EPILOGUE

6 1 0
                                    

FEBRUARY 14, 2022

"Bestiee!!" Masayang sigaw ni Aviya ng papasok siya sa kwarto ko.

Napatigil siya sa gilid at biglang tumili at pinaghahampas si Avira na nasa gilid at tahimik lang.

"OHHMYGHAADD! ANG GANDA TALAGA NI BESHIEWAP!" natitiling sabi nito at sinunod naman niya si Denise. Tinakpan ko ang tenga ko dahil sa sobrang lakas tumili ni Aviya at mas lalong nainis ang dalawa dahil ang ingay niya kaya pinalabas siya ng kwarto.

"Hayy nako, ewan ko ba kung bakit naging kakambal ko yun" sabi ni Avira at napatawa nalang ako.

"Medyo same rin naman kau ng ugali kapag seryoso kayo minsan" saad ko at tinignan siya sa salamin. Napatawa ako sa expresyon niya ng tinatapunan niya ako ng matulis na titig at bumuntong hininga siya.

"Pasalamat ka Oddete special ang araw ngayon" saad ni Avira at nagpaalam na mag-smoke lang siya sa labas, si Denise naman ay nagpaalam at makikipag-usap muna sa mga dati naming kaklase dati.

Nang natapos na akong ayusan ang aking buhok at nilagyan ng make up ang aking mukha at nilagay ang aking Veil. Nagpaalam ang ilang mga staffs na lalabas muna sila at ako nalang mag-isa sa loob. Ilang minuto lamang ay may kumatok sa aking pintuan at bumukas si Mica, naka-pink simple dress lang siya at nakalugay ang kanyang blond na buhok, nagmumukha siyang barbie sa itsura niya.

"Masaya akong naka-punta ka sa aming kasal" masayang sabi ko at lumapit siya sakin.

"Masakit rin na makita kayong ikakasal ng taong mahal ko pero, wala na akong magagawa. Napaka-unfair ko sa buhay at ako pa ang may kasalanan kung bakit ka pinatay ni Selena nung nakaraang taon" malungkot na sabi ni Mica at yinuko ang ulo at lumuhod sa harapan ko. Napatayo naman ako sa gulat at inalalayan siyang tumayo.

"No, di mo kailangan gawin yan. Napatawad na kita" sabi ko sa kanya at hinawakan ang magkabilang balikat niya at narinig ko ang pag-hikbi niya.

"Bakit ba ang tanga ko, Celine? Ang gusto ko lang naman may lalaking tatanggap sakin at mamahalin ako, kaso gumamit ako ng dahas para lang makuha si Lance sayo at nag-sisisi akong ginawa yun" saad nito at lalong umiyak at hinug ko siya. Naramdaman ko ang pagka-gulat niya at hinug ako pabalik.

"Shhh, wag ka na umiyak, okay? Lahat tayo gumagawa ng paraan para lang makuha ang mahal natin sa buhay, at napatawad na kita sa mga nagawa mo. Makakahanap ka rin ng lalaking magmamahal sayo ng tunay higit pa kay Lance" sabi ko sa kanya at pinunasan ang kanyang luha sa kanyang pisngi at hinawakan ang kanyang kamay at hinaplos.

"Best friends?" Masayang sabi ko sa kanya. Tumigil na siya sa pag-iyak at niyakap niya ulit ako ng mahigpit. Ilang minuto pa lamang ay bumitaw na siya.

"Aalis na ako sa pilipinas at lalayo na sa inyong dalawa, dahil alam kong masisira lang ang pagmamahalan nyong dalawa ni Lance dahil sakin. Pupunta sa paraiso at maninirahan ng mapayapa. Gusto kong magbago ang aking buhay at ang wish ko para sa inyo ay maging masaya kayong dalawa ni Lance at magkaroon ng Healthy Family" masayang sabi niya sakin at iniabot ang isang maliit na box na kulay gold at ang ribbon rin kulay gold ito.

"May nagpapabigay sayo" masayang sabi niya at lumabas na ng kwarto. Na-curious ako sa laman at binuksan iyon at bumungad sakin ang isang necklace na may hourglass sa gitna at may mga dahon sa gilid, may lamang buhangin ang hourglass at patuloy na bumabagsak ang buhangin sa baba. Napatingin ako sa bintana ng may nakita akong isang owl na kulay ginto at may gold monocle sa mata. Naka-soot ng black tuxedo at may papel na nakatali sa kanyang paa. Binuksan ko ang bintana para makuha ang papel at ng nakuha ko na ay umalis na ito.

Nakita ko ang stamp sa gitna na may hugis na orasan at napangiti ako ng malaman ko na kay Merlin ang galing na sulat. Bubuklatin ko sana ng may kumatok sa aking pintuan at bumukas ang wedding organizer at sinabing magsisimula na ang kasal. Tumango ako at nilapag ang sulat katabi sa kulay gold na box at lumabas na ako ng kwarto. Bumungad sa akin ang limousine na nakaparada sa harap at may bulaklak na nakatali sa harapan nito.

 365 Days With You: PBTP1392  PANGALAWA (COMPLETED✔)Where stories live. Discover now