, what now?"

"just go with the flow, yang pagkakaibigan ninyo ang magiging susi para makuha mo na si Lance" sabi ni Merlin sa akin. tumango si Louis bilang pag-sang ayon at nagpaalam si Merlin at Lucas na may aasikasuhin lang kaya, kaming dalawa lang ni Louis ang natira sa rooftop.

 365 Days With You: PBTP1392  PANGALAWA (COMPLETED✔)Where stories live. Discover now