Chapter 16

47 3 1
                                    

ODDETE'S POV

napahawak ako SA aking ulo nang sumakit iyon. Kinapa ko ang table na nasa tabi ng Kama ko at nang nakapa ko na ang baso ay uminom ako ng tubig.

Pagkatapos ay pumunta ako SA banyo para maligo at nang natapos na ay pumunta ako SA walk in closet ko para mamili ng maisosoot na damit.

Color pink na Crop top na jacket muna ang sosootin ko pero may sports bra Naman akong itim anong akala nyo sakin ipapakita yung bra ko?

Tinernuhan ko ng high waist na pantalon at black 5 inch boots.

Nagluto lng ako ng fried rice and egg. Nagtimpla rin ako ng kape at inubos ito.

Pagkatapos ay kinuha ko ang bag ko at bumaba na. Naabutan ko si Manang na nagwawalis sa malawak naming sala.

"Manang, aalis na Po ako" Sabi ko at hinalikan ang kanyang pisngi.

"Ingat ka!"

"Opo!"

Third Person's POV

"WHAT!? BINURA NI SELENA ANG ALA-ALA NI ODDETE!" sigaw ni Lucas. Tumango si Merlin at tumingin sa bintana.

"Kahapon, binura ko Ang ala-ala ni Oddete.. Yung Nakita Niya kahapon. Ang paglalaban namin ni Selena at ang pagbaba ng Mahal na Dyosa. At, inutusan ako ng Mahal na Dyosa na BURAHIN Ang ala-ala ni Matteo kay Stella.. means, Hindi na kilala ni Matteo si Stella. Pero, nagulat ako nung pagkabura ko ng ala-ala ni Oddete kahapon, nabura Ang ala-ala ni Oddete tungkol Kay Lancelot.. pati narin Ang nangyari nung simula palang silang nagkakilala. Kaya, hindi na Niya kilala si Lance at, parang mahihirapan tayo kapag Ganon"  paliwanag ni Merlin.

"Tinanong ko si Selena Kung pinakaelaman Niya ang memorya ni Oddete at sinabi niyang "pinakaelaman ko Ang memorya Niya.. kapag binura mo ang memorya ni Oddete.. mabubura rin ang memorya Niya tungkol kay Lance.." nag-iisip pa ako kung paano ko i-sosolve ang problemang ito" dagdag niya.

Parang nanghina si Lancelot dahil sa sinabi ni Merlin.

"Pero, wag kang mag-isip ng negatibo Lance, kapag nasulusyunan ko ito, babalik na ang ala-ala ni Oddete tungkol sayo"

——————

ODDETE'S POV

Pinark ko ang kotse ko sa parking lot ng University. Binuksan ko ang pintuan at lumabas na. Habang naglalakad ay naabutan ko ang mga ibang nag-aaral duon na nakatingin sa akin.

Napahinto ako SA pag-lalakad nang may isang babaeng humitno sa harapan ko.

"A-ahmm... M-Ms. Oddete.. p-pwede Po bang magpapicture?.. Fan na fan nyo Po Kasi ako" nahihiyang Sabi nito. Ngumiti ako at tumango.

"Sure" Sabi ko SA kanya. Nilabas Niya sa kanyang bulsa ang de-keyboard niyang cellphone. Nakarinig Naman ako ng tawa. Nakaramdam Naman ako ng lungkot Kaya Ang ginawa ko ay kinuha ang cellphone ko, Binuksan at binura ang acc ko sa Cellphone ko.

"Tara, picture na tayo" Yaya ko sa kanya. Nahihiyang tumango siya at nagpic kami at binigay ko SA kanya ang Cellphone ko. Nagtaka Naman siya sa ginawa ko at ngumiti ako SA kanya.

"It's okay.. sayo na Yan" Sabi ko at ngumiti. Kita ko Ang paglaglag ng panga ng iba at Ang pagkagulat. Kinuha ko ang wallet ko at kinuha ang 20k Kong pera. Hinawakan Ang kamay Niya at nilagay ko ang pera sa palad niya.

"Para Yan sa pang-kain ninyo.. okay?" Sabi ko SA kanya. Natuwa Naman sya sa sinabi ko at ngumiti.

"Salamat Po!" Masayang Sabi nito at yinakap ako. Yinakap ko rin siya pabalik.

 365 Days With You: PBTP1392  PANGALAWA (COMPLETED✔)Where stories live. Discover now