Chapter 34

0 1 0
                                    

ODDETE'S POV

"wait, did i just saw him getting jelous?"

napatingin ulit ako kay Lance na paalis na at naalala ko ang nakita ko sa mga mata niya.

malamig ang titig niya sakin kanina pero nagbago yung titig niya at masama niyang tinignan ang mga lalakeng nakikipag-pic sa akin.

or namamalikmata lang ako?

tama tama, namamalikmata ako.

or baka assumera lang ako?

.umiling-iling nalang ako at umalis na ruon pero marami pang gustong magpapic sa akin kaya nung nakita ng dean ang kaguluhan sa hall ay napatahimik naman sila at lumayo na sila sa akin.

hinanap ko si Louis dahil iniwan ko siya kanina para magawa ang aking plano pero nagulat ako ng may humila sa kamay ko at hindi ko makilala kung sino iyon dahil nakatalikod siya sa akin kaya nagpupumiglas ako at sinusubukang matanggal ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"Ano ba! Bitiwan mo ako!" naiirita kong sambit pero hindi siya nakinig sa akin kaya nilagay ko ang lahat ng lakas ko sa kaliwang kamay ko at hinawakan ng mahigpit ang braso niya.

"SABING BITIWAN MO AKO!" galit kong sigaw at hinagis siya sa pader kaya naumpog siya at malakas ang pagkalabog ng ulo niya kaya napahiga siya. galit na galit akong naglakad papunta sa kanya at sinabunutan ang buhok niya at inangat ang ulo niya pero nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Lucas. nagdudugo na ang ulo niya at nahimatay siya. napatigin-tingin ako sa paligid at nakahinga ako ng maluwag ng walang katao-tao ang naglalakad rito sa daan na ito. tianggal ko ang blazer ko at tinakpan ang ulo niya at diniinan ang pagkakahawak sa blazer ko para mahinto ang paglabas ng dugo.

"di ka naman mamamatay dahil lang sa pag-untog mo sa ulo hindi ba? God of Ice ka naman eh kaya mo ngang tumira sa palasyo ni Elza" sabi ko at nilagay ang braso niya sa balikat ko at kinarga siya ng pa-bridal.

buti nalang magaan to parang di kumain ng ilang taon.

dinala ko siya sa clinic dahil nag-aalala ako sa kalagayan niya pero nagulat ako ng humiwalay siya sa akin at binigay ang blazer ko sa akin.

"hindi mo na kailangan na dalhin ako sa clinic, isa akong diyos at kaya kong pagalingin ang sarili ko" sambit ni Lucas.

"alam kong diyos ka pero, kinakabahan parin ako dahil baka kung ano ang mangyari sa iyo tapos sa sarili ko ito isisisi dahil sa katangahan ko. pasesnya na talaga!" sabi ko at yumuko. narinig ko siyang tumawa at hinawakan ang baba ko at inangat ng onti ang mukha ko at nilapit niya ang mukha niya sa akin.

"hindi mo na kailangan maging OA sa akin Oddete dahil kaya ko ang sarili ko kahit na ihagis mo pa ako sa terrace" sabi ni Lucas at ngumisi ng mapang-asar. inangat ko ang gilid ng labi ko at inirapan siya.

"sana nga hinagis nalang kita buti nalang anghel ako"

"demonyo ka Oddete, hinding hindi ka magiging anghel"

"sabi ko nga shut up nalang"

"so, anong problema Lucas?" tanong ko sa kanya.

"pinainom ni Mica si Lance ng potion at iyon ang dahilan kung bakit galit siya sayo"

"i know kaya kailangan na nating kumilos kaagad para mapainom siya ng potion na binigay sa akin ni Merlin para bumalik ang ala-ala niya" sabi ko sa kanya at narinig namin ang bell kudyat na start na ng klase kaya pumunta na kami sa aming room at nakita ko ruon si Louis na nakaupo at nakatingin sa akin. napatingin ako kay Lance at nakita ko kung gaano kalamig ang titig nito sa akin.

 365 Days With You: PBTP1392  PANGALAWA (COMPLETED✔)Where stories live. Discover now