Chapter 15

52 1 0
                                    

Nagising si Oddete sa isang lugar na madilim at walang ilaw.

"N-nasaan ako?" Tanong ni Oddete SA kanyang sarili at hinilot ang kanyang ulo nang may naalala siyang ikinainis Niya.

Naalala niya Ang pag-uusap nilang dalawa ni Selena SA kanyang opisina. At, naalala niyang iba ang suot niyang kwintas.

Kinapa Niya Ang kanyang leeg Kung naruon pa ang kwintas pero Wala na nang nakarinig siya ng ingay. .

'Stella... Ang misyon mo ngayon ay sirain ang relasyon ni Oddete SA kanyang mga magulang"

Nanlaki Ang mga mata ni Oddete SA narinig at Alam Niya kung kanino Ang Boses na iyon, Kay Selena.

Tumayo siya at sinundan kung saan nanggagaling ang boses na iyon.

napapikit si Oddete dahil sa ilaw. At minulat Niya Ang kanyang kamay. May isang malaking salamin ang nasa harapan niya at Kita niya na nasa harap si Selena.

"Papaano Kung, ayaw ko nang gawin ang sinasabi mo? Selena"

Hindi makita ni Oddete Kung Sino Ang kausap ni Selena. Kita SA kanyang mukha na nainis siya SA sinabi niya at tumayo.

"May kasunduan tayo, Stella.. kung ayaw mo na.. buhay ni Matteo ang kapalit, Alam mo namang ayaw mong mawala siya diba? Bibigyan Kita ng isang araw at, binabalaan Kita.. kapag tinangka mong tanggalin ang kwintas, ang ilang parte ng katawan mo pati katawan ni Oddete ay mawawala, kahit kaluluwa ka na" mariin na Sabi ni Selena at umalis na.

STELLA'S POV

para akong nawalan ng dugo SA aking katawan ng sinabi iyon ni Stella. Napatingin ako sa kwintas at hinawakan iyon.

"Kapag tinangka mong tanggalin ang kwintas, ang ilang parte ng katawan mo pati ang katawan ni Oddete ay mawawala kahit kaluluwa ka na"

Gusto Kong umiyak at magwala sa galit sa sinabi ni Selena pero, Hindi ko malabas ang galit ko dahil maraming tao sa Café nang biglang may umupo sa pinag-upuan ni Selena.

"Pwede ba akong umupo? Wala na kasing space" Sabi ni Merlin habang may bitbit na tray. Tumango ako at tumayo na para maka-kain siya NG maayos.

"Wag ka munang umalis.. dito ka Lang, gusto ko kasing may kasama habang kumakain"

Umupo uli ako at tumingin sa kanya. Hindi Niya ginagalaw Ang oag-kain Niya at nilagay Niya ang isang platito na may laman na isang slice ng mouse cake.

"I know this is your favorite" Sabi ni Merlin at ngumiti. Pero, hindi ko ito ginalaw. Nakatingin lang ako SA kanya.

"Don't worry, hindi ko nilagyan Yan ng poison.. Kung lalagyan ko Yan,  makintab sana ang mouse cake" Sabi ni Merlin sakin.

"May tanong ako sayo, Merlin.. galit ka ba sakin? Dahil SA ginawa ko" tanong ko SA kanya.

"Galit ako sayo dahil nakipagkasundo ka kay Selena, pero.. naiintindihan ko ang side mo, Alam Kong na-depressed ka nuong nabubuhay ka pa. Kaya, nagpakamatay ka. At, gusto mong mamuhay ng mapayapa Kaya nakipagkasundo ka kay Selena, Alam na ni Matteo ang nangyari sayo, Hindi ko sasabihin sayo dahil gusto Kong siya Ang mag-sabi sayo" Sabi ni Merlin at tumayo na.

"Pero, sana pag-isipan mo ng mabuti ang desisyon mo.. wag kang sumunod sa masama, tandaan mo.. may sarili kang pag-iisip Kung ayaw mo na, talikuran mo na.. hindi Yung ipagpapatuloy mo pa, Kasi minsan. Nauuto rin Ang mga Tao SA kasamaan, gusto nilang matupad Ang hinihiling nila at Hindi nila Alam na napakalaking bagay ang mawawala"

"Pag-isipan.. ang desisyon?"

Tama nga si Merlin, kailangan Kong pag-isipan ang desisyon ko.

 365 Days With You: PBTP1392  PANGALAWA (COMPLETED✔)Where stories live. Discover now