CHAPTER 33

3 1 0
                                    

napatingin nalang sa madilim na kalangitan si Oddete at ininom ang Wine sa champagne niya. bumuntong hininga siya at lumabas sa kanyang isipan si Lance na nakangiti dahil ruon ay namula siya at nakaramdam siya ng konting hilo dahil uminom rin siya ng maraming wiskey at nahihirapan siyang maglakad dahil narin sa hilo na nararamdaman niya at nagbublurry narin ang paningin niya. hinawakan niya and doorknob at bigla itong bumukas at naanino niya ang isang lalake sa harapan niya. hindi makita ni Oddete kung sino ito at biglang natumba ang kanyang katawan dahil sa panghihinta niya at unti-unting pumipikit ang mata niya, ang huling nakita niya ay lumapit sa kanya ang lalaki at hindi niya marinig ang sinasabi nito and everything went black.

unti-unting minulat ni Oddete ang kanyang mga mata at napahawak siya sa kanyanog ulo dahil sa sakit na nararamdaman niya.

"fuck, nasobrahan ako sa pag-inom" sabi nito sa kanyang sarili pero napatigil siya ng may naamoy siyang pamilyar na aroma, naamoy niya ang pabangong ginagamit ng isang taong mahal niya dahil ito ang ginagamit niya kapag nagkikita sila o aalis sila ng magkasama.

"i told you, kapag sinabi ko ang totoo kay Mica na nandito si Oddete, masasaktan siya at ayokong makita siyang nasasaktan" sabi ni Lance. nakatalikod siya at nakaharap sa malaking salamin at nakikita rito ang siyudad.

"sana all nag-aalala"

napatingin si Lance kay Oddete at nakita niyang gising na iyon kaya binaba niya ang tawag at pumunta sa kanya.

"mabuti at nagising-" hindi na napatuloy ni Lance ang sasabihin niya ng bigla siyang hinila ni Oddete kaya napahiga si Lance sa kama at si Oddete naman ang nasa itaas. nilagay ni Oddete ang dalawang kamay niya sa magkabila pati ang tuhod niya ay nilagay niya sa gilid ng thita ni Lance para hindi siya makawala. hindi alam ni Lance kung bakit siya namula at nag-init ang magkabilang tenga niya nung nilapit ni Oddete ang bibig niya sa tenga ni Lance at bumulong

"ako, hindi mo ba ako aalahanin?" mahinang bulong ni Oddete sa kanya. hindi alam ni Lance kung bakit nahihirapan siyang huminga at lalo siyang namumula. napatingin si Oddete kay Lance at hindi niya mapigilang matawa nung nakita niyang kasing pula na ng kamatis ang mukha ni Lance.

"pfttt... HAHAHAHAHAHAHA, GRABE YUNG PULA MO! KASING PULA NG KAMATIS!" natatawang sigaw niya at nagpatuloy parin sa pagtawa si Oddete at nainis naman si Lance kaya nagulat si Oddete ng hilain siya ni Lance at ginawa ang same position na ginawa ni Oddete sa kanya at bumulong.

"ang kyut mo rin namang mamula, my little tomato" saad ni Lance at napatingin si Lance sa mamumulang labi ni Oddete, lumapit si Lance at akma niya ng hahalikan si Oddete ng mapagtanto niya kung ano ang ginagawa niya. mabilis siyang umalis sa pagkakaibabaw kay Oddete at umupo sa gilid. tumingin si Lance sa kanya at nakita nya kung paano ito nag-iba ng ekspresyon.

"kalimutan mo lahat ng nangyari ngayon pati ang mga sinabi ko sayo, nakakasuka ang nangyari satin ngayon" malamig na sabi ni Lance at tumayo at pumunta sa kusina. hindi alam ni Oddete kung bakit nag-iba kaagad ang mood niya ng may naalala si Merlin.

"may gamot na nilalagay si Mica sa tubig ni Lance at ang gamot na iyon ang dahilan kung bakit galit sayo si Lance at masama ang imahe niya sayo"

pumunta si Oddete sa kusina kung nasaan si Lance pumunta at nakita niya si Lance na nakaupo at kumakain.

umupo narin si Oddete at nakita niya sa kanyang harapan ang dalawang hotdog, sinangag, at isang itlog.

"kumain ka na at pagtapos mo umalis ka na, ayoko ng makita ang pagmumuka mo" malamig na sabi ni Lance. nasaktan si Oddete dahil sa sinabi niya ngunit hindi niya ito ipinahalata at nagpatuloy sa pagkain.

"bakit ka ba galit sakin?"

"at sa tingin mo ba, nakalimutan ko na ang ginawa mo sa girlfriend ko?" napahinto si Oddete sa pagkain at tumingin sa kanya ng diretso.

 365 Days With You: PBTP1392  PANGALAWA (COMPLETED✔)Onde histórias criam vida. Descubra agora