Chapter 31

5 1 2
                                    

Third Person's POV

galit na galit si Mica dahil sa sinabi at ginawa sa kanya ni Oddete. hinawakan niya ang sugat sa gilid ng tenga niya at ngumisi ng may naisip siyang ikakapahamak ni Oddete.

sinuot niya ang gloves na nakatago sa bulsa ni Mica at sinuot ito. kinuha ang kutsilyong nakatarak sa pader at sinugatan ang kamay. kinagat niya ang ibabang labi para iinda ang sakit. ginulo niya ang buhok niya at sinampal ng malakas ang sarili kaya naging mapula ang pisingi nito. pinunit ang danit niya at tinignan ang kanyang repleksyon sa salamin.

"Now, let's see kung ano ang gagawin mo, Oddete. gusto ko pa namang makita ka na nakaluhod sa harapan ko at halikan ang paa ko" sabi ni Mica at mala-demonyong tumawa.

"it's time to act" sabi ni Mica at ngumisi. lumabas siya sa cr at nakita niya ang isang staff ng hotel na papunta sa cr. umiyak si Mica at hinawakan ang kamay niyang may sugat.

"aahhh!!" hiyaw sa sakit ni Mica at nakita niya ang staff na tumingin sa kanya at may bahid sa mukha ng pag-aalala.

"mam!" sabi ng babaeng staff at kinuha niya ang coat niya at tinakpan ang malaming hiwa sa kamay niya at inalalayan si Mica at may ibang staffs na pumunta.

"tumawag kayo ng medic! bilis! tawagin nyo narin ang manager!" sabi ng staff. inalalayan siya ng Staff at binigyan ng upuan at pinaupo siya.

"anong nangyari at bakit ka nagka-ganyan?" sabi ng isang staff.

"m-may isang babaeng may galit sa akin t-tapos s-sinabunutan ako, s-sinampal at sinugatan" nangigninig na sabi ni Mica sa kanya.

"MICA!" napatingin si Mica sa kanyang likuran at nakita niya ruon si Lance na tumatakbo papalapit sa kanya. niyakap siya nito at hinalikan sa noo.

"anong nangyari sayo? ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Lance sa kanya. umiiyak si Mica at niyakap niya si Lance.

"S-si Oddete! sinampal ako tapos sinugatan at ginulo ang damit ko! tapos binugbog niya ako! gusto ko lang naman na sumama siya saken pero bakit ganito yung ginawa niya saken" mangiyak-ngiyak na banggit ni Mica sa kanya. nagalit si  Lance dahil sa kanyang narinig.

"WHAT! THAT BITCH HURT YOU!" galit na sigaw ng mommy ni Lance nung nalaman niya ang nangyari kay Mica kaya mabilis itong naglakad papunta kay Mica. mangiyak ngiyak na tumango si Mica at napasigaw sa galit ang Mommy ni Lance.

"THAT BITCH! BUTLER! CALL THE POLICE!" galit na sigaw nito at sinunod ng butler ang utos ng kanyang amo at tumawag ng pulis.

tumingin si Mica kay Louis at nakita niya kung gaano ito naging seryoso. palihim na napangisi si Mica.

"wala ng kakampi ngayon sayo, Oddete. lahat ng taong malapit sayo, sakin na kumakampi"

patuloy na umiiyak si Mica at may Medic na dumating sa kanila para magamot si Mica.

sa kabilang dako...

busy sa pag-momotorsiklo si Oddete papunta sa kanyang Condo ng makatanggap siya ng tawag mula sa Manager ng Restaurant nila. pinindot ni Oddete ang mini bluetooth niyang earphone at tinanong ito kung bakit siya napatawag.

"mam, may naghahanap po sa inyo, mga pulis po." sabi ng manager ng restaurant niya at nagtataka siya kung bakit siya hinahanap.

"bakit nila ako hinahanap?" tanong ni Oddete sa kanya.

"mam meron po ba kayong nakaaway kanina?"

"wala akong nakaaway kanina" nagtatakang sagot ni Oddete at naalala niya ang nangyari sa cr. mahigpit na hinawakan ni Oddete ang manibela dahil alam niyang kagagawan ito ni Mica.

 365 Days With You: PBTP1392  PANGALAWA (COMPLETED✔)Where stories live. Discover now