Chapter 09

55 0 0
                                    

Masayang naglalakad si Lancelot papunta sa kanilang Classroom at bitbit ang bouquet of Ubas.. yep, Ubas.

"Sana tanggapin to ni Oddete, Hehe" Sabi nito habang may pasipol-sipol pa. Nang nakapasok na siya ay nakita Niya si Oddete na kumakain ng saging. Nakita Niya rin ang pagdila nito at Ang pagsubo. Napalunok si Lance at naimagine Niya Yung ano.... Yung ano.. ahhh Basta! Basta saging!

Napalunok si Lance at umiling-iling.

"Wag mong isipin Yun Lance" bulong ni Lance sa kanyang sarili at naglakad papunta kay Oddete. Tinago Niya ang boquet of Ubas SA kanyang likuran. Huminto si Lance sa harap ni Oddete. Tumingala si Oddete habang nginunguya Ang saging.

"Want?" Tanong ni Oddete SA kanya at tinaas Ang saging. Umiling si Lance at ngumiti.

"No thanks.. here, take This" Sabi ni Lance at nilabas ang Bouquet of Ubas. Nabitawan ni Oddete ang kanyang saging na kinakain Kaya nalaglag ito. Narinig Niya ang tawanan NG mga kaklase Niya.

'Kingina.. HAHAHAHAH! AKALA KO BOUQUET OF FLOWERS POTA BOUQUET OF GRAPES PALA!'

'grabe ka manligaw, Lance!'

'push mo Yan Lance!'

Kita ni Oddete Ang pamumula NG pisngi ni Lance pati narin ang kanyang tenga. Umiwas NG tingin si Lance at kinamot Ang batok nito.

"A-ano... O-out of Order k-kasi yung B-bouquet of f-flowers... Hehe" nauutal na Sabi ni Lance at tumingin Kay Oddete at ngumiti.

Namula Naman si Oddete dahil sa narinig Niya. Alam niyang Hindi out of order ang bouquet of flowers at Alam niyang plinano Niya ito.

"How sweet"

Tumayo si Oddete at hinawakan Ang magkabilang kamay ni Lance na nakahawak sa bouquet of Ubas.

"Thank you! I appreciate it!" Sabi ni Oddete at ngumiti at hinalikan Ang pisngi ni Lance. Nag-spark Naman Ang mga Mata ni Lance at ambilis ng tibok NG kanyang puso na parang sasabog na. Pero Ang nakakapagtaka, may lumabas na dugo SA kanyang ilong.

And Boom!

Nahimatay si Lance.

"HUY LANCE! ANYARE SAYO!" sigaw ni Oddete at kinuha ang panyo at pinunasan ang ilong ni Lance.

"Ang kyut niya~~😍"

—————

Dahan-dahang dinilat ni Lance ang kanyang mga Mata at sinandal ang kanyang likod sa dashboard. Nakita Niya si Oddete na naka-nap at hawak ni Oddete Ang kanyang kamay. Napangiti si Lance at kinuha ang ilang hibla ng buhok ni Oddete na nakaharang sa kanyang mukha at nilagay Niya iyon sa likod ng Tenga. Kaya, kitang-kita niya ang nakapikit na Mata ni Oddete at nakatikom na labi.

Napako ang tingin si Lance sa labi ni Oddete at lumunok ito. Yinuko Niya Ang kanyang ulo at dahan-dahang lumapit sa labi ni Oddete. Dadampi na sana ang labi ni Lance Kay Oddete nang biglang umangat ang ulo ni Oddete Kaya naumpog ang noo ni Lance sa ulo ni Oddete. Napalayo si Lance habang hawak Ang kanyang noo dahil sa sakit NG pagkakaumpog.

"A-ansakit"

Nanlaki ang mga Mata ni Oddete at tinanggal ang kamay ni Lance sa kanyang noo.

"Okay ka Lang? Saglit, i-hihipan ko" nag-aalalang Sabi ni Oddete at hinipan ang noo ni Lance. Napangiti naman si Lance dahil sa ginawa ni Oddete.

"Isang halik mo lang tanggal na yung sakit" Sabi ni Lance sa kanya at tinaas-baba ang kanyang kilay. Umirap sa hangin si Oddete at pinitik Ang noo Niya.

 365 Days With You: PBTP1392  PANGALAWA (COMPLETED✔)Where stories live. Discover now