Chapter 36

1 1 0
                                    

LANCE'S POV (His Memories)

nakasukbit sa balikat ni Lance ang black na blazer ng kanyang suit. inayos ang relo at inayos narin ang kanyang necktie at tinignan ang sarili sa salamin.

"babe! breakfast is ready!" sigaw ni Mica. nakangiting bumaba ako at kinuha ang bagpack ko at tahimik na naglakad para gulatin siya pero napahinto ako sa nakita ko.

naglagay siya ng asul na likido na may konting violet sa tubig ko at hinalo niya iyon ng maigi. nagtaka ako sa kanyang ginagawa pero napaisip ako na juice lang iyon or kung ano pero hindi naman nag-iba ang kulay ng tubig.

"ohh, babe. nakababa ka na pala, hindi ko napansin" napatingin ako kay mica at sumunod sa tubig na nilagyan niya ng likido at ngumiti ako sa kanya at lumapit at hinalikan ang noo niya.

"gugulatin na sana kita kaso, lumingon ka na eh" sabi ko sa kanya at ngumiti naman siya at hinalikan ang labi ko na smack lang. bitbit niya ang pitsel na may laman na tubig at nilapag niya iyon sa lamesa. hinila ko ang upuan para makaupo siya at ng nakaupo na siya ay inirong ko ito, ng matapos na ay umupo ako sa upuan ko at inabutan ako ng tubig. napatingin ako dun at naalala ko ang nilagay miya ruon.

"bakit babe? may problema ba?" tanong sakin. umiling ako at ngumiti at kinain ang sinangag na may ham at itlog.

"ansarap ng luto mo babe" sabi ko sa kanya. kita ko ang pagpula ng pisngi niya at napatawa ako at may naalala ako sa aking isipan.

si oddete na nakangiti at nakasoot ng apron, naka-ponytail at hawak ang spatula at nakangiti sakin.

"babe, tulala ka nanaman" napatingin ako kay Mica at nakita ko amg pag-tataka at pag-aalala niya.

"sorry" sabi ko at ngumiti sa kanya, kita ko kung paano niya ako sinusuri na parang may mali sakin. umiling siya at nagpatuloy sa pagkain. habang kumakain kami ng tahimik, napapatingin ako sa baso ko, nagdadalawang isip ako kung iinumin ko ba to or hinde. 

natapos ang pagkain namin at tinutulungan kong mag-ligpit ng pinagkaninan namin ni Mica. hindi ko ininom ang tubig ko dahil parang may nagtutulak sa akin na bawal ko siyang inumin. at napansin ni Mica iyon at tinignan ako.

"babe, bakit hindi mo ininom yung tubig mo, inumin mo yan para hinid ka ma-dehydrated" utos niya sakin at inabot ang baso sakin. umiling ako at hindi tinanggap ang baso.

"sorry babe, di ko trip na uminom ng tubig ngayon eh" sabi ko sa kanya. nakita ko ang pag-nguso niya kaya bumuntong hininga ako at inalok ang baso na may lamang tubig at ininom iyon. napatingin ako kay Mica at nalkita ko siyang nakangi sakin. pagkatapos kong inumin ang tubig ay ngumiti ako sa kanya at pinakita ang baso at napahawak ako sa ulo ko dahil bigla itong nanakit, narinig ko ang pagbasag ng baso sa tiles at narinig ko ang yapak ni Mica papunta sakin.

"nagiging makulit ka na Lance, hindi ko alam kung bakit pero may kutob ako na bumabalik na ang memorya mo at hindi ko iyon gusto, pero wag kang mag-alala, mabubura ang ala-ala mo at mananatili ka paring galit kay Oddete, kahit na hindi mo inumin ang binibigay ko sayo, mananatili ka paring galit sa kanya" saad nito at tumawa ng mala-demonyo at nawalan ako ng malay.

nakita ko nalang ang sarili ko na naglalakad sa campus, nakaupo sa gilid at iniinom ang black tea

"bulaga!" napatalon ako ng konti nang may nanggulat sa likuran ko at buti nalang at hindi  natabig ang black tea ko. tumayo ako at humarap sa gumulat sakin at mahigpit kong hinawakan ang kwelyo niya at inangat siya.

"h-hey! i-its me! L-louis!" masama kong tinignan si Louis at binitawan ang kwelyo niya, napahawak naman siya sa leeg niya at umubo ng konti at umakbay sakin.

 365 Days With You: PBTP1392  PANGALAWA (COMPLETED✔)Where stories live. Discover now