Chapter 18

31 0 0
                                    

Third Person's POV

kabado trenta na pumasok si Oddete sa NU. Hindi Niya Alam Kung ano Ang sasabihin Niya Kay Lance at Kung paano nya i-eexplain Yung sinabi Niya kagabe.

Naglalakad papunta sa Classroom si Oddete at nakita niyang nakasandal malapit sa pintuan si Lance at parang may inaantay. Bumuntong hininga si Oddete at naglakad papalapit Kay Lance.

"Lance—"

"LANCE-SENPAII!!" 

Napatigil SA paglalakad si Oddete at napatingin SA mga grupong babae na tumatakbo papunta kay Lance. Huminto sila Kay Lance at pinaligiran.

"Lance Senpai! Pwede Po bang magpa-pic?" Pabebeng Sabi ng Isa at inipit Ang ilang hibla ng kanyang buhok sa likod ng kanyang tenga na pabebe.

"Sorry, may inaantay Kasi ako" Sabi ni Lance at akmang aalis na pero hinila siya ng mga babae. At Yung isang babae Naman ay pabebeng hinampas si Lance sa balikat.

"Lence Sepei nemen ehh! Pepekter Leng!" Pabebeng Sabi NG Isa at hinampas pa ulit si Lance sa balikat. Susugod sana siya pero napatigil siya nang may naalala siya.

"Bakit ba ako nagagalit? Hindi Naman Niya ako jowa para magalit ako diba? At tsaka, normal lang to kase sikat Siya sa NU"

Naglakad siya papunta sa garden at huminto sa may maliit na pond. Kumuha NG maliit na bato at binato sa pond. Wala namang isdang lumalangoy Kaya pwede siyang magbato.

"Masama Yan" natigil sa pagbabato ng bato si Oddete at naptingin sa kanyang likuran. Pero, nagtataka siya dahil parang narinig na Niya ito Hindi Niya Lang Alam Kung kelan.

"Pakealam mo?" Naiiritang Sabi ni Oddete at nagpatuloy sa pagbabato nang hinawakan ni Lance Ang kamay ni Oddete.

"Bitiwan mo ko"

"Bat ka ba ganyan? May problema ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Lance sa kanya. Binawi ni Oddete ang kamay Niya at tumayo.

"Bakit ka umalis kanina? Kawawa Naman Yung mga FANS mo, iniwan mo Lang dun" Sabi ni Oddete pero mariin Ang pag-kakasabi Niya ng FANS. nagulat Naman si Oddete dahil parang umaakto siyang parang gf ni Lance.

"Nagseselos ka?" Tanong ni Lance Kay Oddete at tinaas-baba ang kilay Niya. Namula nigla si Oddete at umiwas NG tingin.

"H-h-hindi ahh! N-napaka a-assuming mo Naman!" Galit na sigaw ni Oddete at iniiwasan niyang tumingin sa mga Mata ni Lance.

"Wag mo nang i-deny oddete, Alam Kong nagseselos ka"

"HINDI NGA SABI!"

Nagulat si Oddete nang yinakap siya ni Lance at hinigpitan nito ang yakap.

"Masaya akong nagseselos ka, Oddete" bulong Niya.

Mabilis niyang tinulak si Lance at tinignan siya NG masama.

"Hindi ka ba nakakaintindi o sadyang tanga ka?, Hindi. Ako. Nagseselos! Period! At tsaka, Hindi Kita Mahal!" Sigaw ni Oddete. Nakita ni Oddete ang sakit sa mga Mata ni Lance at napayuko ito.

"Sorry, Kung Pinilit Kita" bulong ni Lance at naglakad papalayo kay Oddete. Gustong sundan ni Oddete si Lance pero parang may pumipigil SA kanya.

Pumasok si Oddete sa Room nila at buti nalang Wala pa Ang terror nilang teacher. Umupo siya SA kanyang arm chair at hinanap kaagad ng kanyang Mata si Lance pero, nakaramdam siya NG lungkot dahil Hindi Niya ito mahanap.

Pero, may dalawang taong pumasok sa kanilang room. Pumasok si Lance at si Guin at masaya silang nag-uusap.

Umiwas ng tingin si Oddete at nilibang Ang kanyang sarili sa pagbabasa ng libro. Pero, minamalas siya dahil sa harapan ni Oddete umupo Ang dalawa.

 365 Days With You: PBTP1392  PANGALAWA (COMPLETED✔)Where stories live. Discover now