Chapter 12

58 0 0
                                    

"I'm so sorry, Merlin.. Hindi ko siya naprotektahan" Sabi ni Lance at kinuyom Ang kanyang kamao. Hinawakan ni Merlin ang kamao ni Lance at ngumiti.

"Wala kang dapat ikasorry Lance, lahat rin nagkakamali.. mahaba pa ang Araw pati narin ang buwan.. Kaya, pwede pa natin tong ayusin" Sabi ni Merlin sa kanya.

Nasa isang abandonadong classroom silang tatlo na malayo SA mga tao rito sa NU para walang makarinig sa kanila.

"So, anong gagawin natin?" Tanong ni Lance Kay Merlin. Pinatong ni Merlin Ang kanyang baba sa kanyang kamay.

"Let's see, kailangan nating mapaamo si Stella"

"You mean, kailangan nating makuha Ang loob Niya?"

Tumango si Merlin bilang sagot sa tanong ni Lance.

"Ganun na nga"

"Pero papaano Yun? Malakas Ang tiwala ni Stella Kay Selena" saad ni Lucas.

"May Plano ako, dapat Lance.. Hindi ka magpapahalata, maglambing ka sa kanya yung ginagawa nyo dati ni Oddete.. makipag-sweet talk ka SA kanya or di Kaya paibigin mo nalang"

"Tangina parang malala Yun ahh.. may kaagaw"

Napatawa NG mahina si Merlin at umiling-iling.

"Hindi ka Niya aagawin, Lance, wag Kang assuming"

"Paano Kung, humingi tayo NG tulong Kay Matteo"

"Hmmm... Pwede rin pero, kailangan natin siyang kumbinsihin pero, kung sasabihin natin Ang totooo, kailangan nating mag-ingat"

———

Tahimik na naglalakad si Matteo habang may hawak na makakapal na libro nang may humila sa kanya papunta SA abandonadong Classroom. Nalaglag Ang mga makakapal na libro sa lupa at nang nakarating na sila sa abandonadong Classroom ay hinihingal siyang huminto at mabilis niyang hinawakan ang kwelyo ng humila sa kanya.

"Ano Ang kailangan mo sakin, Sumagot ka!" Sigaw ni Matteo habang hawak-hawak niya. Dahil sa liwanag na tumatama sa bintana ay Nakita ni Matteo Ang mukha ng humila SA kanya... Si Lancelot.

Binitiwan Niya ang kwelyo ni Lance Kaya napaupo ito sa sahig at umuubo. Hinahawakan Niya ang leeg Niya.

"Bakit mo ko hinila rito papunta SA basement.. Lancelot" malamig na Sabi nito habang nakatingin kay Lance.

"Dahil kailangan ka namin" napatingin si Matteo kay Merlin na nakasandal sa pader habang Ang kanyang mga braso ay naka-krus SA kanyang dibdib.

"Kilala mo si Stella, Tama ba?" Tanong ni Merlin sa kanya. Tumango si Matteo bilang pag-sagot sa Kanyang tanong.

"Paano mo siya nakilala?"

Umalis sa pagkakasandal si Merlin sa pader at naglakad papalapit Kay Matteo.

"Si Stella.... Ay nasa katawan ni Oddete" seryosong Sabi ni Merlin na ikinatawa ni Matteo.

"Si Stella? Nagpapatawa ka ba?"

"SA tingin mo, nagpapatawa ba ako" seryosong sambit ni Merlin. Seryoso rin Ang kanyang Mukha.

"Kaya pala iba Ang pakiramdam ko Kay Oddete kanina"

"Pero, Hindi parin ako naniniwalang si Stella Ang nasa Katawan ni Oddete"

"Alam kong Ayan Ang sasabihin mo Kaya, may ipapakita ako sayo"

May inilabas na isang maliit na bilog si Merlin. Kulay asul ito at may mga ulap.

"Ito, ang nangyari Kung bakit nasa Katawan ni Oddete si Stella.. maniwala ka man o Hindi, totoo itong nangyari, gumamit ako NG Mahika para pasukin ang kanyang isipan, at ito... Ang Nakita ko"

 365 Days With You: PBTP1392  PANGALAWA (COMPLETED✔)Where stories live. Discover now